Chapter 23

142 9 0
                                    

VALERIE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

VALERIE

"Hello, Valerie! Where's Jun?" tanong ni Kristine sa akin nang magkita kami pagkatapos namin pumasok sa bar. Nakapulupot ang kamay nito sa braso ng bf nito na nakangiti naman sa amin kaya ngumiti rin ako pabalik dito bago tinuon ang tingin kay Kris.

"He is not coming," sagot ko at mukhang natigilan din si Waki sa tabi ko dahil sa sinabi ko.

"Oh? Okay. Enjoy the night then, see you later!"

"Nakareserve ang table natin," pagbasag ni Waki sa katahimikan at tumango naman ako at sinundan ito.

Hindi katulad sa mukhang bar na Cygnus parang nagtransform ito ng pang party theme talaga at pinaghalong neon lights ang paligid at binuksan ang mini stage na malapit sa island bar. Pinuno na ng Silverville Students ang underground ng Cygnus at ang iba ay kilala ko habang ang iba ay pamilyar lang ako.

Nakatingin lang ako sa nag-uusap na Cyla at Lei sa hindi kalayuan at matapos nilang mag-usap ay naglakad na si Cyla papunta sa amin at umupo sa bakanteng upuan. Pabilog ang lamesa kaya pabilog din ang pwesto ng mga upuan. Anim ang pwedeng kumasya sa lamesang ito.

"What's the problem, Cyla?" tanong ko rito at huminga muna ito ng malalim at kumuha ng lakas bago sumagot. Kakarating lang nito dito ay mukha na itong stress.

"Sinugod sa hospital ang dancer slash singer ng event na 'to. Nahimatay at nabalitaan kong buntis na pala ito," sagot ni Cyla at pinaglaruan ang glass ng wine.

"May pampalit ba sa dancer?" tanong ko rito at umiling naman ito. "Wala namang problema kapag ako ang pumalit, 'no?" tanong ko na ikinatigil nito. Ngumiti ako at tinap ang braso nito. "I can do both if you want. Pero hindi ako pwedeng sumayaw sa ganitong suot," dugtong ko.

"Are you sure?" tanong nito at tumango naman ako.

"Hindi ka na sumayaw simula nang magcollege ka, Valerie. Kabisado mo pa rin ba?" tanong naman ni Waki na nagulat din sa sinabi ko.

"I can teach the step to you, Valerie. Pwede rin ako sumama para hindi ka mahiya. Mamaya pa ang simula ng sayaw kaya may oras pa tayo para magkabisa ng steps. So let's go?" tanong ni Cyla at lumaki naman ang ngiti ko sa labi at nagpaalam kay Waki na walang nagawa kundi ay panoorin kaming umalis sa lamesa at umakyat ng first floor at nagtungo sa rooftop.

Natapos na kami sa pag-aarap ng step na sasayawin. Umabot lang ng half hour dahil minadali ng kaunti pero nagets naman. Bumaba na kami at bumalik sa isang room na kinuha namin kung saan doon namin iniwan ang dress at gown namin. Nagsuot lang kami ng simpleng damit dahil mauuna ang dance and sing performance at aakyat nalang ulit kami para magbihis.

Sniper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon