VALERIE
Hinatid ako ni Waky sa apartment ko matapos naming bumili sa grocery. Gamit ang nakuha kong sweldo bumili ako ng mga canned goods at ibang cup noodles at sinamahan na rin ng meat at ilang prutas at gulay. Dahil hindi naman ako sanay kumain sa umaga ng kanin ay bumili ako ng cereals.
Kukunin na ngayon ni Waky ang motor dahil nakauwi na ang girlfriend nito galing Singapore at susunduin niya ito ngayon at aantayin ang pagbaba ng eroplano na sakay nito.
"Salamat! Ingat ka," sagot ko at tumango naman ito at umalis na. Dala-dala ang pinamili ko at nakita kong nakasarado ang apartment at mukhang umalis si Juniper.
Inilabas ko ang phone ko para tawagin ito pero naalala ko na hindi pala nakasave sa phone ko ang number niya kaya napabuga nalang ako sa hangin at iniwan muna ang pinamili ko sa labas ng apartment at nagtungo sa bahay ni Madame Jayme para kunin ang duplicate.
Nang makuha ko na ang duplicate ay saktong nakasalubong ko si Juniper na umaakyat ng hagdan at seryoso itong tumingin sa akin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Saan ka galing?" tanong ko rito pero hindi ako sinagot nito at kinuha sa akin ang susi na hawak at binuksan ang pinto. Kinuha nito lahat ng pinamilo ko at ipinasok sa loob.
Naasimangot naman ako sa ginawa nito at nagtatakhang pumasok.
"May nangyari ba?" tanong ko at hinagis ang bag ko sa sofa at inalis ang suot kong flat shoes para tuluyan makapasok sa apartment.
"Sino kasama mo kanina?" tanong nito at napaisip naman ako sa tanong nito at naalala si Waky.
"Ah! Si Waky, bakit?" tanong ko at tinulungan itong ilagay sa tamang lagayan ang mga pinamili ko.
"Nakita ko lang kayo magkasama nang makarating ako. Ngayon ko lang siya nakita, kaklase ba natin 'yun?" tanong nito at umiling naman ako.
"Ibang building siya pero minsan nagtatagpo landas namin kapag recess," sagot ko at iniwan ang isang canned good sa lamesa para lutuin bilang dinner namin.
"Ito nalang lulutuin ko. Ayos lang ba sa 'yo?" tanong ko at napataas naman ito ng kilay at mabilis na kinuha sa akin ang lata ng corn beef at inilagay sa isang cabinet.
"Magbihis ka muna. Ako na magluluto," sambit nito.
Pinanlakihan ko ito ng mata na parang hindi naniniwala. "Marunong ka magluto? Itlog? Hotdog?" tanong ko at inilayo nito ang mukha ko sa kanya at tumalikod na para maghanap ng kladero.
"May laman pa ba ang gas dito?" tanong nito at tinignan ang gas.
"Oo, kakapalit lang n'yan last month," sagot ko at pinagkrus ang braso ko sa dibdib. "Sure ka na ikaw magluluto. Aasahan ko na hindi sunog at palpak ang luto mo. Magbibihis lang ako," paalam ko at mabilis na umakyat para magpalit ng susuotin. Kumalam ang tiyan ko ng maamoy ko na ang niluluto ni Jun na hindi pamilyar na pagkain sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Sniper (Completed)
Teen FictionAn anonymous guy working under Special Mission Unit or SMU. No one knows what his real name even his partner. And He is back again after his past mission and been assigned to another assignment; to protect another gem with his partner Bullet, a pro...