Sorry sa late update. Naformat anf memory at phone ko. Huhuhuhu.
</The8 POV\>
" Kilala na kita " sabay naming sabi sa isa't isa
" Ka-kamusta na ang katawan ko? " binasag nya bigla ang katahimikan sa pagitan ng linya ng telepono
" Diba dapat ako pa nga ang nagtatanong nyan sayo? "
" Syempre eto, maayos lang. Nasa bahay- dorm nyo lang naman kase ako eh. Akala nila may sakit ka- ako pala kaya pinaiwan lang ako rito "
" May kasama ka naman dyan? "
" Oo, si Jun hyung. Umalis lang sya saglit para bumili ng makakain sa labas, kaya ngayon pa lang kita natawagan rin "
" Ako, etong katawan mo maayos lang den. Kahit nasa school ako buti at may mga mababait ka ring mga kaibigan noh? " .
" Wala bang nanggulo sa iyo dyan? " nagtaka ako bigla sa sinabi nya
" Wala naman. Baket? Sino ba? May nanggugulo ba sayo? Inaaway ganun? " inulan ko sya ng tanong kase di ko maintindihan
" Oo " mahina at matipid nyang sagot
Napaisip ako bigla. Baka sakaling malaman ko kapag pinagpatuloy ko ang pagbasa sa mga sulat sa locker nya
" Hao! Andyan ka pa ba? " natahimik kase ako bigla
" Oo, huwag kang mag alala. Di kita pababayaan- " may mali ata akong nasabi ah " Ang... ibig kong sabihin, etong katawan mo "
" Si-sige na. Baka andyan na si Jun Hyung maabutan pa tayo! "
" Ah! Oo sige. Pauwi- " naputol na ang linya. Pinatay na ata nya
Huminga naman ako ng malalim at inayos na ang bag ko. Uuwi na ako.
Habang naglalakad ako. Tinitignan at pinapakiramdan ko ang paligid. Malamig sa Korea pero dito ang init init na parang niluluto ka sa kawali.
Sa tingin ko naman, kung matatagalan pa ako sa katawang toh unti unti rin naman akong masasanay. Pakiramdam ko kaya para akong nabuhay ulet. Parang ni-reincarnate.
" Anong nginingiti ngiti mong bata ka ha? "
Agad naman akong napalingon sa nagsalita. Yung tita ni Jas. Di ko namalayang nakarating na akong bahay
Sa nalaman ko, hindi maganda ang pakikitungo nya kay Jas. Mararanasan ko bang mapagbuhatan ng kamay?
" Jas. Huwag kang aalis ng bahay ah! Magsaing ka na lang. Ako na lang ang mamamalengke "
Nagataka ako. Iba ang inasahan kong mangyayari. Iba kase ang tono ng pananalita nya. Parang walang emosyon.
Hindi ko na lang iyon pinansin at sinunod ko na ang utos nya.
Napaisip na lang ako kung kailan kaya kami babalik sa dati?
<\ Jas Lim POV />
" Hao kamusta ka na? " dali dali ko ng binaba ang telepono kase naramdaman kong nandyan na si Jun hyung eh.
" A-ayos na ako hyung. Ano yang binili mo? "
" Pagkain " matipid nyang sagot sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa
" Ayos ka na ba talaga Hao? Papagalitan ako nina Coups pag di ka pa magaling nyan eh "
" Hahaha. Hyung ayos na ako noh. Di lang halata "
" Tara na nga at kainin na lang natin ang pinamili ko "
Lumabas na kami, sakto ring dumating na ang buong grupo.
" Hao hyung! Kamusta ka na? Magaling ka na ba? " lumapit si Dino sakin at kinapa ang noo ko
" Oo Chan, ayos na ako " sabay ngiti
" May sasabihin ako sa inyong lahat. May schedule na tayo next week " paganunsyo ni Coups
Bumilog naman ang lahat na parang dapat makinig sa sasabihin ng leader. Sumali ako sa bilog.
" Magkakaroon ng exchange students galing sa Pilipinas. Tayo ang napiling mag entertain sa kanila at mag represent ng kpop culture sa kanila. Limang araw natin silang makakasama "
" Aigoo! Napakamalaking karangalan sa Seventeen ang magrepresent ng kpop sa kanila!! " tuwang tuwang sabi ni Kwan
" Kaya dapat maging mabait kayo sa kanila ha? " sabat ni Uji
" Baka ikaw ang magpakabait.... " biro ni Hosh at ngumiting walang mata.Nagtawanan ang lahat.
" Nasan na ba ang gitara- "
" Kalma lang kayo. Nilalanggam na tayo " sali ng napaka emo na si Wonwoo " Wag rin kayong maingay kase magbabasa pa ako okay? "
" Tara na nga at magluto na lang tayo ng hapunan " pag anyaya ni Han sabay hila kay Gyu at nagsunuran na lang rin ang ilan.
Naiwan naman ako pati si Vernon.
" Hyung musta? " tanong nya
" Ulit ulit hansol? Maayos na nga ako "
" Ahahahaha. Eto naman. Binibiro ka lang "
" Sali nyo naman ako sa usapan nyo hoy! " singit ni Dk at tumabi sa amin
" Bawal ang kabayo language, kaya bawal ka~ " gentle na sabi ni Joshua.
At kung saan saan pa napunta ang masayang usapan.
Napapaisip ako kung bakit marami ang nahuhumaling sa kpop kpop na yan sa Pinas. Maliban sa mukha at talento,may magagandang ugali rin sila.
Ngayon naiintindihan ko na kung baket baliw na baliw si Jash sa kanila.
Pakiramdam ko kapag tumagal pa ako sa katawang ito, matatanggap ko na ang paligid ko at masasanay na rin ako rito.Pero bawat oras ko pa ring iniisip kung kailan kaya kami makakabalik sa katawan namin?
Pag nakabalik kaya kami sa dati,mag kakausap pa kaya kami o magkikita?
BINABASA MO ANG
Do You Believe In MAGIC? || Seventeen The8
FanficDo you believe in MAGIC? Sa panahon ngayon, may naniniwala pa kaya sa mga imposibleng bagay na mangyari? Lalo na sa isang magkalayo at magkaibang magkaibang mundo tulad nina Jas at Minghao? Isang ordinaryong babae at isang idol, pano ba at bakit ba...