Aki's POV
"Tama na..." sambit ko kay Janna. Sinusubukan kong kunin sa kamay niya yung alak. May tama na siya. Ang dami nadin kasi niyang nainom. I stared sa limang bote ng beer na nakataob sa sahig.
"Noooo..." Matigas na sabi niya. Lasing na lasing na siya at ayaw niya pang magpaawat. Nakita kong nilaklak niya ulit ang lahat ng nasa bote.
Tumayo siya para at lumapit sa ref niya. Bago niya pa man mabuksan at makakuha muli ng alak, hinawakan siya ni Art sa magkabilang braso.
"B-bitiwan moo kkoo" Nanghihinang sabi niya. Lumingon sakin si Art at sinenyasan ko siya. Maingat niyang binuhat si Janna at ipinasok sa kwarto niya. Agad naman akong sumunod dala ang plangganang may tubig at face towel. Inihiga siya ni Art sa kama. Buti nalang isinama ko siya, hindi ko kayang asikasuhin si Janna sa lagay niya.
Pinipilit niyang bumangon pero di niya magawa dahil narin hawak siya ni Art.
Hindi ko alam ang buong pangyayari pero alam kong nag-away sila ni Drew. That guy turned this girl in to a miserable one. Nakakaawa ang itsura niya. Her hair is so messy. Halos hindi na niya maimulat ang mga mata niya dahil sa kalasingan at samahan mo pa ng pag-iyak niya.
"Hmmmmmm" She's moaning habang pinupunasan ko yung noo niya ng basang bimpo. Nagkakatinginan lang kami ni Art.
"That G-guy!" nakapikit na sabi niya. Napansin ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya.
Patuloy lang ako sa ginagawa ko habang hawak parin siya ni Art sa magkabilang kamay.
"H-he said he'll never leave me, he'll never make me cry, he'll love me forever but what the fuck! He left me hanging. He left m-mee...." There. Napahagulgol nalang siya. Hindi ko pa naiintindihan ang buong pangyayari pero mukhang nagbreak na sila ni Drew.
"D-Drew..." sigaw niya. tuluy-tuloy lang ang pagiyak niya.
"Tama na Janna...Calm down" I said. Napaupo siya sa kama. Tinatapik ko siya sa likuran niya.
"M-mahal n-na mahal ko s-siya." Putul-putol na sambit niya dahil narin sa paghikbi.
"I gave up everything for him. Bi-nigay ko pa-ti ang pi-nakaiingatan ko."
"Tangina!" Nagulat ako kasi ngayon ko lang siya narinig magmura.
"A-ki, ay-oko nna. P-patayin n-niyo n-nalang a-ko." Bigla ko siyang niyakap. Sa sobrang awa ko sa kanya, hindi ko na napigilang mapaluha. I can't believe Drew left her. Alam ko kung gaano kamahal ni Drew si Janna. Bakit humantong sila sa ganito?
Natahimik siya matapos ang ilang saglit. Nakatulog na ata. Inalalayan siya ni Art para makahiga.
"P-pare-pareho lang k-kayo." Nagulat kami pareho when she talked. This time lumingon siya kay Art.
"You a-lways mmake us fall tap-os ano? L-lolokohin ni-yo kami! B-bakit k-kayo ganyan ha?" Nakatingin lang sa kanya si Art. Sumenyas ako sa kanya na hayaan lang niya si Janna. Masama ang loob niya at lasing pa kaya intindihin nalang.
"B-bakit lagi niyo nalang akong ginaganito? Ang sakit-sakit na. Sobrang sakit na...Di ko na kaya." Lalo akong napaluha ng yakapin ni Art si Janna. Kung titingnan mo talaga siya, ibang-iba siya sa Jannang masayahin at palangiti. Hindi biro ang pinagdadaanan niya.
"I-I looove y-yoouu D-Drew..." Hinila niya ang batok ni Art at maraang hinalikan iyon. Nakatingin lang ako sa kanila. Nakita ko ang matinding pagkagulat ni Art. Hindi niya siguro malaman kung hahayaan niyang ganun sila o kakawala siya dahil sakin. Bumagsak na si Janna sa kama. Nakatulog na talaga siya. Lumabas na si Art ng kwarto dahil bibihisan ko si Janna. Kinumutan ko siya matapos punasan at bihisan.
BINABASA MO ANG
BED MASTER (COMPLETED)
عاطفية"Okay lang na maging pervert, maniac o sex addict ka. Basta ba sakin mo iaapply eh" - Janna This story is just a product of my naughty imagination. Warning! This is rated SPG. My mga eksenang sadyang di pambata. Read at your own risk. K?