VALERIE
Nagising ako sa isang malambot na kama at hindi masyadong kadiliman na kwarto dahil sumisilip ang liwanag ng araw sa bintana. Napakunot ako ng noo nang hindi naging pamilyar sa akin ang buong kwarto at nang maalala ang nangyari kagabi 'yung beer, celebrate, Cygnus, Waki.
Nanlaki ang mata ko at tinignan ang suot ko at lalong kinabahan nang makitang iba na ang suot ko. It's a plain white shirt na masyadong malaki sa katawan ko at amoy panlalaki ang pabango.
Lalaki?
Napasabunot ako sa naisip. "Ano na namang kabaliwan ang ginawa mo kagabi, Valerie Madison?" tanong ko sa sarili ko habang sinasabunutan ang sarili at napaangat lang nang tingin nang marinig ang maingat na pagbukas ng pinto.
"Hey, did I awake you?" Jiroh asked softly. Nakasilip lang ang ulo nito at hindi masyado nakabukas ang pinto.
Umiling ako bilang sagot. "May ginawa ba ako kagabi?" tanong ko mukhang malakas ang tama ko kagabi dahil hanggang ngayon wala akong maalala na maliliit na detalye kagabi.
"Nagsaya ka lang naman. Uminom ka, tumawa ka sa sarili mong jokes," natatawa nitong banggit at pinanlakihan ko naman ito nang mata senyas na tumigil siya.
"So what's the meaning of this?" tanong ko at hinawakan ang shirt na suot ko.
"Oh," gulat nitong saad at mahinang tumawa. "Babes, no one touched you last night. Sumuka ka lang kagabi kaya nagpadala ng shirt si Boss para damitan ka," sagot nito.
"Boss? Ibig sabihin-"
"No. May kasama akong waitress na nagbihis sa 'yo. Okay?" natatawa nitong sagot at parang may tumawag sa kanya kaya lumabas ulit ang tingin nito at pagkatapos ay sumilip ulit.
"By the way, breakfast is ready," sambit nito at tumango naman ako. Sinarado na ulit nito ang pinto at napabuga nalang ako sa hangin. Napunta ulit ang atensyon ko sa pinto na bumukas at akala ko si Sir Jiroh ulit ito pero nakita ko si Waki na hanggang tenga ang ngiti na sumilip.
"Did you enjoy last night?" tanong nito na mukhang naalala ang nangyari kagabi.
Nagkibit balikat ako at tumayo na. "Maybe I enjoy," sagot ko at sinundan itong lumabas ng room.
"I thought you slept somewhere but I remember that Boss put you to another VIP room," sambit nito habang naglalakad kami kaya napatigil ako gano'n din siya.
"Boss? You mean, Kennex Hyner?" tanong ko at napaisip naman ito at hindi siguradong tumango.
"I don't remember his face but they call him last night 'Boss'," sagot niya. Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Pagdating namin sa first floor sinalubong kami ni Cyla ng ngiti.
"Mukhang nag-enjoy talaga kayo last night," sambit nito at tinuro sa amin ang table kung saan nakahanda ang hangover soup namin dalawa. "No need to pay, bayad na ng Boss ang soup niyo," sambit ulit ni Cyla bago mawala sa paningin namin.
BINABASA MO ANG
Sniper (Completed)
Teen FictionAn anonymous guy working under Special Mission Unit or SMU. No one knows what his real name even his partner. And He is back again after his past mission and been assigned to another assignment; to protect another gem with his partner Bullet, a pro...