VALERIE
"It's so unfair, Waki. Tatlong puntos lang naman nalamang mo, e," aniko at pinagmasdan ang puntos namin dalawa ni Waki sa isang basketball machine. Pagkatapos namin mag-skating ay dumiretso kami sa isang TimeZone at naglaro ang matatalo sa laro ang manlilibre sa dinner mamaya.
Tumawa ito sa sinabi ko at kinuha sa akin ang ticket na nakuha namin at pagkatapos ay naglapag ito sa palad ko ng tatlong token na ipinagtaka ko. "Pili ka ng larong kaya mo tapos doon natin malalaman kung sino na talaga ang manlilibre," sambit nito na ikinangisi ko.
Dahil nga may isa akong laro na pinili mukhang hindi ko magagamit masyado ang pera ko para manlibre at ayon nga sa inaasahan ko ay natalo ko si Waki na trying hard magets ang laro at makapuntos. It's a shooting game pero mahina kasi ito pagdating sa mga larong patayan kaya minsan tinutulungan ko ito.
"Nagsisi na ako na pinapili kita," bulong nito na ikinatawa ko ng mahina.
"Let's go. Dumadami na ang tao rito tapos pinagtitinginan na rin tayo dahil sa ingay natin," natatawa kong sambit at hinila na si Waki paalis ng lugar na iyon at saktong may nakita akong ice cream shop kaya nagpabili ako kay Waki ng ice cream pero inabutan lang ako nito ng pera at ako ang pinapunta sa counter.
"Large cup nga po sa cookies and cream at rocky road," sambit ko at gumilid nang may taong mag-oorder din.
"Medium cup for melon flavor," sambit nito kaya napaangat ako ng tingin at mabilis na umiwas nang magtama ang tingin namin. Hindi ko masyado nakita ang mukha nito pero sigurado akong may itsura ito.
"Thank you," sambit ko nang abutin ko na ang bayad at kunin ang tray na naglalaman ng order ko. Mabilis akong umupo sa pwesto na inuupuan ni Waki sa kabilang upuan at inabot sa kanya ang cookies and cream pero ang pinagtaka ko ay may nakalapag na ice cream cup na sa pwesto nito.
"Sa tingin ko nagkamali ka nang nilapitan na pwesto, Miss," sambit nito at nang iangat ko ang tingin ko ay siya pala ang lalaking nakasabay ko sa counter kanina. Dali-dali akong tumayo at saktong biglang lumapit si Waki sa pwesto ko at nagtatakang binigyan kami ng tingin.
"Kilala mo siya?" tanong ni Waki at umiling naman ako.
"Pasensya na po akala ko ikaw ang kaibigan ko. Pasensya na talaga," pahingi ko ng paumanhin at napansin ko ay pagngiti nito na mukhang natatawa sa nangyari at tumango.
"Kanina ka pa lutang, ayos ka lang ba talaga, Valerie?" tanong ni Waki at siya na ang nagkusang bitbitin ang tray.
"Your name is Valerie?" tanong ng lalaki kaya napaharap ako sa kanya.
"Bakit po?" tanong ko rin pabalik. Ngumiti na naman ito muli at umiling.
"Siguro kapangalan mo lang 'yun," sambit nito at hindi na ako nakasagot ng hilain na ako ni Waki palayo sa table na iyon at umupo sa pwesto na napili nito.
BINABASA MO ANG
Sniper (Completed)
Novela JuvenilAn anonymous guy working under Special Mission Unit or SMU. No one knows what his real name even his partner. And He is back again after his past mission and been assigned to another assignment; to protect another gem with his partner Bullet, a pro...