Chapter 4

259 17 3
                                    

SNIPER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SNIPER

"The highest score is your vice-president, Valerie and second to the highest is the new transferee, Juniper."

Halos kalahati sa klase ay nakatuon ang atensyon sa 'kin. Sino ba kasing mag-aakala na isang tranferee makakayang masagutan ang quiz na nakaraan nilesson.

"Did you cheat, Mr. Morrison?" tanong ng Professor namin.

"The vice-president helped me. She borrowed her notes for your subjects' last lesson and some of the question was our topic on my former school, Professor," sagot ko at saktong napatingin sa 'kin si Valerie at binibigyan ako ng tingin na nagtatanong kung pinahiram ba niya ako ng notes. Sinuklian ko lang ito ng simpleng ngiti at tumingin na sa Prof.

"Okay. Good job, Miss Madison. See you tomorrow. Class dismissed," aniya at tumayo na ako para umalis. Ibabalik ko pa ang powerbank kay Russel at dadalhin ko na rin ang gamit ko dahil lilipat ako ng apartment na malapit sa University.

Nauna na akong umalis at nag-abang ng taxi sa labas ng university. Maraming napapatingin sa direksyon ko at pasimpleng kinuhaan pa ako ng picture na napansin ko naman. Alam kong gwapo ako pero h'wag naman masyadong ipahalata.

"Magnanakaw! Tulong!"

Mabilis kong nakita ang pangyayari. Nagdadalawang-isip pa ako dahil saktong may tumigil na taxi sa harap ko. Binuksan ko ang pinto at pinanood ang nangyari na pagnanakaw. Naghihilaan pa sila ng bag. Habang ang kasama nitong isang magnanakaw ay nakaabang sa motor n sakay nito. Napabuga ako sa hangin at sinilip ang driver sa loob.

"Boss, wait lang kayo mga 5 minutes. Susunduin ko pa girlfriend ko sa classroom niya," pagsisinungaling ko at tumango naman ang driver kaya mabilis kong hinagis ang dagger ko na diretso sa gulong ng motor na sakay ng magnanakaw. Nabutas ito at nagpagaywang-gaywang ito at sa huli rin ay bumagsak. Sinubukan pang tumakas ng magnanakaw dala ang bag nito pero mabilis akong tumakbo ro'n at palihim na kinuha ang dagger na hinagis ko sa nabutas na gulong at hinablot ang bag na ninakaw.

"Boy, ibigay mo nalang sa 'kin 'yan para hindi ka na masaktan at masama sa gulo," aniya pero ngumisi ako at sinubukan nitong kunin ang bag pero inangat ko ito. Mas matangkad ako rito kaya hindi nito makuha ang bag.

Nakita ko ang presensya ng babaeng nagmamay-ari ng bag kaya nilingon ko ito at nginitian. "Ma'am, if I were you I already called the police," sambit ko at nagmamadali itong nag-dial sa phone at tinawagan ang police.

Nakarinig ako ng pagkuha ng isang matalim na bagay kaya aasahan ko nang sasaksakin ako nito pero agad kong nahawakan ang kamay nito at pinulupot ang braso nito papuntang likod. Kinuha ko ang hawak nitong kutsilyo at hinagis sa kung saan. Tinuhuran ko ang paa nito at napaluhod ito sa ginawa ko.

"Saka ka na magnakaw kung alam mo na makakabili ka ng attorney na makakatakas sa 'yo sa bilangguan," sambit ko at naalala ko na kung saan ko unang nakita ang mukha na ito na ikinangisi ko. "You're the murderer right? Buti nagpakita ka na," aniko at saktong dumating ang police at pinosas-an ang lalaki at ang isa pa na naipit sa natumbang motor. Inabot ko na ang bag sa babae at umalis na sa pangyayari.

Sniper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon