Chapter 24

149 9 4
                                    

VALERIE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

VALERIE

Isang linggo na ang lumipas matapos ang party sa Cygnus pero parang kahapon lang ito nangyari dahil sa sobrang fresh pa ng memories ko roon. Doon lang 'yung first time na nangyari 'yung pagslow motion ng mundo ko at tanging kami nalang ang nakikita ko sa paligid. Inlove na yata ako?

Napatalon ako ng higaan at inipit ang mukha ko ng unan bago tumili sa saya pero napatigil ako sa katok na nanggagaling sa pinto at narinig ko pa ang mahinang tawa mula sa taong kumatok. Kaya inalis ko ang nakatakip na unan sa mukha ko at nagulat nang makita si Jun na nakasandal sa gilid na pinto na bukas na rin.

"Jun." Napaayos ako ng upo at inayos na rin ang nagulo kong buhok. Tumingin ito sa akin mula ulo hanggang paa.

"10 minutes," sagot nito na nagdala ng katanungan sa isip ko. Ano 'yung ten minutes?

"Ha?" may pagtataka kong tanong.

Napapailing ito at tumikhim bago sumagot. "Ubos na 'yung nakaraan nating pinanggrocery. I am giving you ten minutes para ihanda ang sarili mo na sumama sa akin maggrocery," sagot nito.

"Ay hala! Wait lang!"

+++

"Ano sa tingin mo ang masarap sa dalawa, Jun?" tanong ko at pinapili ito ng cereals na hawak ko. Tumingin ito magkabilaan at napunta sa akin ang tingin bandang huli at ngumiti.

"Ito," sagot nito at tinuro ako. Lumapad ang ngiti nito at natatawang pinitik ang noo ko. "Ilagay mo nalang sa basket. Kapag hindi mo nagustuhan ang isa, alam mo na kung ano ang bibilhim mo sa susunod," sagot nito at ibinalik ang atensyon sa listahan nito na siya ang nagsulat.

Kailan pa ako naging pagkain, ha?

Natapos na rin kami sa bilihin at napaupo ako sa isang upuan sa sobrang pagod habang si Jun naman ay nasa counter at binabayaran ang pinamili namin.

"Bili tayo ice cream, Jun," sambit ko nang makalapit si Jun sa akin at kinuha ko naman sa kanya ang isang plastic bag. Nakakahiya na siya lang pagbuhatin ko ng pinamili namin.

"Saan naman tayo bibili?" tanong nito.

"Sa puso ko," sagot ko at mahinang tumawa. "Joke lang! Ayon, o! Si Mamang Ice cream sa labas," sagot ko at tinuro ang mamang nagtitinda ng ice cream. Glass wall ang pader kaya kita ang labas.

Tumayo na si Jun matapos makita si Mamang Ice cream at sinundan ko naman itong lumabas. Nakahawak ako sa dulo ng leather jacket nito dahil malalaki ang hakbang na ginagawa nito na halos takbuhin ko na sa layo niya sa akin.

"Isang large cone nga po dalawa. Chocolate po para sweet," sagot ko at napangiti naman si Mamang sa akin at napatingin sa katabi kong nakatingin din pala sa akin.

Sniper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon