CHAPTER 14

71.4K 399 9
                                    

Janna's POV

"Meryenda na!" Sigaw ko kay Drew na nanonood ng tv sa sala. Katatapos lang namin mag-general cleaning. He helped me tutal wala naman siyang pinagkakaabalahan sa buhay. Tapos ngayon ko lang nalaman na siya pala yung may-ari ng tower unit na tinitirhan namin. Kaya naman pala kabisado ang bawat sulok ng building. At malakas ang loob ng magdala ng magdala ng babae dito DATI :)

Nagulat ako nang kilitiin niya ko sa tagiliran. Nasa tabi ko na pala siya.

"Ang bilis mo talaga pag dating sa pagkain" I joked him. Umupo agad siya at walang kaarte-arteng kinamay yung niluto kong pan cake.

"Kain..." Yaya niya. Nakangiti lang ako while staring at him. Ang cute niya talaga. Parang kahit anong gawin niya hindi ako matuturn off sa kanya. He's perfect in his own way.

"Makita lang kitang kumakain busog na ko." Bigla siyang natigilan. Nanlaki yung mata niya. Mabilis niyang nilunok yung pancake na nasa bibig niya.

"Marunong ka nang bumanat ah" He smiled na may halong pagkamangha

"That's not banat. Totoong ang sarap mong panoorin kumain. Para ka kasing PG" dinilaan ko siya.

"Lagi mo nalang akong inaapi." Nagpout siya. Pinipigilan kong matawa. Ang cute niya talaga.

"Oh.." itinapat niya sa bibig ko yung kamay niya na may hawak na pan cake.

"Say Aahhhh..." Ngumanga naman ako. Maingat niyant isinubo sakin yung nasa kamay niya. Nagsmirk siya. Bakit kaya?

"May gayuma yun..." biro niya. Mokong talaga to.

Di na siya nakasagot when someone knocked on my door.

TOK!TOK!TOK!

Nagkatinginan kami.

"Ako na" sabi niya. Agad siyang tumayo para tingnan kung sinong kumakatok. Halos isang minuto nakakalipas pero di pa siya bumabalik.

"Drew, sino y-" di ko na natapos yung sinasabi ko when he entered with Art.

"A-Art! Ikaw pala. Upo ka." Umupo siya sa couch. Tinabihan ko siya.

"I called Aki. I found out you're here." He said. Lumabas si Drew from the kitchen na may dalang juice. Umupo siya sa tabi ko.

"Ahhh. Off ko kasi. Napadalaw ka?" Ewan ko pero ang awkward. Alam kong balisa rin tong katabi ko. Naaalala ko nung nagselos siya kay Art eh.

"Namimiss na kasi kita." Katahimikan lang yung bumalot sa unit ko. Syet.

"Yayayain sana kita sa bahay. Namimiss ka narin ni Mommy and Kay eh" Letseng Art to. Sinasadya niya ata yung mga sinasabi niya.

"Sorry Art pero...."

"Di pwede si Janna." Singit ni Drew. Kinakabahan ako. Baka magworld war III ng di oras.

"Ahh...Oo Art. Di ako pwede...eh kasi...ahm..."

"Bakit?" Usisa ni Art. Art naman! Tigas talaga ng ulo nito eversince.

"Basta hind siya pwede! Hanggat magkasama kami, di siya pwede sumama sayo. Naiintindihan mo?" Tumayo siya na akmang susugurin si Art. Eto na nga ba sinasabi ko. Haba naman ng hair ko. Abot hangang Tagaytay.

Hindi na sumagot si Art. Tumayo nalang siya. Hinawakan niya yung kamay ko. Hihilahin na sana niya ko pero biglang hinawakan ni Drew yung isang kamay ko. Para akong nasa telenobela. Pinagaagawan ng dalawang hot men.

"You won't go with that shit, Janna" sabi ni Drew.

"Wag ka mag-alala pre, kakausapin ko lang siya saglit." Humigpit yung pagkakahawak sakin ni Drew. Parang he's telling me not to come with Art.

BED MASTER  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon