<\ Jas Lim POV />
WOW.
Ang ganda naman dito-
Ay, dapat pala kumilos ako bilang lalake. Huwag yung parang first time.
Kase grabe. HINDI PA DIN AKO MAKAPANIWALA SA MGA NANGYAYARI SA AKIN!!
Gusto ko talaga maniwala na panaginip lang ang lahat pero, mahirap. Saktan ko man ng paulit ulit ang sarili- ay katawan pala ito ni The8- AYY!! BASTA!!
Naiinis ako sa sarili ko. Ang malas malas ko talaga. Baket saken ba ito nangyayari? Nadamay ko pa ang nanahimik na buhay netong may ari ng katawang ito. ARGH!!
Nag-aalala na rin kase ako sa katawan ko. Kung totoo man ito, ano kayang reaksyon nya sa nangyari sa amin.
Pinipilit kong ibaling na lang ang sarili ko sa magandang tanawin ng Korea ngayon. Haayy. Ngayon iisipin kong napakaswerte ko na ren kase alam kong maraming gusto at pangarap na makapunta dito, eto ako ngayon oh~ .
< PHONE RINGS~ >
" Hoy, may tumatawag sa iyo! " kinalabit ako ng katabi ko, Jun ba?
" Huh? " matipid kong tanong
" Phone mo, nagri-ring. Wala kang balak sagutin? "
Ayy, akin- phone nya ba yun- akin nga, ako nga si The8 kase. Kinuha ko ang phone na nasa bulsa ko.
Unknown number pero teka- pamilyar tong mga numero na ito ah!
" Baket ayaw mo sagutin? Di mo ba kilala yan? " tanong nya ulet. Nakatitig lang kase ako sa screen. Inaalala kung saan ko nakita yung number na ito.
MAYGATT!! NUMBER KO TOH!!!
Walang pag aalinlangan kong sinagot yun. Nag-alala na ako baka nanakaw na ang phone ko!!
" Hello? " nakaramdam ako ng takot
" BUTI NAMAN AT SINAGOT MO NA!! " aray ah. bastos. Pasigaw talaga? Ganyan ba sya bumati ng Hello?
" Sino ba ito? " tanong ko
" KAMUSTA NA ANG KATAWAN KO?? " napatingin ako sa mga katabi ko. Hala. Bat ganyan mga tingin nila.
" Ssshhh. Ang tanong ko sino ka? " hininaan ko na ang boses ko at itong volume. Nahiya naman ako diba?
" HUWAG NA HUWAG MO YANG PAGNANASAAN!! "
" ... " bahala ka. Sino ka ba kase~
" HOY!! "
" Ang tanong ko di mo pa sinasagot " matamlay kong sabi. Kabadtrip eh~
" Baliw ka ba? Ako ito. Si Myung Heo! " sino yun?
" Haayyy. Sino ba yun? Wala akong kilalang ganun. Bye- " ibaba ko na sana
" AKO TOH! SI THE8!! "
Okay. Tama sya. Baliw nga ako. Ang shunga ko pa. Hindi pumasok sa isip ko na, nasa katawan nga pala ako ng ibang tao. Hindi na nga pala ako si Jas. Number ko, tinawagan ang number ng may ari ng katawan na ito.
Ang sarap sumabog na lang bigla.
" Oo. Nasa maayos na kalagayan pa ang katawan mo. At wag kang ano, wala akong pagnanasa sa katawang ito " paliwanag ko " At ikaw? Ikaw ngayon ang tatanungin ko. Kamusta naman yang katawan ko? Sana wag mo rin yang pagnanasaan!! "
BINABASA MO ANG
Do You Believe In MAGIC? || Seventeen The8
FanfictionDo you believe in MAGIC? Sa panahon ngayon, may naniniwala pa kaya sa mga imposibleng bagay na mangyari? Lalo na sa isang magkalayo at magkaibang magkaibang mundo tulad nina Jas at Minghao? Isang ordinaryong babae at isang idol, pano ba at bakit ba...