<\ The8's POV />
Inis.
Yan ang dumadaloy na emosyon sa katawan ko dahil sa nakikita ko.
Si Junhui Hyung at si Jas, magkahawak ng kamay.
Matapos ko silang titigan ay agad akong tumalikod at lumakad papalayo sa kanila.
Kahit tintawag ako ni Hyung. Hindi ako lumingon.
May parang biglang tumusok sa dibdib ko kaya napahawak ako rito.
Wala naman, pero parang ang sakit.
Meron na nga ba talaga?
May nararamdaman na nga ba ako sa babaeng yun?
May nararamdaman na ba ako para sa kanya kaya parang nakakaramdam ako ng selos?
Nagseselos ba ako?
Bakit?!
" Tsk tsk " napatigil ako sa pag-gulo ng buhok ko dahil kay Mingyu
" Oh bakit? " tinignan ko sya na parang wala lang
" Tsk tsk " umiiling iling pa sya
" Butiki ka ba o ano?! " napa-irap ako sa hangin dahil sa inis
" Umamin ka na kase " tumabi na sya sa akin.
Nandito pa rin kami sa school na ito, malay ko ba kung anong ginagawa pa namin eh tapos naman na yung performance kanina
" Anong aaminin ko? " padabog ko pang tanong.
" Wag mainit ulo Hao, kase nga apektado ka kaya ka nga ganyan " pagpapaliwanag nya pa. Hindi ko sya maintindihan.
" Anong ibig mong sabihin? " kalmado ko ng tanong sa kanya.
" Gusto mo na si Jas, diba? "
Tinignan ko lang sya. Gusto kong sumagot agad pero ayaw, parang walang boses na lalabas pag nagsalita ako.
Napabuntong hininga na lang ako at napahawak ulit sa buhok ko.
" Simple lang. Umamin ka na, hanggat nandito pa sila. Babalik na yan sila bukas sa Pilipinas " tinapik nya ako sa likod
" Wala akong aaminin Gyu " winika ko at hinawi ang kamay nya sa likod ko.
Tumayo ako at lumipat ng puwesto.
Tinignan ko si Ehmjay na kausap si Hoshi Hyung, napangiti ako.
Napalingon rin ako dun sa kaibigan ni Jas. Si Jash na kausap nanaman si Coups Hyung. Ang saya nilang tignan na humahalakhak.
Luminga linga ako at may hinanap.
Napakunot ang noo ko, napangiwi ako.
Oo nga pala, iniwan ko silang magkasama na magkahawak kamay pa.
Ang bobo mo The8!!
Wala ka na sa katinuan!
Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko nang makita ko si Jas na paparating. Sya lang mag-isa.
Sinundan ko sya ng tingin.
Nakayuko sya at nagtatago sa nakalugay nyang buhok.
Natanaw kong pula ang mukha nya at nakahawak sa pisngi nya.
Anong nangyari sa kanya?
May nangyari ba kanina?
Tatayo sana ulit ako nang matanaw ko rin si Junhui Hyung na parating.
BINABASA MO ANG
Do You Believe In MAGIC? || Seventeen The8
FanficDo you believe in MAGIC? Sa panahon ngayon, may naniniwala pa kaya sa mga imposibleng bagay na mangyari? Lalo na sa isang magkalayo at magkaibang magkaibang mundo tulad nina Jas at Minghao? Isang ordinaryong babae at isang idol, pano ba at bakit ba...