CHAPTER 68

2.2K 44 4
                                    

JANNA'S POV

Kanina pa kong nakatulala dito sa lobby ng hospital dahil sa nalaman ko. Si Tom. He did everything for me. Pinlano niya pang ipatigil ang kasal ni Drew at Theresa para lang matulungan ako. Naiiyak ako dahil sa mga bagay na ginagawa niya para sakin. Masama ba kong tao dahil nasasaktan ko siya? Masama ba kong tao dahil hindi ko nasusuklian yung pagmamahal na binibigay niya? Haaayyy Tom.

Kung hindi ko nakilala si Drew, malamang si Tom ang nakatuluyan ko. Masasaktan kaya ako kagaya ng dinanas ko kay Drew? Wala akong magawa kundi maawa kay Tom...

"Let's go?" nagulat ako. Nasa tabi ko na pala siya. Nagtext siya sakin na hintayin siyang matapos kausapin ang doctor para samahan siyang umuwi. Kakain din daw kami. Alam naman ni Drew to at naiintindihan niya.

"Sina Sabel na muna ang magbabantay dito." he said then hinila ako palabas. Di ako makaimik. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanyang alam ko na yung plano niya. Bilin kasi nina Sabel na wag kong sasabihin sa kanya na may alam ako

"Ang tahimik mo. Something wrong?" Tanong niya habang nakatingin sa daan. He's driving. Inutusan niya ang driver niya na iuwi ang kotse ko sa unit ko. Ihahatid nalang daw niya ako pauwi.

Nilingon ko siya. Pansin kong nakakunot na ang noo niya. Ganyan siya kapag naiinis.

"Gutom na ko eh." Pagdadahilan ko.

"Ako rin eh. Yaan mo kakain tayo ng marami." Di pa siya nakain ng ayos mula ng naospital ang daddy niya.

After few minutes, tumigil kami sa tapat ng bahay nila. Bumaba siya para pagbuksan ako ng pinto.

Bumaba naman ako. Hinawakan niya ko sa kamay at hinila papasok sa loob.

"Ready na ba yung food Manang?" tanong niya sa babaeng sumalubong samin.

"Oo anak. Halina kayo." Tumungo naman agad kami sa kusina niya. Napanganga ako sa rami ng nakahain.

"May bisita ka?" tanong ko. Tumango naman siya.

"Ikaw." sabi niya.

"What? This is too much Tom." gulat na sabi ko

"Just sit. Kakain na tayo." Hinila niya ang upuan at pinaupo ako. Tahimik kaming kumain. Sobrang dami talaga ng food na nakahain. Sinabayan ko siyang kumain. Halatang gutom na gutom siya

"Sabi nina Hyro isabay daw kita sa pagkain para ganahan ako." He said while his mouth is full. Ngumiti naman ako.

"Sige na kain lang ng kain." Malungkot na sabi ko. Nagiguilty parin ako. Ang sakit na makita siyang nasasaktan ng dahil sakin.

After kumain. Inayos ni Tom saglit ang gamit niya. Babalik din kasi siya maya maya sa ospital.

"Magpahinga ka kaya muna?" sabi ko sa kanya.

"Kaya ko to." he said habang nagtitiklop ng mga damit para ilagay sa loob ng bag.

"Tom you have to take good care of yourself." I said. Ngumiti siya ng bahagya.

"Makita lang kita, ayos na ko. Lumalakas na ulit ang loob ko." Ngumiti ulit siya. Nalungkot naman ako. Niyakap ko siya.

"Tom, I'm so sorry..." tumulo ang luha ko. Ramdam ko namang humigpit ang yakap niya.

"Shhh...no need to be sorry." He said. Umiling naman ako.

"No...sobra na kitang nasasaktan."

"Hindi na mahalaga yun. Ang mahalaga, masaya ka Janna." humagulhol naman ako.

BED MASTER  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon