42. MAGIC talks

33 2 0
                                    

<\ Third Person's POV />

"Mabuhay!!" bati ng mga flight attendants sa Sebong ng makababa na silang eroplano. Nagbow naman ang mga bayot bilang pasasalamat sa mainit na pagtanggap

"SEVENTEEN! BOOM BOOM BOOM! SEVENTEEN SARANGHAE!" fanchant ng Philippine Carat sa kanila "KYAAAAHH!!! SARANGHAE OPPAA!!!" ayan na nagkagulo na. Kaway rito kaway roon hanggang sa makapasok na ang mga bayot sa van nila papuntang hotel.

"Nakita mo ba sya?" tanong ni Jash kay Hao

"OO!! Kaso di nya ata ako nakita" sagot nito

"HUWAAAHHH!! Sayang naman di tayo nakalapit!!" hiyaw ni Apple

"ANG CUTIE TALAGA NI WOOOJIIII!!" nanggigil na sa sabi ni Chell

Oo, naroon ang apat sa NAIA sinalubong ang Sebongies. Kaso nasa may medyo bandang dulo na sila eh, kaya hindi nila masyadong makaita ang mga bayot.

"Sa tingin mo naroon sya?" pabulong na tanong ni Jas kay Jun, magkatabi sila sa may likod ngayon ng van

"Oo malamang, ang bilis lang ng mga pangyayari kaya di natin napansin" pabulong ring sagot ni Junhui senfafs

"Ehem... Si Jas ba?" sabay na napalingon ang dalawa sa katabi nilang akala nila ay tulog na si Hoshi

"Hi-hindi ah!!" pagtanggi ni Hao- Jas.

"Hindi nga?! Pero huwag ka mag-alala Hao, nakita ko sya" ngumiti ito tsaka natulog nanaman ata

"Hin...di nga kase eh..." namumulang sabi ni Jas, kilig sya oh~

Nakangiting nakakaloko si Jun sa kanya habang tinatapik ang likod nito.

"Haist..." kasalukuyang nakaupo si Hao sa higaan ng kwarto ni Jas. Nagiisip.

"Jas..." si Tita nya- ni Jas

"Ba- bakit po?" gulat na napa-ayos ito ng upo

"Ga-graduate ka na ah..." umupo ito sa tabi niya

"Ah? O-oo nga po eh, sa wakas. Wohoo!!" masayang sambit ni Hao, baliw?

"Congratulations Jas ah, alam mo, pasensya sa masamang ugaling pinakita ko sa iyo simula ng mawala na ang mga magulang mo..." panimula nito " Siguro panahon na para malaman mo na, ginawa ko lang iyon bilang motibasyon mo para magsumikap, para di ka mahirapan sa pagkawala ng magulang mo...." hinaplos nito ang balikat ni Jas- Hao. " May iniwang mana ang mga magulang mo sayo para sa iyo, na kahit kailan hinding hindi ko ginalaw. Dahil yung perang ginagasta ko para sa atin, yung ang bigay din nila sa akin para kupkupin ka..." tahimik lang si Hao "Saan mo ba balak mag-kolehiyo? Kahit sa anong paaralan pang gusto mo, ikaw naman ngayon ang masusunod" ngumiti si Tita kay Hao

"Maraming salamat po..." ayun na lamang ang nasambit ni Hao, kase mali na siya ang nakakarinig ng lahat ng ito "Tita... may gusto lang po sana akong tanungin..." pagpigil nito kase paalis na sana si Tita :'> nakikitita ako :'>

"Si-sige ano ba iyon?" at muling umupo sa tabi nito

"May... paraan po ba na mawalang bisa na yung mahika na nasa dalawang natablan nun?" diretsong tanong ni Hao

"A-ano? Bakit mo naman biglang natanong ata iyan?" nagtataka si Tita

"Wala lang po, natuwa lang ako sa mga kwentong nalalaman ko sa Magic Mountain eh, intiresado po ako"

"Ang... alam ko, totoong pag-ibig..." panimula ni Tita

"Pag-ibig?" ang weird noh? Wala akong maisip na tamang term ei

"Pagmamahal! Love, ano pa ba gusto mo?" natatawa si Tita oh~

" Ahahaha... Ang weird naman.." natawa rin si Hao

"Ang alam ko lang... May itatanong ka pa ba?"

