Last Chapter 😭
As I promise, 10 votes to publish the last chapter.
******
Janna's POV
"Dahan dahan lang Janna!" saway sakin ni Aki. Hindi ko na naintay pa ang elevator kaya gumamit ako ng hagdan. Nasa ICU daw si Drew.
Matapos ang tawag ng pulis ay agad akong pumulas at sumugod sa Tagaytay. Kasunod namin sina Tita Andy at Dessa sa sarili nilang sasakyan. Wala pa sila. Siguro ay sadyang napakabilis ng pagpapatakbo ko ng sasakyan.
NASA KRITIKAL NA KONDISYON SI DREW.
NASA
KRITIKAL
NA KONDISYON
SI DREW.
K. R. I. T. I. K. A. L.
Umugong ng paulit ulit sa utak ko ang mga salitang iyan. Paano? Bakit? Napakaraming katanungan na ako mismo ay hindi alam ang kasagutan.
"Ms. Janna ang bata sa tiyan mo! Magdahan dahan ka." hingal na hingal ako ngunit di ko ininda. Ang gusto ko lamang ay makarating sa kinaroroonan ni Drew.
Pagdating ng 3rd floor ay agad akong nagtatakbio. Nasalubong ko ang isang pulis. Siya siguro si SPO2 Ramirez.
"Sir! Sir! Asan po si Drew? Ano pong nangyari? Okay lang ba siya?" sunud sunod na tanong ko.
"Kayo po ba si Ms. Ferrer?, nasa ICU po si Mr. Tamayo."
"What the fuck happened?" gigil na tanong ko.
"Ma'am, ayon po sa imbestigasyon, nakita siyang nakahilata sa isang bar malapit dito. Wala ang kanyang wallet at cellphone, wala rin ang kanyang kotse. May saksak po siya sa tagiliran at basag po ang kanyang ulo. Napakaraming dugo ang nawala sa kanya bago may nakakita sa kanya sa parking area. Pinaghihinalaang biktima siya ng holdap." Nanlumo ako sa mga narinig ko. Parang di ko kakayanin. Sa Tagaytay siya nagtago ng ilang araw? Napahawak ako sa puson ko ng maramdaman kong kumirot ito.
"Maiwan ko muna kayo, may mga follow-up investigation pa po kaming gagawin. Tawag po ako kapag may update. Gagawin namin lahat para matukoy ang mga suspect."
Agad ko siyang tinalikuran at nagtatakbo ako sa pintuan ng ICU.
Lumabas ang isang nurse na hangos na hangos.
"Miss, miss, ako po ang fian-" hindi niya ko pinansin at dire-diretcho lamang siya.
Maya maya pa ay isang doctor ang nagtatakbo papasok ng ICU. Tumakbo ako papasok ngunit pinigilan ako ng isa sa mga nurses.
"I'm sorry po Miss. Bawal po sa loob."
"Boyfriend ko ang nakaratay diyan! Papasukin ninyo ako!"
Bahagya akong hinila ni Aki.
"Hindi po pupwede." Nakarinig ako ng nakakarinding tunog mula sa aparato sa loob bago niya isinara ang pintuan.
Napaupo ako sa sahig.
Panginoon ko...
"Di ko kaya Aki. Hindi ko kaya. Ano bang nangyayari?"
"Tama na Janna. Ang anak mo!" saway ni Aki. Wala akong ibang magawa kundi umiyak.
"Tawagan mo sina Tita Andy at sina Mommy, Aki. Hindi ko na kaya... Bibigay na ko." kumapit ako sa tiyan ko. Anak ko...
"Anak kapit ka lang ha? Lalaban si Daddy. Di papayag si mommy. " iyak lang ako ng iyak.
BINABASA MO ANG
BED MASTER (COMPLETED)
Любовные романы"Okay lang na maging pervert, maniac o sex addict ka. Basta ba sakin mo iaapply eh" - Janna This story is just a product of my naughty imagination. Warning! This is rated SPG. My mga eksenang sadyang di pambata. Read at your own risk. K?