Chapter 22

145 8 2
                                    

VALERIE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

VALERIE

Napatitig ako sa nakuhang message galing sa President namin.

Where: Cygnus Royale
When: Friday
What: Party at 8 PM

Ilang beses akong napapikit at dilat para masabi sa sarili na hindi ako namamalikmata. Sa mismong lugar kung saan ako magpa-part time job gaganapin ang party. Nabalitaan ko rin kay Cyla na may bumili ng bar sa isang araw para sa isang party pero hindi ko akalain na sila President ang bumili. Mukhang ang boyfriend nito ang bumili dahil isa iyon sa anak ng mayaman base sa nabalitaan ko.

It's a school year end party then magkakaroon ng dalawang linggo na pahinga and preparations for graduating students. This is it, Mom. Makakagraduate na rin ako.

I wish you were here.

Nagising ako sa realidad nang may kumatok sa pinto. "Pasok," sagot ko at in-off ang phone ko at tumayo. Binuksan ni Jun ang pinto at sumilip.

"I recieved the invitation, did you received it too?" tanong nito at wala akong nagawa kung 'di ang tumango. Balak ko sanang hindi pumunta dahil mapapagala ako ng wala sa oras sa mall. Wala na akong damit na maisusuot sa party dahil halos lahat pambahay lang na t-shirt at simpleng jeans at komportableng pang-alis. Never pa akong sumama sa mga party dahil sa sobrang busy ng buhay ko.

"Aalis ka?" tanong ko nang makita itong bihis na bihis. Nakasuot ito ng white t-shirt at simpleng jeans pinatungan niya lang ang shirt niya ng leather jacket nito. Basa rin ang buhok nito senyas na kakatapos lang nito maligo.

Tumango ito. "Babalik din ako mamaya kaya h'wag kang aalis," sambit nito.

"As if naman may pupuntaha-" Napatigil ako nang may maalala. Yes, aalis ako mamaya para bumili ng masusuot ko mamayang gabi.

"Kung aalis ka mamaya o may balak kang puntahan antayin mo 'ko, I won't let you go na walang kasama," sambit nito at ilang segundong nagloading ang utak ko sa sinabi nito.

"At bakit naman? Hindi naman kita boyfriend, a?" mahina kong tanong dito na halos pabulong na rin.

Nakita ko ang mahina nitong pagtawa. "Just don't go without me, Valerie. Kung aalis ka agad, hindi na ako babalik," sagot nito at makikita ko talaga sa mukha niya na seryoso siya sa sinabi nito kaya tumango nalang ako bilang pagsuko.

"Hindi rin ako magtatagal."

"Ingat," tanging nasambit ko at isang simpleng ngiti ang binigay nito at tumango bago umalis.

Lumabas na ako ng kwarto ko at nanood nalang ng TV. Nagpakabusog ako sa kusina. Kinain ko ang natirang cake na naiwan namin ni Jun na bigay ni Khim matapos umalis kagabi.

Kasalukuyan akong tumatawa sa napapanood ko nang may magdoorbell ng pinto. Dali-dali akong tumayo baka si Jun na iyon pero nang mabuksan ko ang pinto isang delivery guy na naman ang bumungad sa pinto.

Sniper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon