Drew's POV
"Kasi Drew...." nakayukong sabi niya.
"What?" Di ko siya binibitawan
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
. "Gusto kita, Drew "
nakayuko niyang sabi. Kitang- kita ko kung paanong manginig ang buo niyang katawan. Kinakabahan ba siya o ewan?
Napalingon siya sakin nang humagalpak ako ng tawa.
"A-anong nakakatawa? Seryoso ako. Gusto kita." Halos mangiyak ngiyak siya habang sinasabi niya to. Hindi siya umaalis sa pwesto. Inaabangan niya siguro ang sasabihin ko..
"Tumigil ka nga diyan! Ang lakas ng loob mo umamin ah. Hindi kita gusto at kahit kailan, hinding hindi kita magugustuhan. Kilala ako bilang Bed master. Magaling sa kama, mahusay rumomansa. Eh ikaw? Ni hindi ka nga marunong humalik eh" Mas lumakas yung hagalpak ko.
Narinig ko siyang humikbi.
"Pwede ba wag kang umiyak na parang bata diyan. Hindi ako yung tipo ng lalaking nararapat iyakan. Tahan na"
Hinawakan ko siya sa balikat. Hinawi niya yung kamay ko at tuluyan niya na kong tinalikuran.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
***
"Ahhh...Drew...." halos di mapakali si Theresa sa ginagawa ko sa kanya.
"Wait Drew, nasasaktan na k-ko" halos di siya makahinga nang isandal ko siya sa pader. Marahas kong hinahalikan ang leeg niya.
"Fuck off Drew!" Bigla akong natigilan. Ikinuyom ko yung kamao ko saka ko sinuntok yung pader.
"Ano bang nangyayari sayo ha? Kagabi, magdamag mo lang akong pinatambay sa kwarto mo. Ni hindi mo manlang ako hinalikan tapos ngayon halos patayin mo ko sa gigil. Ano ba kasing problema?" Napaupo ako sa kama. Oo. Tama si Theresa! Walang nangyari samin kagabi. Ni hindi nga kami naghalikan. Nagkwentuhan lang kami magdamag. Wala nga kasi ako sa mood makipaglaro.
"Shit Theresa. Hindi pwedeng mangyari yun." Umupo siya sa tabi ko.
"Ang alin ba?"
"She likes me. She said she likes me. Fuck! Hindi pwede!" Napakamot ako sa ulo
"Kasalan mo yun eh. Ang dali mo kasing mahalin." Tumawa siya.
"Mahalin na ko ng lahat ng babae, wag lang siya! Wag lang si Janna, Theresa. Wag lang siya. Tangina." Hinimas ko yung kamao ko.
Putang ina talaga! Gusto ako ni Janna! Hindi naman sa choosy ako pero bullshit naman. Hindi ko matanggap eh. Nakita ko yung pag-iyak niya kanina eh at halos madurog ang puso ko. Tangina ang corny ko pero talagang ayokong iiyak siya dahil sakin. Isa akong walang kwentang lalaki. Ni hindi nga ako nagkaroon ng seryosong relasyon. Sex lang ang habol ko sa mga babae. Masasaktan lang siya pag nalaman niyang lampas isang daan na ang naikama ko.
BINABASA MO ANG
BED MASTER (COMPLETED)
Romance"Okay lang na maging pervert, maniac o sex addict ka. Basta ba sakin mo iaapply eh" - Janna This story is just a product of my naughty imagination. Warning! This is rated SPG. My mga eksenang sadyang di pambata. Read at your own risk. K?