AN
OMG Reaaadeeeeeers! 8K reads na tayo! <3
Sobra niyo kong pinaligaya. Yiiieh! Kinikilig ako!
Salamat! Maraming salamat talaga! Mahal ko kayo :))
-kei-em-
@@@@@@@@
Janna's POV
Linggo ngayon at kung may makakakita sa pwesto ko, mapapagkamalan akong hibang. Kanina pa nakadikit yung tenga ko sa dingding na pumapagitna sa mga unit namin ni Drew. Tatlong araw na kaming di nagkikita. Tatlong araw na kong walang balita sa kanya. Letse! Namimiss ko na yung gagong yun. Kahit na punung-puno siya ng kalibugan sa katawan. Kahit na puro katarantaduhan ang alam niya at kahit di niya ko gusto. Kahapon pa ko maya't maya nageespiya sa kanya. Haaay Janna! You're such a fool!
Makapaglinis na nga muna ng bahay. Off ko ngayon from office work pero sa halip na magpahinga, aayusin ko yung gulo-gulo kong pamamahay. Dati-rati, I made sure na malinis yung unit ko dahil sa pagliban dito ni Drew pero ngayon, nawalan na ko ng ganang magayos.
After ko maglinis, I cooked breakfast. Natigilan ako. Namiss ko na naman siya. Dati kasi I cooked meal for two. Ngayon, pansarili ko nalang ulit. Letse! Bakit ba sa lahat ng bagay na gagawin ko eh naaalala ko siya? Nakakainis na ha!
TOK!TOK!TOK!
Nanlaki yung mata ko when someone knocked. I glanced at the mirror checking if I still look pretty. Dahan-dahan kong binuksan yung pinto.
.
.
.
.
"Hi..."
"H-hi!"
.
.
.
.
.
***
Drew's POV
"Good Morning!" Malambing na bati sakin ni Mama. Agad akong umupo sa dinning table. Tatlong araw na ko dito natutulog. Tinatanong niyo kung bakit? Eh gusto ko eh. Pero pwera biro, sinadya ko munang dito magstay dahil naguguluhan na ang gagong isip at puso ko. Punyeta. Nandidiri ako sa sarili ko dahil sa kacornyhan. Gusto ko munang mag-isip isip. Iniiwasan kong makita si Janna dahil narin naiilang ako. Sa totoo lang, perstaym kong makaramdam ng ilang dahil lang may umamin sakin na gusto niya ko. Sa bar naman may lalapit saking babae. Magpapakita ng motibo na gusto nila ang katawan ko. Iba kasi si Janna. Simple lang siyang babae. Tanga na ang lalaking di magkakagusto sa kanya. Pero ako? Naduduwag at nanghihina ako pag siya na ang pinaguusapan. Ayoko siyang masaktan dahil sakin eh. Di ako karapat-dapat sa mga luha niya. Haaay Drew! Gago ka kasi eh.
"Ang dami mo namang inihandang breakfast Ma..."
"Syempre, last day na ng bunso ko dito eh. Dalas-dalasn mo ang punta dito. Mamimiss kita agad eh" naglalambing na naman si Mama. Kahit gano ako kagago, talagang gustung-gusto ko na nilalambing at binebaby ako. Wag niyo kong pagtawanan! Tao din naman ako.
"Opo naman Ma. Mamimiss ko kaya ang luto niyo."
"Eh pano, ang lapit-lapit na nga ng bahay natin sa unit mo, once a month ka lang umuwi. Minsan nga talagang di ka nagpaparamdam." Napakamot ako sa ulo. Naguilty naman ako sa sinabi ni Mama.
"Sorry Ma, busy eh"
"Suuus. Busy kanino? Sa mga babae mo o kay Janna?" Nangisi ako. Nakwento ko rin kasi sa kanya si Janna. Gusto nga daw niya makilala eh.
BINABASA MO ANG
BED MASTER (COMPLETED)
Roman d'amour"Okay lang na maging pervert, maniac o sex addict ka. Basta ba sakin mo iaapply eh" - Janna This story is just a product of my naughty imagination. Warning! This is rated SPG. My mga eksenang sadyang di pambata. Read at your own risk. K?