Janna's POV
"Let's go baby?"
Nakita kong nangningning ang mga mata ni Drew after seeing me. I am wearing a gold lace dress. My hair is bunned up and I did my own make up.
"Wow. Just wow." paulit ulit na sabi ni Drew. He caressed my arm. Pinagapang niya ang kamay niya papunta sa may tummy ko.
"Ang hot ng baby ko..." pabulong na sabi niya. Tumawa nalang ako.
"Baba na tayo? Dami ng visitors sa baba."
We are here at Drew's Mom's house. It is her 60th birthday. Napakaraming bisita kaya kagabi pa kami nandito to help out.
We went downstairs and entertained a lot of visitors.
"Okay ka lang?" maya't maya akong chinecheck ni Drew. Tango naman ako ng tango. Napakagentleman niya talaga.
"Kamusta kaya si Tom sa Australia no?" tanong sakin ni Aki. Nagkibit balikat ako.
"Ewan. Wala na kaming communication." sagot ko.
"Nagulat nalang talaga ko sa decision niya na magpunta sa Australia. Akala ko nga tagapagmana siya ng kompanya ng Daddy niya. Mas pinili niya pa mamuhay independently dun. Nakakaya niya kaya? " daldal pa ni Aki.
"Para namang di mo kilala gaano kadiskarte yun. Kayang kaya niya yun."
"Balita ko nga nililigawan na niya si Belle." Napangiti ako.
"Totoo? Good for them."
"Oo. Sana magkatuluyan sila. Bagay sila diba?" tumango ako.
"Perfect pair" I said.
Naalala ko na naman si Tom. It's been 5 months ng mabalitaan kong lumipad na siya sa ibang bansa. It is his choice, personal choice.
After nung gabing muntik ng may mangyari samin, we decided to stop seeing each other. Napagdesisyunan niya na lumayo na acter I confessed my feelings for him. Totoong nagkagusto ako sa kanya. He is such a nice guy. Sa lahat ng naitulong niya sakin, kulang ang salitang salamat. Yun din ang rason bakit unti-unti akong nahulog sa kanya. Pero di enough yun para iwan si Drew at piliin siya.
Totoo pala yun no? It is possible na magkafeelings ka sa iba habang may mahal ka. It is the reality.
Matatawag mo yung infatuation. Yung panandaliang feeling towards opposite sex. Nung panahaon, gulong gulo ang relasyon namin ni Drew, he was there. He never left me. That's the reason why this feeling occured.
Napatingin ako ka Drew. Yes he is a jerk. Ilang beses akong sinaktan at pinaiyak nito. To the point na pati buhay ng anak namin ay nawala. Pero he is my life, my everything.
Sobrang swerte ko at si Tom na mismo ang nagdesisyong umalis. Para na rin sa ikabubuti at ikatatahimik namin.
Maya maya pa ay nagising ako sa katotohanan when I heard the cue of the emcee.
The program is about to start so we decided to sit on our appointed seats. We were on a table with Ate Dessa and her daugher, Aki and Art.
Maya maya pa, I heard the convo from the table next to us.
"Yan ba ang girlfriend ni Andrew? Akala ko eh engaged na sya dun sa anak ng mayamang business man? Si Mr. Rost? "
"Ah si Theresa? Yun din ang alam ko. I heard nagaayos na sila before ng kasal nila. Ang alam ko din nasa ibang bansa ang magama para sa operation after ng accident eh. Ewan ko bakit may kasamang iba tong si Drew." bulong nila pero rinig ko parin.
BINABASA MO ANG
BED MASTER (COMPLETED)
Romance"Okay lang na maging pervert, maniac o sex addict ka. Basta ba sakin mo iaapply eh" - Janna This story is just a product of my naughty imagination. Warning! This is rated SPG. My mga eksenang sadyang di pambata. Read at your own risk. K?
