CHAPTER 86

1.3K 36 4
                                    


Janna's POV

"Oh sige, Red. Tawagan mo ko agad pag may balita ka na sa kanya. Salamat." I dropped the call.

Isinandal ko ang sarili ko sa swivel chair ko. Pinagmasdan ko ang wallpaper ko sa aking telepono bago ko isiniksik ang mukha ko sa aking mga kamay.

Hay Drew! Nasaan ka na?

Bumigat ang aking mga mata matapos may mamuong luha sa mga ito. Tatlong araw ng hindi nagpaparamdam si Drew. Matapos kong aminin ang tungkol sa amin ni Tom ay hindi siya tumabi sa akin ng gabing iyon.

Naiisip ko nga kung tama ba ang ginawa kong pag-amin. Di ko magawang pagsisihan na sinabi ko pa sa kanya ang tungkol samin ni Tom. Mali, dapat lang na malaman niya iyon. Tama sya. Dapat ay wala kaming inililihim sa isa't isa. Maging ang isip ko ay nagtatalo.

Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ni Drew. Kahit ako ang nasa pwesto niya ay baka nasampal at nasuntok ko pa siya.

Bakit ganoon? Kung kailan okay na ang lahat ay saka naman nagkaganito. Gusto pa kaya niyang ikasal sa akin?

Ginulo ko ang buhok ko at tinitigan ulit ang mukha ng gwapong lalaki sa wallpaper ng cellphone ko.

"Ms. Janna, meryenda ka na muna." pumasok si Aki dala dala ang tray ng juice at cinamon roll.

Ipinatong niya ito sa lamesa ko at umupo siya sa harapan ko.

"Wala parin bang balita kay Drew?" umiling ako

"Hindi ko na alam Aki. Para na kong mababaliw. Hindi ko alam kung nasaan siya. Kung okay lang ba siya." di ko na napigilang mapaluha

"Hush now... Isipin nalang natin na nagpapalamig lang ng ulo si Drew. Natural na reaction niya yun. Hayaan muna natin siyang magisip isip."

"Alam kong isang kasalanan yung nangyari samin ni Tom, Aki. Pero pinili kong ipagtapat sa kanya. It was a mistake. Gusto ko ring itama iyon."

I grabbed my phone and dialled Drew's number.

Naihagis ko ang phone ko palayo after kumpirmahin ng linya na out of reach parin ang number ni Drew.

"Aki, di ko na kakayanin pa pag nawala ulit si Drew sakin. " hagulgol ko. Agad siyang lumapit at hinagod ang likod ko.

"Hindi ko hahayaang iluwal ang batang ito ng walang ama." hinimas ko ang tiyan ko.

"Anak, kapit ka lang ha? H-hahanapin natin si Daddy. Babawi si mommy kay Daddy..." nagcrack na ang boses ko dahil sa sobramg paghikbi

"Babalik si Drew Ms. Janna. Mahal na mahal ka non. Siguro lang dapat bigyan mo siya ng oras magisip at magunwind." medyo gumaan ang loob ko sa sinabi ni Aki.

"Gusto ko lang malaman kung nasan siya, kung okay lang ba siya."

"Kaya ni Drew ang sarili niya. Sa pagmamahal nun sayo Ms. Janna, dadating yung araw na di ka niya matitiis. Maghintay ka lang."

"Nakontak ko na lahat ng mga kaibigan niya pero wala silang alam kung nasaan siya." Totoong lahat ng kakilala ni Drew ay tinawagan mo na pwera nalang sa nanay niya. Hindi ko na pinaalam sa mga magulang namin na nawawala si Drew. I need to fix this myself.

========================================

"Sige, Thank you." I dropped the call. Dapat ay ngayon ang schedule ng pre-nup namin ni Drew pero limang araw na ang nakakaraan ay wala parin siya. I cancelled the shoot and reason out na masama ang pakiramdam ko.

I decided not to go to the botique and just lay down on my bed. Ilang araw na kong walang gana.

Ibinagsak ko muli ang katawan ko sa kama ko at tinitigan ang mukha ni Drew sa litrato niya sa frame on my bedside table.

BED MASTER  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon