Chapter 11

514 34 3
                                    

VALERIE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

VALERIE

"One. Two. Three!"

Mabilis kaming nagpalitan ng gift ni Waki at nanlaki naman ang mata nito nang mapansin na malaking box ang regalo ko sa kanya. It's a shoe box at isa sa limited edition na binantayan ko talaga na lumabas sa mall. It's his birthday at itong regalo na inabot niya sa akin ay regalo niya dapat noong birthday ko last year. He is in Japan that time with his family kaya hindi nito naabutan ang birthday ko.

No parties. No visitors. Kami lang dalawa ang nasa isang store at ginawa ito. It's Saturday kaya wala masyadong gagawin. Nagleave na rin ako sa isang pina-part time ko dahil balita ko na malaki ang sahod sa lugar na papasukan ni Waki. Hindi pa kami nakakapunta roon dahil nag-aantay pa si Waki ng go signal sa Boss.

"Bubuksan ko na, a," sambit nito at maingat na inalis ang tape sa wrapper. Natatawang sumunod rin ako at tinanggal ang wrapper ng gift ni Waki. Halos kalahati ng shoe box ang laki.

Pareho kaming namangha sa regalo namin sa isa't isa. I didn't expect to recieve a necklace with butterfly design. I appreciate things so much na kahit maliliit na bagay ay na-appreciate ko.

"Thanks for the nice shoe. Naks! Alam din ang size ko," sambit nito nang isukat ang sapatos. Napangiti nga ako ng magkasya ito.

"I love it, thank you," sagot ko at pinagmasdan ang necklace. Nagulat ako nang kinuha ito ni Waki sa akin at tumayo.

"Let's try this on you para malaman ko talaga na bagay sa 'yo," sambit nito at wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon at hinayaan itong isuot sa akin ang necklace.

"Thank you," I wispered and look at my reflection in my phone camera.

"Paano ba 'yan, let's go to our next destination?" tanong nito at tumango naman ako.

NAKARATING kami sa isang ice skating place na malapit sa isang malaking mall sa lugar namin. Nakarating na rin ako rito pero hindi ko pa sinubukan dahil alam kong mapapahiya lang ako.

"Marunong ka?" tanong ko habang nakatanaw sa mga taong nag-skate.

"Hindi. Kaya nga kita sinama para turuan ako," sagot ni Waki kaya nahampas ko ito sa braso at humagalpak naman ito ng tawa.

"Kung nakikita mo lang ang mukha mo ngayon siguro matatawa ka rin. I'm just kidding. Kaya kita dinala rito para maexperience mo at makita mo kung gaano ako kagaling sa ice skating," sagot nito na natatawa.

"Ha-ha! Yabang mo," sambit ko at kinuha sa kanya ang inabot nitong sating shoe at inalalayan naman ako ni Waki.

"May hawakan doon. Try mo magpractice habang hawak doon," sambit ni Waki at inalalayan ako sa isang pole na pwedeng hawakan. Humawak ako rito at sa kabilang kamay naman ay hawak ni Waki.

Hindi rin nagtagal ay nagagawa ko na pero gaya nga ng inaasahan dahil dakila akong lampa ilang beses sumubsob ang mukha ko sa yelong sahig. Sumakit na rin ang ulo ko dahil ilang beses akong nagpaikot-ikot at hindi rin ako napigilan ni Waki. Sumasakit na rin ang tuhod ko kaya naisipan naming magpahinga muna sa gilid at manood muna.

Sniper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon