9. Amaze by your MAGIC

86 6 0
                                    

<\ Wen Junhui POV />

Ngayong umaga na namin makikilala ang mga exchanged students galing pilipinas.

Pinapakiramdaman ko ngayon si Hao, may napansin lang kase ako sa kanya nang mapakita sa amin ang listahan ng mga darating na exchange students.

Tingin sya ng tingin sa phone nya. Di naman sya ganyan dati. Simula lang talaga nang maka-uwi kami galing nang Pilipinas.

" Say The Name! Seventeen imnida~ Annyeong Haseyo! " bati namin sa kanila nang dumating sila, maliban kay Hao na nakatingin lang sa babaeng nasa bandang harapan

" Hao, ayos ka lang ba? " bulong ko sa kanya nang makaupo na kami

" Oo hyung, baket may problema ba? "

" Sigurado ka? "

" Oo hyung "

Ako ata ang hindi ayos. Hindi ko alam pero di ako nakikinig sa nagsasalita sa harap, tanging pinapakiramdaman ko lang si Hao at ang yung babaeng kanina pa tingin nang tingin banda sa amin ni Hao

Oo na, tinitignan ko rin sya. Tapos parang pakiramdam ko nakita ko na ang babaeng yan eh, hindi ko lang maalala

" Hyung! Ayos ka lang? " tanong ni Dino nang tumayo sila at ako ang nahuling nakatulalang naka-upo

" O-oo " nauutal at matipid ko lang na sagot

" Sigurado ka hyung? " ang totoo parang hindi, kakamayan namin isa isa ang mga bisita

" O-oo naman Chan! "

" Kalma ka lang hyung. May itatanong lang ako sa iyo mamaya "

Teka, yung babae na.

" Annyeong Haseyo " sabi nya at ngumiti sya.

" ...... " di ko rin alam kung baket wala akong nasagot. Simpleng hello bakit di ko nasabi

" Annyeong Haseyo " nakalagpas na sya pero nakatingin pa rin ako sa kanya. Di nawala ang ngiti nya.

Napansin kong tingin nang tingin yung babae kay Hao. Tapos eto rin si Hao patago ring tumitingin dun sa babae. Magkakilala ba sila?

Naku! Baka yung babae ang dahilan kung bakit may nagbago kay Hao! Sya yung laging inaabangan ni Hao sa phone.

Kung magkakilala na sila, paano? Saan? Kailan pa? Baka may masamang balak ang babaeng yun!

Pero dapat maghanap muna ako nang ilang ebidensya para mapatunayan yun.

" Ehem! " si Dino at si Vernon nasa harapan ko ngayon. Nagtatanghalian na kase kaming lahat.

" Oh? Chan. Ano ba yung itatanong mo sa akin? "

" Ikaw hyung ah! Ayyyiiieee~ " nagtaka naman ako sa sinabi ni Hansol at para silang mga kinikilig na bulate

" Ano bang meron? "

" Umamin ka nga hyung~ "

" Saan? "

" May crush ka na ba doon sa isa sa mga exchange students na babae? "

" AKO? " nagulat ako sa sinabi nang dalawang toh

" Asus hyung. Halata ka na eh. Kanina ka pa tingin nang tingin dun sa babae eh " pang aasar pa ni Dino

" Wala akong gusto dun noh. Napansin ko ngang tingin nang tingin yung babae kay Hao eh, pati rin si Hao sa kanya " paliwanag ko

" Aayyyiiieee. Nagseselos ka lang hyung~ " pangungutya pa nila lalo

" Kumakain ba kayo o naghaharutan? " ani ni Joshua

" Aaahhhh. Pabayaan mo na nga lang yang mga bata "

" Si hyung kase may crush eh " pagbubunyag ni Hansol kaya nasapok ko sya sa ulo " ARAY HYUNG! NAGSASABI LANG PO AKO NANG TOTOO!! "

Tinawanan lang namin si Hansol na hawak ang ulo nya. Ang OA di naman malakas yun eh.

" Sinong babae ba? "

" Yung... " unikot ni Dino ang ulo nya " OH? " bigla nyang tinakpan ang bibig nya

" Baket? " sabay sabay naman kaming lumingon kung saan nakatingin si Dino

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita namin. Si Hao na nakikipag usap sa babaeng yun

" IM NOT SUPPOSED TO SAY THIS BUT, OH MY GHAD!!! " pagwawala ni Vernon

" Aaahhhh. Yung babaeng yun ba? Baket kayo nagulat? Diba sya rin yung babaeng nasa picture na pinost ni Hao nung pumunta tayong Pilipinas? Sa Magic Mountain ba yun?! "

Di na kami nakasalita. Lalo na ako na di makapaniwala.

Kaya pala pamilyar sya.

Sya yung babaeng nakabangga kay Hao nun?!!

Sya yun?

Hindi ko alam pero bigla akong tumayo mula sa kinauupuan namin at pumunta sa pwesto kung saan nag uusap si Hao at yung babae.

" Annyeong Junhui Hyung! " bati nang babae at kinagulat ko dahil alam nya ang pangalan ko.

Si Hao lang ang tumatawag nun sa akin









[[Edited]] Nakakaiyak ang mga typos. Sorry sa late update. Niiyak ako ako sa pauso nanaman ng Bangtan Guyseu. Mamamatay na ata ako~ Ge bye 😂

PS. Nabaliktad yung closer at amaze guys sorry. Ayan na inayos ko na ahak.

Do You Believe In MAGIC? || Seventeen The8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon