CHAPTER 58

7.6K 117 8
                                    

Janna's POV

"No more designs? I didn't like any." Umiirap na sabi ni Theresa habang tinitingnan yung mga designs na inisketch ko para sa wedding dress niya. Palihim naman akong napangiti dahil sinadya kong papangitin lahat ng designs para wala siyang magustuhan kahit isa. 

"Wala kang nagustuhan? Bakit naman?" Painosenteng sabi ko habang nakangiti ng malapad sa kanya. Napansin ko namang napapailing nalang si Drew dahil alam niyang maya-maya ay magiging mainit na naman yung usapan namin nitong punyetang fiance niya.

"Wala. Everything is just a piece of trash. Ang papanget." Matigas na sabi niya. Kitang-kita ko naman kung paano pinisil ni Drew ang braso niya.

"Panget? Well... siguro nga panget. Yung mga designs ko kasi binabase ko sa client ko. Kung napapangitan ka sa designs ko for you, pasensya na, hangang diyan lang yung kapasidad na kaya ko based sa itsura mo." Nakangising sabi ko. Nagtama naman yung mata namin ni Theresa. She's threatening me through her eyes. Hindi naman ako nagpasindak. Tiningnan ko din siya ng masama. Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mata ng bruha nang lumipat ang tingin ko sa katabi niya na ngayon ay nakatingin din sa akin.

"You're ruining this." Pabulong na sabi ni Theresa. Ibinalik ko ang mata ko sa kanya. I can see the madness in her eyes. Kung wala kami sa bahay ng Daddy niya, sigurado ako, kaninang-kanina niya pa nahablot ang buhok ko.

"I'm not ruining this Theresa. You're destroying your own wedding. Ibinibigay ko kung ano yung nararapat sayo. Hindi mo lang matanggap na hanggang dun ka lang. You want the best? Honestly, you don't deserve it." Kitang-kita ko kung papaanong nag-iba yung mukha ni Theresa. She's about to speak but Drew tried to calm her. Sobrang sakit naman sa mata na makita kong hinahaplos ni Drew ang balikat ng demonyitang babaeng yun. I just looked away.

Tumayo si Theresa at kinuha ang papel sa ibabaw ng drawer. Agad siyang lumapit sakin at inihagis iyon sa mukha ko.

"That's the wedding dress I like. Whatever you say, yan ang gusto ko. Maaring expert ka nga sa dresses pero ako parin ang masusunod dito. Binabayaran lang kita." Biglang nag-init yung ulo. Relax Janna! Calm down...Tiningnan ko yung papel na nasa sahig. Yun yung unang design na ipinakita niya sakin. Natatandaan ko kung paano ko nilait-lait yung damit na yun. Nilimot ko yun at agad ngumiti sa kanya.

"Okay. Oo nga naman, you're right. Binabayaran niyo lang ako dito. Ano nga bang pakialam ko sa gusto niyo diba?" Tinitigan ko yung dress at aktong natatawa para insultuhin tong babae sa harapan ko.

"Pero sure ka na talaga dito Theresa? Ikaw din... Concerned lang naman ako sa magiging itsura mo." Nakangiti naman ako sa kanya pero sobrang sama ng tingin niya sakin. 

"Stop acting like you really care about this wedding!!! I know you're fucking plans Janna! You're not helping us. You want this wedding to be a miserable one." Medyo napataas na yung boses niya. Umakto naman ako na parang nagmamaang-maangan.

"Owww. Ang galing mo naman magconclude, Theresa. Hindi ko naisip yun ah. Thank you. Bibigyan mo ko ng idea." Nginitian ko ulit siya ng nakakainsultong ngiti. Agad naman siyang sumugod palapit sa akin at aktong sasampalin ako pero agad kong nahawakan yung kamay niya dahilan para lalo siyang manggigil. Kitang kita ko naman kung paano tumayo si Frew at agad inilayo si Theresa sa akin. Shit. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Sana ako yung hinila niya palayo. Ako yung niyakap niya. Sanaa..

BED MASTER  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon