FINALE

364 15 9
                                    

Dala-dala ang susi sa locker ko mabilis kong tinungo ang room at binuksan ang locker ko at doon nakita ko ang isang envelope na inaasahan ko na makikita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dala-dala ang susi sa locker ko mabilis kong tinungo ang room at binuksan ang locker ko at doon nakita ko ang isang envelope na inaasahan ko na makikita. Kinuha ko iyon at tinignan ang laman nito.

"Sniper, it's nice to see you here. I bet your world is in mess right now. Remember the day I told you that I will offer myself to help you. Natulungan na kita matagal na. Nasa locker mo ang tulong na sinasabi ko," sambit ni Professor Smith matapos lumabas ng office nito at lumapit kay Boss.

The file inside is about my family.

Napangiti ako sa nakita. They're alive.

VALERIE

Napakagat ako ng ibabang labi at ilang beses na lumingon sa entrance ng hall. Jun promised me na magpapakita siya ngayon dahil magd-date kami pagkatapos. But where is he? Nahuli naman ng tingin ko si Waki na binibigyan ako ng ngiti na nagsasabing, "Makakarating si Jun, tiwala lang."

Ngumiti ako dahil do'n at natawag na ang pangalan ko kasunod ng maraming palakpakan, wala pa rin si Jun.

Nang matanggap ko ang medalya ko at deploma ko napakagat ako ng ibabang labi sa saya. Ang hirap pigilan ng sarili kapag ang dating pinapangarap mo lang ay naabot mo na.

Nang makababa ako at makabalik sa upuan ko. Wala pa rin si Jun. Hanggang matapos ang graduation day wala pa rin ito.

"Valerie, may naghahanap sa 'yo," sambit ni Professor Smith nang makasalubong ko ito na papasok sa CR. "Congrats, Ms. Hyner," sagot nito pero hindi naman Hyner ang apilyedo ko. Nalilito na siguro si Professor sa dami ng nahawakan nitong studyante.

Napapailing na lumabas ako ng CR at binilisan ang lakad ko. Nagbabasakali na si Jun na ang naghahanap sa akin. Napangiti ako ng makita si Levi na sakto ring napatingin sa gawi ko at kumaway naman ito sa akin at gano'n din ako.

Nang humakbang ako palapit kay Levi imbis na si Jun ang makikita ko sa tabi niya. Isang matandang lalaki na mukhang mayaman dahil sa suot nito ang humarap sa akin. Nakaramdam ako ng kaba dahil ama na siguro ito ni Jun.

"Sino siya?" tanong ko kay Levi.

Nagkatinginan muna ang dalawa at nagkaintindihan sa isang tango. Hinarap din ako ni Levi matapos no'n at ngumiti na naman sa akin.

"Juniper already found your father. And he is right here, infront of you," sagot nito na nagpatigil sa mundo ko.

My father?

Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko para salubungin ng naluluhang mga mata si Papa. He is smiling at me. Inabot nito sa akin ang bouquet na hawak nito at tinanggap ko naman iyon.

"You grew up so fast, Ariel Valerie Hyner," sambit nito.

"Is that my real name?" tanong ko dahil naramdaman ng puso ko ang saya ng marinig ang pangalan na iyon.

Sniper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon