Tom’s POV
“Bakit hindi ka kumakain?” tanong ko kay Janna. Nakita ko namang kumunot yung noo niya. Hindi niya siguro naintindihan yung sinabi ko dahil sa lakas ng videoke. Idagdag mo pa yung malakas na boses ng lovebirds na sina Aki at Art.
“Bakit hindi ka kumakain?” tanong ko ulit. This time, mas malapit yung bibig ko sa tenga niya.
“Ah! Pili lang yung mga food na kinakain ko eh. Di ako masyadong pwede ng mga yan” sagot naman niya.
“Bakit yung mga pagkaing bawal sayo yung pinabili mo?” Sobrang dami kasing pagkain na nakahain sa center table nila. May pizza, burger, carbonated drinks, chips, sweets tapos nagpaluto pa si tita ng baked macaroni. Napakaraming pagkain. Tatlo lang naman pala kaming kakain.
“Para sa inyo talaga yan eh.” Then she smiled. Natameme nalang ako.
.
.
.
.
“Wohooooo!” Nagulat kami ni Janna sa sigaw ng lovebirds. Tuwang-tuwa sila sa score nila sa videoke.
“Tuwang-tuwa na kayo sa 98% eh dalawa naman kayong kumanta. Hati lang kayo sa score. Tig 49 lang kayo diyan no.” Biro ni Janna sa dalawa. Pareho naman silang natawa.
“Sus! Inggit ka lang! Hindi ka kasi maka-98 sa videoke.” sagot naman ni Aki.
“Ofcourse not! Hinahamon mo ata ako eh!” Nakangiting sagot naman ni Janna.
“Laro nalang tayo! Tutal yabangan narin naman sa score, magcontest tayo!” si Art. Shet. Parang kinakabahan ako sa plano ng mga to ah.
“Oo nga!Partner kami ni Art tapos kayo namang dalawa.” sabay turo niya samin ni Janna.
“Oh eh anong gagawin?” tanong ko.
“Magluluto tayo Tom. Videoke nga diba?” sarkastikong sagot ni Aki. Nagtawanan naman sina Art at Janna. Lokong mga to.
“Alam kong videoke! Pano nga yung mechanics ng laro?” medyo iritableng tanong ko. Pinagtutulungan kasi ako nitong tatlong to. Iuntog ko sila sa abs ko eh. HAHA.
“Pipilli tayo ng song. Magduduet yung partners tapos the higher score will win. As simple as that. Tama ba?” paliwanag ni Janna. Holy cow! Hindi pa naman ako magaling kumanta!
“Wala bang ibang laro?” tanong ko
“Don’t tell me na naiintimidate ka samin?” hamon ni Aki sakin. Hindi sa ganon! Ayoko lang na mapahiya ako! Sa bahay pa nina Janna!
“Hindi naman. Ano kasi eh”
“Kung ayaw ni Tom ng by pair, edi individual challenge na lang. Ayaw niya siguro akong ka-duet.” Umirap si Janna sabay tingin ng masama sakin.
“H-hindi sa ganon. Ano kasi eh. Hindi lang.. Ano...ah fuck! Okay fine! Call!” Napansin ko namang nagtanguan yung tatlong itlog.
![](https://img.wattpad.com/cover/8992797-288-k933077.jpg)
BINABASA MO ANG
BED MASTER (COMPLETED)
Romance"Okay lang na maging pervert, maniac o sex addict ka. Basta ba sakin mo iaapply eh" - Janna This story is just a product of my naughty imagination. Warning! This is rated SPG. My mga eksenang sadyang di pambata. Read at your own risk. K?