Janna's POV
"Mali yung iniiip mo Choy. e-eh k-kasi naman..." Ni hindi ko mabuo yung sentence ko sa pageexplain kay Choy nung nakita niya. Naabutan niya kasi ni Tom sa di kaaya-ayang posisyon. Kung matatandaan niyo, si Choy yung kababata ko na pinagselosan ng hayop na si DREW >.
"Sino ba tong lalaking to ha?" Tanong niya na parang sinusukat yung tingin ni Tom.
"Si Tom, kaibigan ko." Napalingon sakin sandali si Tom saka tumingin ulit kay Choy.
"Bakit ba kailangang magpaliwanag sayo ni Janna ha? Ano ka ba niya?" Biglang tanong ni Tom. Napatapik naman ako sa noo. Ano bang problema ng mga ito. Yung maliit na bagay eh pinapalaki pa.
"Pwede ba! Nakakastress na kayo! Bakit ba kailangan niyo pang magbangayan? Aksidente lang naman yung nangyari. What's the big deal?" Napansin kong pareho silang nagrelax ng mga tensed nilang panga.
"Musta yatot? Bakit bigla kang umuwi?" Hindi ako nakasagot agad. Bukod kasi kay, Tom, Art, Aki, Mom & Dad, wala pang ibang nakakaalam ng pagdadalang-tao ko. Pero si Choy naman ito, kababata ko siya at alam kong mapagkakatiwalaan siyaa. Darating din naman yung panahon na malalaman niya rin yung totoo
"Eh kasi Choy-"
"Janna, may malapit na store ba dito? I'm just gonna take some vitamins." Biglang interrupt ni Tom. Mukhang alam niyang kailangan namin ng masinsinang usap ni Choy. He's just so sensitive. He can read between the lines. Dinahilan niya lang na magyoyosi siya para makapagusap kami ni Choy ng 1 on 1. Napangiti naman ako
"Diyan sa kanto." Si Choy na yung sumagot. Agad namang tumayo si Tom. Lumingon muna siya sakin bago siya lumabas ng pinto.
"Bakit ka nga ulit umuwi?" Muling tanong ni Choy. Tinitigan ko muna siya bago ako nagsalita.
"C-Choy...I....I'm..." Hindi ko alam kung pano ko sisimulan. Napansin kong nag-aalala na siya.
Bago pa ko muling makapagsalita ay napaluha na naman ako ng wala sa oras. Niyakap niya ako ng mahigpit saka hinaplos ang mga pisngi ko.
"Di mo na kailangang magsalita. Naiintindihan ko na." Napakunot ako ng noo. Naiintindihan niya? Paano? Ganon ba ko kadaling mabasa at alam niya na agad ang pinagdadaanan ko.
Hinawakan niya ko sa kamay saka lumuhod sa harap ko.
"Teka Choy. Anong ginag-"
"Hello baby..." Natigilan ako ng maramdaman ko ang kamay ni Choy sa tiyan ako. Paanong?
"Naririnig mo ba ako baby? Si ninong Choy mo to." Natawa ako bigla pero takang-taka parin ako. Wala pa kong sinasabi kay Choy pero alam niya na agad na buntis ako.
"Choy..." Mula sa tiyan ko, lumipat yung mga mata niya sa mukha ko. Tumayo siya sa pagkakaluhod at umupo ulit sa tabi ko.
"Paanong..."
"Kababata mo ko yatot. Kilalang kilala na kita. Basang-basa ko na lahat ng galaw mo. Mula pagkabata, magkasama na tayo. Alam ko na lahat ng tungkol sayo, kung may problema ka, kung may pinagdadaanan ka. Kahit amoy ng utot mo kabisado ko narin." Napatawa naman ako dun.
"Eh papaano mo nalamang buntis ako?" Nanlaki yung mata niya.
"Buntis ka?" sa tonong nagulat pa.
"Oo! Kinausap mo ng yung baby ko diba?" Binatukan ko siya.
"B-biro lang naman yun. Malay ko bang totoo nga?" Bigla ko siyang tinampal.
"Sira-ulo ka. Akala ko pa naman totoong nalaman mo dahil kilalang kilala mo ko. May pauto-utot ka pang nalalaman diyan. Hinulaan mo lang naman pala. Gago!" Tapos inirapan ko sya. Tumatawa siya nung una pero bigla siyang nagseryoso.
BINABASA MO ANG
BED MASTER (COMPLETED)
Storie d'amore"Okay lang na maging pervert, maniac o sex addict ka. Basta ba sakin mo iaapply eh" - Janna This story is just a product of my naughty imagination. Warning! This is rated SPG. My mga eksenang sadyang di pambata. Read at your own risk. K?
