SNIPER
Ngumiti ito matapos ipabasa sa akin ang sagot niya at nginuso ang usb. "Baka habulin ka nila para kunin 'yan. Ingat ka," sambit nito at muling sumulat sa natitirang space ng pangatlo nitong punit na papel.
I still have my friend number. I'll call her after her work. Where is the best place to take that important thing from her if those bad guys are around?
Napangisi ako sa nabasa at sinalubong ang tingin ni Roswell na nag-aantay ng sagot.
"Trust me, Bud. This thing will be safe kapag hawak ko na," sagot ko at tinap ang balikat nito. First plan, to get rid of the bombs and the second plan, is to get rid of Red Mafioso sa madaling panahon.
Ihinilig ko ang ulo ko sa headboard at inaantay ang call ni Roswell. Tatawagan daw ako nito kapag nakuha na niya ang exact time na makikipagkita siya sa kaibigan niya na nag-aaral sa SU.
"He just got a call. I can see him."
Napaupo ako sa sinabi ni Levi sa kabilang linya. Alam kong pinagmamasdan nito bawat galaw ni Roswell nang makauwi ito. Sa ngayon, hindi natin masasabi kung kaninong atensyon ng kalaban ngayon nakatutok; sa akin ba o sa bata? Dahil kung sa 'kin isa lang ang habol nila- ang usb na wala namang laman.
Sasamahan ko si Roswell nang pasikreto dahil hindi natin masabi na baka may iba pang tauhan ang gustong hanapin ang usb sa kamay ng bata. Kailangan mapanatili itong ligtas hangga't hindi pa nagsisimula ang lahat.
Napatayo ako at naisipan na magpalit ng masusuot. Gano'n din ay kumuha ako ng bagong mask at cap. Aasahan ko na makakatanggap ako ng tawag wala pang sampung segundo at napapitik ako ng daliri nang hindi ako nagkamali.
Men instinct.
Mabilis kong sinagot ang tawag. "What did she said?" tanong ko.
"She will be there in five minutes. You know which place it is," sagot nito at hindi na ako nagdalawang isip na lumabas sa hideout ko at sumakay sa motor na dala ko at nag-drive patungo sa lugar na ako ang nagsuggest kung saan pwedeng pagkikitaan nila.
It's a small place. Malapit sa isang park na maraming tao gano'n din ay maraming bata kaya hindi magagawa ng kalaban na makigulo lalo na't maraming tao at may malapit na police station pa.
"Levi, are you there?" tanong ko sa kausap ko sa earpiece.
"Yes, currently checking near CCTV cameras there. May problema ba?" tanong nito.
"Just update me if something bad or good is happening," sagot ko at narinig ko naman itong sumagot ng pabulong. He's busy kailangan hindi ko ito maistorbo.
BINABASA MO ANG
Sniper (Completed)
Подростковая литератураAn anonymous guy working under Special Mission Unit or SMU. No one knows what his real name even his partner. And He is back again after his past mission and been assigned to another assignment; to protect another gem with his partner Bullet, a pro...