28. Sharing MAGIC

37 5 0
                                    

<\ Third Person's POV />

" Huh? Ako? Namiss mo?! " tanong ni Jas kay Flex nang harapin nya ito

" Yun ba? " tanong nya rin sa dalaga kaya nagtaka ito, anong 'yun'?

" A-ano?! " tanong nanaman ni Jas

" Si The8 ba? Yung koryanong yun ba ang sinasabi mo sa akin? "

" Ano bang sinabi ko- "

" Jas tara na nga... Baka maabutan pa tayo ng bell!! " inawat na ni Jash ang dalawa.

Sa totoo lang, ayaw ni Jash kay Flex dahil iba ang pinapakitang ugali nito kapag wala si Jas. Parang pakitang tao lang si Flex pag si Jas ang kaharap nya, at hindi ito alam ng dalaga.

" Jash " tawag ni Jas sa kaibigan. Kasalukuyan na silang bumababa ng hagdan. Uwian na kase.

" ... " tahimik lang si Jash

" Kanina mo pa ako di kinakausap ah. May problema ba Jash? "

" ... "

" Paghindi ka nag-salita- "

" May gusto ka ba kay Flex, Jas? " tanong ni Jash na ikinagulat ni Jas

" H-huh? Ako? May gusto kay Flex?! Wala noh! "

" Sigurado ka ba? "

" Wala nga Jash. Bakit mo ba natanong yan? "

" Kaibigan mo ako Jas, hindi man sa nangingi alam ako sa buhay mo pero sana huwag na huwag mong sasagutin si Flex " paliwanag nito

" Naku Jash, ang bait bait naman ng kaibigan ko! Hahahaha!! "

" Jas naman eh~ "

Nagharutan pa ang magkaibigan sa daan.

" Pero Jas, ano ba yung sinasabi ni Flex na si The8 ba? Si The8 ba ang alin? " napawi ang ngiti nila

" Huh? Ma-malay ko nga eh " sagot na lang ng dalaga sa kaibigan ' bwisit ka Minghao! Anong pinag-gagagawa mo sa katawan ko! ' sabi ni Jas sa loob loob nya

" Nakakalungkot naman, parang nagtatago ka na ng mga lihim sa akin ah "

" Naku Jash- Hayy, sige na nga. Marami nga akong ikukuwento ako sayo "

" Ano? Tara? " paghamon ni Jash

" Tara? " at agad na hinila ni Jash si Jas sa madalas nilang tambayan.

" Bilis bilis!! " pagkaladkad ni Jash sa ating dalaga.

" Teka baka matapunan ka nitong toyo! "

Matapos nilang maka-upo sa may gather ay umayos na ang dalawa.

" Alam mo ba noong nandun pa tayo sa Sokor, napaka-raming nangyari " panimula ni Jas sabay higop sa chocolate shake nya

" Tulad ng? " excited na tanong ni Jash habang ngumunguya ng siomai.

" Jash baka nga gusto ko si The8 "


" HUWWAAAAAHHH!! " si Jash yan

" Ssshhh Jash, kalma muna, una pa lang yan " napatango na lang si Jash at patuloy sa pagkain " Siguro dahil dun sa sobrang pakikipag-interact natin sa kanila, nakilala natin sila. Lalong lalo na sya, nakilala ko sya. Kaya. Gusto ko sya hindi bilang 'Idol' o The8, gusto ko sya bilang sya, bilang Xu MingHao na nakilala ko... "

At kinuwento na nga ni Jas ang lahat ng nangyari sa kaibigan nya habang wala sya. Kase nga diba? May sarili rin syang mundo nun, sya kase ang President diba, kaya busy sya. Busy rin sya kay S.coups nun at busy rin matulog lang sa dorm nila.

" Hhaayy, ang unfair! " napabuntong hininga pa si Jash

Kinuwento rin ni Jas ang buhay pag-ibig ni Jun at Erin. Pati ang mga kaibigan nito.

" Hala gusto ko rin makilala si Erin at squad nya!! Maganda ba si Erin?! Ahihihi kinikilig ako!! " nangingisay pa si Jash

" Pero may pangyayari talagang hindi ko makalimutan Jash... "

" Ano ba yun Jas? Feel free to tell me, kaibigan mo ako " sabay ngiti

Sinabi ni Jas ang nangyari ng gabing yun bago sila umuwi ng Pinas. Ang pag-amin ni Minghao.

" WEEEEHH??!! TALAGA?! UMAMIN SYA!! " nagwawala na si Jash

" Teka teka, hindi ko nga alam kung totoo yun eh. Kase sabi pa nya, uuwi na rin naman tayo at hindi na raw nya ako makikita kaya mawawala rin naman raw yun Jash "

" Aayyyiieee!! Jas! Ang swerte mo naman at kahit papaano napansin ka ni The8! Nagkagusto sya sayo sa likod ng milyon milyong fans nila!! "

" Haay Jash, ewan ko. Nababaliw na ako sa hindi ko maintindihang nararamdaman ko! "

" Ano ka ba Jas! Think positive! Malay mo, hindi ka talaga kakalimutan nun Minghao na yun! Hindi kaya ganun kadaling maka-limot! Lalo na kapag nagkita kayo ulit "

" Jash pinapaasa mo ba ako? "

" Hindi naman masamang umasa ah! "

" Hay naku Jash salamat sa iyo ah. Kase hindi ko na talaga kayang kimkimin ng sarili ito eh. Buti nasabi ko na sayo "

" Ano ka ba, kaibigan mo ako Jas. Kahit ano pang ka-dramahan yan. Lagi ka rin namang nakikinig sa mga kadramahan ko ah! "

" Mas lalo tuloy kitang nakilala "

" Ako rin naman, mas nakilala kita Jas. Alam ko na, na tumitibok rin naman pala ang puso mo, hahahaha "

" Ganun naman talaga eh, kapag nagkukwentuhan ang magkakaibigan mas nakikilala nila ang isa't isa "

" Teka, anong oras na ba? "

" 5:30. Bakit? "

" HALA! ANDAMI PA NATING GAGAWIN!! "

" HALA OO NGA! BAKA PAGALITAN PA AKO NI TITA!! "

" UWI NA TAYO!! "

" OO, UWI NA TAYO!! "

Agad na tumayo ang dalawa at inayos ang mga sarili. Nagmadaling naglakad na pauwi ang magkainigan, ngunit sa daan ay patuloy pa rin ang kwentuhan nila.






★★★★★★★★★★★★★★★★

Alam nyo, ewan ko kung para saan ang Chapter na ito at hindi rin ako nag-narate ng madami, pero sa palagay ko nakapagbigay ako ng ilang Facts about Friendships~

Do You Believe In MAGIC? || Seventeen The8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon