CHAPTER 85

1.1K 25 0
                                    


Janna's POV

"So Ma'am and Sir reapeat ko lang po yung mga magiging main dishes ninyo, buttered salmon, baby back ribs, smoked lamb, beef with oyster and beef brisket" ani ni Ms. Allison, she is the catering coordinator. We are here at Sonya's Garden Tagaytay para sa food tasting. We decided na dito na ang venue ng wedding. Gusto rin ni Drew dito for Daddy's sake. Hindi na kasi niya kayang bumyahe ng malayo.

"Infairness I like the foods here." impressed ako

"Pero can we add Kare-kare para may pinoy style food parin? " I added

"Then Ms. Alli, we would like Tuscan garden salad for the appetizer. This tastes really good." Drew said. Sumangayon naman ako.

"Noted po sir. Then for the desserts po, you may try tasting these." itinuro niya ang mga platito na naglalaman ng iba't ibang desserts.

Isa-isa namin tinikman ni Drew yun. Wow lang. Parang lahat naman eh masarap.

"What do you want baby?" tinitigan ko muna ulit yung mga desserts. Maya-maya pa'y parang nangapal ang batok ko at nanlabo ang paningin ko. Napahawak ako sa mesa.

"Baby? Are you okay?" bigla akong ikinulong ni Drew sa mga braso niya ng mapansing parang inuuga ang katawan ko. Napahawak ako sa may sentido at nagtatakbo sa CR.

Pakiramdam ko ay naduduwal ako. Nanginig ang buo kong katawan at isinubsob ang ulo ko sa lababo. Parang pinipilit ang sikmura ko. Nasusuka ako pero puro hangin lang ang lumalabas sa bibig ko.

"Baby? What's wrong? May allergy ka ba sa mga nakain mo?" Duwak lang ako ng duwak habang si Drew naman ay haplos ng haplos sa likuran ko.

"H-hindi ko alam." Halos ibaon ko ang kamay ko sa aking sikmura dahil sa sobrang hapding nararamdaman ko.

"Fuck, baby. Di ko kayang makita kang ganito. Let's go." Nagulat ako ng buhatin ako ni Drew palabas ng CR. Unti-unting nagdilim ang paningin ko habang nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya.

"I'll contact you again Ms. Alli." that was the last words I heard.

========================================

Drew's POV

Kanina pa kong paikot ikot sa loob ng hospital room ni Janna. Agad ko siyang isinugod dito. Takot na takot ako ng makita ang kalagayan niya kanina. Putang ina. Hindi ko kayang makita si Janna na ganoon. Pakiramdam ko ay ako ang mamamatay.

"Diyos ko Drew, anong nangyari?" gulantang na pumasok ang Mommy ni Janna sa pintuan. Agad ko siyang kinontak ng makarating kami ng ospital.

"Hindi ko po alam Tita. Medyo marami kaming tinikmang pagkain kanina kaya hindi ko alam kung ano ang nakasama doon sa kanya."

"Nasan ang doctor?"

"Hinihintay ko pa po ang resulta. Iba't ibang tests po ang ginawa sa kanya. Nagulat nalang po ako ng sumuka siya ng sumuka." inilapag ni Tita ang gamit niya at lumapit kay Janna. Hinaplos niya ang mukha nito.

"Anak ko..." mangiyak ngiyak si Tita. Para din akong sasabog ngunit pinigilan ko. Kabang kaba ako. Kung anu ano na ang naiisip ko. Hindi kaya may malalang sakit si Janna? Sobrang namutla siya at parang naubusan ng dugo ang kulay niya. Shet. Hindi ko ata kayang may mangyaring masama sa kanya.

"Excuse po Mr. Tamayo." napabalikwas ako sa pagpasok ng doctor

"Doc, ako po ang nanay ng pasyente." lumapit si Tita Andy at kumamay sa doctor

"Ay mabuti naman po at nandito rin kayo Misis. So, after the different tests na ginawa namin sa pasyente, I just found out na normal lang po ito para sa isang tulad niya." Nagkatinginan kami ni Tita.

BED MASTER  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon