< The8 POV >
Hi Philippines~
Nandito na ang SEVENTEEN para sa Like Seventeen 'Shining Diamond' Concert in Manila
First time kong pumunta rito. Naku, sabi nila maraming magagandang tanawin rito!!
" MingHao, gusto mo bang sumama? " yaya ni Jun hyung
" Saan tayo pupunta? "
" Gusto kong pumunta sa sinasabi nila ditong 'Magic Mountain' "
" Talaga? Meron raw ba nun? " tss. Hindi ako niniwala sa Magic eh. Sorna
" Aish. Kung ayaw mo edi si Dino na lang ang isasama ko "
" Baket hyung nabanggit ang pangalan ko? " lumapit na si Dino kay Jun Hyung
" Sama ka sa akin " lumaki naman bigla ang ngiti nila
" Isama rin natin si Hoshi hyung!! "
" Saan ba? " sabay akbay kay Dino si Hoshi
" Isama nyo naman ako. Wag kayong madaya " pagmamadali ni Hansol na tumakbo sa kanila
" Syempre okey na sumama kayo noh. Mas marami mas masaya " ika ni Jun hyung sabay tingin sa akin
" Baket ba ayaw mo sumama kase!! " ewan ko kung galit si Hoshi ah, basta nawawala nanaman ang mata nya
" Oo nga hyung. Kapag di ka sumama di buo ang performance team, sabit nga lang ako oh~ " panghihikayat ni Hansol
" Hayyy. Ewan ko sa inyo. Oo na sasama na nga ako " wala akong magawa kundi pumayag
" Yehey. Buo ang 'JamJam' babiess " hayy. Dino nga naman. Maknae nga naman
Pinayagan kami na mamasyal ng aming Manager-nim. Basta wag lang gagawa ng ikagagalit nya.
Ang buong Performance Team at si Vernon ang magkakasama. 'JamJam babiess' pa nga sabi ni Dino eh haha.
" Hindi tayo mahihirapang umakyat " -hoshi
" Yehey may hagdanan " -dino
" Teka lang, bago tayo umakyat. Maiging basahin nyo muna ang babala na iyon oh " -jun
BABALA: Lahat lamang ng naniniwala sa mahika ang maaring umakyat sa mahiwagang bundok.
" Oh ano Di Eyt " pangingilatis ni Jun Hyung
" Haishh. Oo na. Naniniwala na ako "
Kahit hindi. Umakyat pa rin ako, dahil hindi naman kase talaga totoo ang magic na yan. Wala namang mangyayari diba?
< Jass Lim POV >
" JASS!! " sigaw ng tita ko
" Baket po " dahan dahan akong lumapit
" Diba sabi ko maglinis ka ng bahay? "
" Naglinis na po ako "
" ARGH!! Masasabunutan kitang bata ka!! Umalis ka nga muna sa harap ko!! Panira ka talaga ng araw eh noh "
Gaya ng sabi nya lumabas muna ako ng bahay
Habang naglalakad, hindi ko na maiwasan ang lumuha
Ito ang buhay ko. Simula nang nawala ang mga magulang ko inangkin nya na ang bahay na sa akin ipinamana.
BINABASA MO ANG
Do You Believe In MAGIC? || Seventeen The8
FanfictionDo you believe in MAGIC? Sa panahon ngayon, may naniniwala pa kaya sa mga imposibleng bagay na mangyari? Lalo na sa isang magkalayo at magkaibang magkaibang mundo tulad nina Jas at Minghao? Isang ordinaryong babae at isang idol, pano ba at bakit ba...