Chapter 6

642 26 2
                                    

VALERIE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

VALERIE

"Valerie, I'll close the restaurant. You can go home," rinig kong sambit ng isa sa kasama ko sa trabaho pagkatapos akong tapikin habang naglilinis ako ng mga lamesa.

"Okay. Tapos na rin naman ako," sagot ko at ibinalik na ang cleaning materials sa storage room at kinuha ang bag ko para umalis.

Napatigil ako ng makitang umuulan sa labas. Siguro aantayin ko nalang ito tumila bago ako umuwi. Madali kasi akong makakuha ng sakit at mahirap na kapag magskip ako ng klase at hindk makapagtrabaho kapag may sakit.

"Ay! Nakalimutan ko. May isang customer na nagbibigay sa 'yo nito," sambit ni Rein na tanging kami nalang ang naiwan sa restaurant. Maaga ang trabaho ni Rein bukas kaya sa kanya iniwan ang susi. Inabot nito sa akin ang isang plastic bag at nang tignan ko ang laman nito ay bahagya akong nagulat ng makakita ng rain coat.

"Sino raw?" tanong ko pero nagkibit balikat lang si Rein at matapos ilock ang restaurant ay nagpaalam na ito sa akin.

Hindi na ako nag-alinlangan at agad na sinuot ang raincoat at nagpunta sa parking lot para kunin ang motor ni Waky.

Nakahinga ako ng maluwag ng makauwi ng ligtas. Hindi na ako nakakain dahil bumagsak agad ang katawan ko sa higaan at mabilis na nakatulog.

Nagising ako sa sunod-sunod na tunog ng doorbell sa apartment. Muntik pa akong mahulog sa higaan sa gulat buti nalang nakakapit agad ako ng mabuti at agad na tumayo. Malayo palang ay naririnig ko na ang pagtawag sa 'kin ng may-ari ng CrystalLine Apartment.

"Ano po 'yun?" sigaw kong tanong at inawang ang pinto ng kaunti para sumilip.

"Tulungan mo 'kong ipasok itong bagahe na 'to. May gagamit na ng kabilang kwarto," sambit nito at nanlaki ang mata ko sa narinig. Pinisil ko pa ang sarili ko para malaman na hindi ako nananaginip.

"Po? Talaga po?" tanong ko at sinamaan naman ako ng tingin ni Madame Jayme at napangiti naman ako.

"Ito na po. Tutulong na nga po," sagot ko at binuksan ng maayos ang pinto para magkaroon ng sapat na space ang daan at tinulungan ito na ipasok ang mga gamit. "Ito lang po ba? Nasaan po ba siya?" tanong ko.

"Binayaran pa ang taxi driver. Wala namang problema sa 'yo kapag lalaki ang ka-roommate mo 'diba?" tanong nito at tumango-tango naman ako.

"Wala naman pong problem-Ano po? Lalaki?" tanong ko at halatang nagulat din si Madame sa naging reaksyon ko at napailing-iling nalang.

"Sana nga ayos lang. Matanda po ba?" tanong ko na pabulong.

"Pagkakatanda ko studyante siya sa Silverville University. Tanungin mo nalang siya pagdating niya dahil marami pa akong gagawin," sagot nito at nagmamadaling umalis. Pinagmasdan ko ang mga gamit na nasa loob na ng apartment at hindi nga nakakapagtaka na lalaki ang lilipat. Sinarado ko muna ang pinto at tinungo ang kusina para maghanda ng maiinom at makakain para na rin sa bisita.

Sniper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon