SNIPER
"Wait me here, Valerie. Don't go outside without me," bulong ko rito dahil magkatabi kami buong klase at mabilis ko lang itong makausap. Maraming napapalingon sa akin buong klase and it because of what I am wearing today and my presence also. I know na sinabihan na silang lumipat ako ng school but I suprised them by showing myself here.
Nang makita ko si Valerie na ngumuso at tumango ay iniwan ko sa table nito ang bag ko at lumabas para pumunta sa office ni Prof Smith at doon nakita ko itong maraming ginagawa.
Tumikhim ako para kunin ang atensyon nito at nang magtaas ito ng tingin ay ngumiti ito at sinenyasan na maupo. Umupo naman ako at inantay itong magsalita.
"So how's your mission?" tanong nito habang nakatutok ulit sa laptop nito. Kumunot naman ang noo ko dahil sa tanong nito.
"What do you mean mission, Professor Smith?" tanong ko rito. Inayos nito ang pagkakabun ng buhok at gano'n din ang suot nitong salamin.
"I'm an agent at Special Mission Unit and almost 32 trainees of SMU are here in Silverville with their mission and you're one of them. Your mission is in the girl, I can help," sagot nito.
"What kind of help you can do?" tanong ko rito. Agents are an old trainees of SMU. They're already part of SMU even they leave their job.
"Anything. I can say na tatlo ang magagawa mo sa isang mission na ito. Protect, investigate and find her mother," sagot nito na may ngiti pa rin sa labi niya.
"Whatever it takes I need to find her real family," sagot ko rito at lalong lumaki ang ngiti nito nang sumandal ito sa swivel chair at pinagsalop ang dalawa nitong kamay.
"You need to find yours also," sagot nito na nagpatigil sa akin.
"They're dead already. An unexpected storm came that time and I am the one who survived," sagot ko rito.
"But you didn't saw their bodies, Juniper, even the body of your sister in California," sagot nito na nagpakuyom ng kamao ko pero nanatili akong mahinahon tignan at pinapakalma ang sarili ko.
"I am talking here as an agent not as your professor, Mr. Morrison. Ypu asked me, what kind of help I can give you? Well, Boss knows everything. He can answer every single question you ask to him," sagot nito at tumayo na sa pagkakaupo. "I know you'll be back so hindi na ako nagsalita kanina. If Valerie asks you what did I told you just tell her anything you want to tell unless you want to explain the truth about you," pagpapatuloy nito sa pagsasalita at nilapag sa harap ko ang isang code.
"What's this?" tanong ko nang hawakan ko ang maliit na card na may four digit number.
"It's a password to your locker. Makikita mo ang locker mo sa loob ng room. Upper part number 9," sagot nito at tumayo na rin ako at umalis na ng office.
Itinago ko sa bulsa ng suot kong pants ang susi at mabilis na bumalik sa room. Kumunot ang noo ko nang makitang patay na ang ilaw sa loob at wala nang Valerie na nag-aantay sa upuan nito. Nakalock na rin ang pinto kaya sa bintana ako sumilip.
Sumilip ako sa gilid ng hallway kung saan tanaw ang ground at kaunting studyante nalang ang nandoon. Sumakay ako ng elevator pababa at may nakasalubong pa akong mga lalaking nagtatawanan at napatingin din sa akin pero biglang umiwas at nagpatuloy sa paglalakad. Pawisan sila at mukhang galing sa swimming pool.
Hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin at tumakbo palabas ng university at tinignan ang parking lot nagbabasakali na nandoon si Valerie nag-aantay pero hindi ko siya nakita doon kahit sa waiting shed ng school kaya bumalik ako sa loob ng SU.
Bumalik sa isip ko ang mga lalaking pawisan kanina. Hindi sila mapapawisan kung galing sila sa swimming pool. Dapat basa ang mga buhok nila pero wala. Narinig ko pa ang sinabi ng isa sa kanila bago sila magtawanan. "Kawawang Val."
Biglang gumalaw ang mga paa ko at tumakbo patungo sa swimming pool at malayo palang ako nakarinig na ako ng mahinang sigaw ng tulong.
"Valerie!" sigaw ko nang makita itong nahihirapan lumangoy sa eight feet na parte ng pool. Hindi ako nag-alinlangan na lumangoy at iangat ang katawan nito sa pool.
"Valerie, gising," kausap ko rito nang mailapag ko ang katawan nito sa gilid ng pool at tinapik-tapik ang pisngi nito. "Val," sambit ko ulit sa pangalan nito at pinump ang dibdib nito para lumabas ang tubig na pumasok sa katawan nito.
Ilang segundo lang ay umubo ito ng tubig na ikinahinga ko ng maayos. "Val, ayos ka lang?" tanong ko rito at lumingon naman ito sa akin at nagulat nang yumakap ito at siniksik ang sarili sa dibdib ko.
"Salamat, Jun, salamat," naiiyak nitong sambit at tumango naman ako at tinap ang likod nito.
Saktong nahagip ng mata ko ang cctv sa hindi kalayuan. Sakto lang ang pwesto nito sa dulo na madilim na ang parte para malaman na nakuha ang buong pangyayare sa pool.
Nang lumayo si Valerie sa akin at tumitig sa tubig, tinignan ko ito ng mabuti. "Ayos ka lang ba? Kaya mo bang tumayo? Kukuha lang ako ng towel," sambit ko rito at tatayo na ng hawakan nito ang braso ko para tumigil.
Nanlaki ang mata nito at umiling sabay bigay ng simpleng ngiti sa akin. "Sasama na ako sa 'yo. Hindi ko alam ang gagawin kapag bumalik sila," sagot nito at totoo nga ang naisip na kagagawan ng mga lalaking nakasalubong ko kanina ang nangyari kay Val.
Tumango ako at tinulungan itong tumayo. Nagtungo kami sa isang pinto malapit sa swimming pool kung saan makikita ang mga extra na towel at binigay ko ang isa kay Valerie at kumuha rin ako ng isa para sa akin.
"May extra kang damit na dala, Valerie?" tanong ko rito at ngumuso naman ito at umiling.
"May extra ako, suotin mo nalang 'yun kaso nasa classroom at nakalock na ang pinto," sambit ko at napatingin kay Val nang umiling ito sa tabi ko.
"Hindi 'yun nakalock. Nilabas ako nila sa room at naiwan ko rin doon ang bag natin dalawa. Naalala ko pa na sinarado lang iyon ng isa sa kanila kasabay ng pagpatay sa ilaw para magmukhang wala ng tao," sagot nito.
"Babalik tayo sa room bago ka pa magkasakit sa lamig," saad ko at tumango naman ito at napayuko.
"Sorry, Jun. Nabasa ka pa tuloy ng dahil sa 'kin," sambit nito na halos pabulong na sa sobrang hina ng boses nito.
"You don't need to be sorry. Hindi mo kasalanan ang lahat," sagot ko at nakita kong ibubuka palang ni Valerie ang bibig nito para magsalita pero umatras ang dila nito at tinikom nalang sabay iling.
"Let's go."
"Pinagalitan ka 'no? Ano kasing pumasok sa utak mo at nagsuot ka ng civilian?" tanong nito at napitik ko naman ang noo nito kaya napa-aray ito at inayos ang bangs nito. Masyadong malaki sa kanya ang t-shirt na binigay ko sa kanya atsaka short pero komportable naman itong gumalaw.
Nakita ko itong kukunin ang bag niya na hawak ko pero nikayo ko ito sa kanya at umiling sabay naunang maglakad papuntang elevator.
Nang inantay kong bumukas ang elevator dumating ito sa tabi ko at nang magtatama na ang tingin namin agad itong umiwas ng tingin. Napangisi naman ako at hinayaan ito.
"Jun, bakit bumalik ka?"
Nawala ang ngiti ko sa sinabi nito. Bakit nga ba? Dahil hindi pa tapos ang mission ko sa kanya. Sasagot na ako nang biglang bumukas ang elevator kaya nauna akong pumasok sa elevator at nagtaka kung bakit hindi pa ito pumapasok.
"Hindi ako papasok hanggat hindi mo sinasagot ang tanong ko, Jun," sabi nito.
Halos segundo rin kaming nagkatitigan at sasarado na ang elevator nang sumagot ako. "I missed you," sagot ko at nanlaki ang mata nito. Bago pa magsarado nang tuluyan ang elevator pinindot ko ang open button at nagbukas ulit ito. Hindi ito kumibo sa pwesto kaya wala akong nagawa kundi hilahin ito papasok at ang masama pa ay natapilok ito kaya mabilis nasalo ito ng braso ko.
Pareha kaming natigilan at umayos ng tayo si Valerie at inayos ang nagulo nitong buhok at diretsong tumingin. I laugh inside my brain. I saw her blushed.
BINABASA MO ANG
Sniper (Completed)
TienerfictieAn anonymous guy working under Special Mission Unit or SMU. No one knows what his real name even his partner. And He is back again after his past mission and been assigned to another assignment; to protect another gem with his partner Bullet, a pro...