"Wa-wala po, salamat" at ngumiti

"Pero kung totoo man nga yun, pagnawalan na ng bisa yung magic raw. Parang babalik ulit sa lahat lahat bago pa man kayo tablan nun ang mga pangyayari. Tapos isa lang sa inyo ang makaka-alala ng mga nangyari, kase para alam nya ang mangyayari para maiwasan na mangyari ulit iyon...." nag-iisip isip pa si Tita "Depende kung gusto nyang maulit ulit yun, baliw lang gagawa nun hahahaha" ang saya ni Tita

"Ang komplikado..." bulong ni Hao sa sarili

"Sobra..." dagdag ni Tita "Oh sya Jas, una na muna ako..." lumabas na si Tita at naiwan ulit si Haohao :'<

Napaisip ng malalim si Hao. "Mahal ko na ba si Jas?" sambit nito "Baliw ka na Minghao, ano bang iniisip ko?!" napasampal sa sarili si Hao "Aray-" ayan, buti nga 😏

"Hyung?" tanong ni Jas kay Jun na nakahilata sa higaan "Hyung!? Psst oi!" tawag ulit nito

Tulog na ata si Jun kaya walang nagawa si Jas kundi ang gawin ang binabalak nya nang mag-isa.

Nasa kalagitnaan na rin ng gabi, nagsuot sya ng all black disguise outfit. May mask at nag-cap na rin ang ating boss Minghao 😎

Dahan dahan at tahimik niyang nilisan si Jun na mahimbing na natutulog. Ligtas rin syang nakalabas ng hotel at humanap ng masasakyan

"Good evening po, Sir!!" bati ko- este nung driver ng makaupo sya. Tinanggal nya ang mask nya para makapag salita

"Magandang gabi rin po" tapos ay ngumiti si Hao- Jas sa akin- sa driver. Hihihihihi ang wafuuuu~

"Sa-saan po ba tayo?" tanong ko- nung driver sabay ngiti ng napakalaki

"Sa may... bayan malapit po sa Magic Mountain p-po...." natakot ko ata

"Gabi na po ah? Tagaduon po ba kayo?" tanong ko

"Ahhhmmm... Mahabang k-kwento po ei" napakamot ito ng ulo

"Ahhh... Sayang naman, para sana di na ako mahirapan pang mag-narate..." bulong ko

"A-ano po?"

"Wala wala.... Sige po enjoy the ride po" nanahimik na ako kase para di mailang si Hao sa akin :'> nas si Jas ang nasa katawan nun. Sayang kaya hindi ko sya pwedeng makidnap :'"< "Narito na po tayo!" masaya kong sabi

"Ah?! Sa-salamat po, magkano po ba?

" Ikaw lang sapat na- este, 245 pesos lang po, Sir" napahiya ako

"Naku! Wala po akong Philippine Peso" iyak nya "Ahhh Maam, Korean Won lang po ang meron ako" inabutan nya ako ng mga tatlong papel na pera

"Wala po akong panukli rito..."

"Keep the change na po, salamat!" at bumaba na sya :'"<

Nagmadali na si Jas na pumuntang bahay nila. Tinawagan muna ni Jas si Hao

"Hello?" halata sa boses ni Hao na kakagising lang

"HAO!! AKO ITO SI JAS!!"

"JAS?!!"

"Na-narito ako sa labas ng bahay at-" napatigil si Jas dahil agad na bumukas ang pinto

"JAS!!" si Hao na sumalubong sa kanya sa pinto, at agad syang niyakap ng napakahigpit.

"Ahhhmm..." nagulat ang bida natin at napayakap na rin sa kanya

"Ja-jas.. May sasabihin ako sayo..." pagkakalas ni Hao sa yakap ay agad niyang hinila ang kamay ni Jas patakbo

"Te-teka saan tayo pupunta?!"

"Sa tuktok ng Magic Mountain" nakangiting sambit ni Hao kay Jas

Do You Believe In MAGIC? || Seventeen The8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon