Janna's POV
Isang malakas na kalabog mula sa dibdib ko ang sunud-sunod kong nararamdaman habang palapit na nagmamaneho patungo kung nasaan man siya. I need to talk to him and clear things up.
Lalo akong kinabahan when I saw their gate. Kaya mo yan Janna. Face him or lose him.
*dingdong
Inayos ko ang sarili ko bago pa man may magbukas ng gate.
"Ay Ma'am Janna!" Gulat na sabi ng katulong.
"Si Drew?"
"Wala po siya dito eh. Umalis siya kanina." sabi ng katulong.
"Please don't hide him. Kailangan ko siyang makausap."
"Wala po talaga siya Ma'am. Kanina pa siya umalis eh." nainis ako. Itinulak ko ang gate para makapasok.
"Naku poo! Wala nga siya Miss Janna." habol habol ako ng katulong. Kung wala si Drew, si Tita Andy ang kakausapin ko.
"Ma'am, wag na pong matigas ang ulo. Wala nga si Sir Drew." Nahablot niya ang kamay ko. Itutulak ko sana siya pero...
"Anong kaguluhan to?" Napatingin ako sa kung saan nagmumula ang boses. Tiningnan ko siya ng masama.
"Hayaan mo na siya Flor, pumasok ka na dun." binitawan ako ng katulong. Inayos ko ang nagulo kong buhok at damit.
"What do you need?" mataray na tanong ng walanghiyang Dessang to.
"Hindi ikaw ang ipinunta ko dito. I need to see Drew." matigas na sabi ko. She smirked.
"He's not here." matipid na sabi niya habang naka-crossed arms.
"Wag niyo siyang itago! Kakausapin ko siya!" Sinigawan ko siya. Desperada na kung desperada but I need Drew. No, I love him.
"Hindi ko alam kung tanga ka o nagtatanga-tangahan. Wala nga siya dito." I stared at her.
"Sige, para maniwala ka. Let's contact him." She got her phone and dialled something.
"Ilaloud speaker ko for you para malakas ang impact." she said.
After few rings, someone spoke
[Hello?] Nanigas yung katawan ko. Si Drew yun. Alam na alam ko. I miss him.
"Hey brother! Where are you?"
[Andito kina Theresa. San pa ba?] Naipikit ko ang mga mata ko. Nakina Theresa? Shit! Napahawak ako sa dibdib ko. So siya pala yung sinasabi niyang mahal niyang iba.
"Oh. I see. So, kamusta diyan?" Ate Dessa asked
[We're talking about the wedding ano pa nga ba?] Napangiti si Ate Dessa. I covered my mouth with my hand. Pinipigilan kong mapahikbi ng malakas. WEDDING? What the hell? He's marrying Theresa? Hindi ko na narinig pa ang mga sumunod niyang sinabi coz I ran away. I jumped in my car at doon ko inilabas ang kanina ko pang pinipigil na pag-iyak.
"Nooooo Drew! hindiiiii!" I shouted aloud. Hinampas-hampas ko yung manibela ng kotse ko. Magkakasunod na busina naman ang narinig.
Ngayon naiintindihan ko na. Totoo ngang may mahal na siyang iba. At si Theresa yun. Napaub-ob nalang ako sa manibela. My life sucks! Iniangat ko ang ulo ko at sinimulang iistart ang kotse ko.
I drove fast. I hate you Andrew. I HATE YOU!!!!!
**
Kanina pang ring ng ring ang phone ko pero wala akong pakialam.
"Hi miss. Alone?" Nandito ako ngayon sa isang bar. Killing myself with liquors. Napalingon ako sa nagsalita. Pareho kaming nagulat.
"T-Tom?" Nagmadali siyang umupo sa stool na katabi ko.

BINABASA MO ANG
BED MASTER (COMPLETED)
Romance"Okay lang na maging pervert, maniac o sex addict ka. Basta ba sakin mo iaapply eh" - Janna This story is just a product of my naughty imagination. Warning! This is rated SPG. My mga eksenang sadyang di pambata. Read at your own risk. K?