VALERIE
Nagsimula na ang final exam namin. Tanging yapak lang ng sandal na suot ni Professor Smith ang naririnig sa loob ng room. Kasama na ang tunog ng aircon at gano'n din ng orasan.
Namangha pa ako nang makita na unang tanong palang ay alam ko na ang sagot. Si Jun ang nagturo sa akin nito kahit marami siyang klase na naiwan. Nag-advance study raw kasi ito.
Halos buong gabi kaming gising at nagrereview bago dumating ang araw na ito at nang lingunin ko si Jun na ilang metro ang layo sa akin para iwas ang kopyahan, seryoso itong nakatuon sa test paper at mabilis na sinagutan.
Binalik ko rin ang atensyon ko sa test ko at sinagutan na rin ito.
Nang marinig ko na ang pagtunog ng bell na nagbigay ng ginhawa sa lahat, napangiti ako. Recess na.
"How's your test?" tanong ko kay Jun na agad lumingon sa akin. Nililigpit kasi nito ang bag niya.
"It's fine, you?" sagot nito pabalik at ngumiti naman ako at nilapit ang lamesa ko gano'n din ang upuan sa kanya.
"It's cool. Halos lahat ng tinuro mo sa akin kagabi pumasok sa isip ko tapos lumabas din sa test," mangha kong sagot at nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi nito at mahinang napailing.
"Halos una palang ayaw mo na maniwala sa akin," sambit nito na lalong ikinalapad ng ngiti ko.
"Syempre! Halos lahat naman ata ng tao mag-iisip no'n kasi ilang buwan ka ring nawala tapos babalik na alam na ang lahat ng lessons," sagot ko.
"Yeah," kumento nito habang naka-krus ang mga braso at nakikinig sa akin.
Tinaasan ko ito ng kilay. "Hindi ka pa ba kakain? May susunod na last test pa. Hindi gagana utak mo kapag walang kain, tara na!" aya ko at hindi na siya inantay at naunang lumabas sa room. Napangisi naman ako sa isip nang makitang sumunod itong lumabas ng pinto at sinundan ako.
Since nagpromise ako sa kanya na ililibre ko siya kapalit ng pagsama niya sa akin sa pagrereview kagabi at noong isang araw pinahanap ko nalang ito ng map-pwestuhan namin dalawa at nagtungo naman ako sa counter para mag-order.
"Excuse me po," sambit ko nang dadaan sana ako sa dalawang taong nag-uusap para makapila pero nawala ang ngiti sa labi ko nang hindi nila ako pinansin at patuloy na nag-usap sa harap ko.
"Oh? Si Valerie pala ito, kamusta? Tagal na noong araw na nagswimming ka sa malalim, e. Sorry lang naman hinihingi namin sa iyo pero hindi mo kasi maibigay kaya nilaglag ka namin sa pool." Naikuyom ko ang kamao ko sa narinig.
"Nasaan na 'yung taong sinumbungan mo? Natakot na ba?" tanong ng isa sa kanila. Ginawa nila iyon sa akin dahil nagsumbong 'yung babaeng nakausap ko sa elevator noon na nagkakalat ng maling storya tungkol sa amin ni Waki. Nagkataon na myembro ng mga gang ang boyfriend nito at gusto akong saktan kaya nagsumbong.
BINABASA MO ANG
Sniper (Completed)
Ficção AdolescenteAn anonymous guy working under Special Mission Unit or SMU. No one knows what his real name even his partner. And He is back again after his past mission and been assigned to another assignment; to protect another gem with his partner Bullet, a pro...