Chapter 16

449 26 5
                                    

SNIPER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SNIPER

"Good morning, Babe ko!" bungad ni Levi sa kabilang linya at mukhang bagong gising lang ito dahil garalgal pa ang pagsasalita nito. Napa-iling nalang ako habang pumipili ng susuotin sa closet. Pagkatapos ng mission ko kay Roswell ay kaagad akong bumalik sa Headquarters.

Mag-iisang linggo na ako sa HQ at nag-aantay ng signal na makausap ang Boss. Matagal ang pahinga ko at minsan ay pumupunta ng gym para makagalaw ang katawan ko. Paulit-ulit lang ang routine, gising, ligo, kain, tulog o kaya makikisama sa iba at magt-training.

"Wala pa rin bang balita about sa free schedule ng Boss, Levi?" tanong ko rito at sinuot ang napili kong white shirt at pinatungan ko ng leather jacket. Balak kong umalis muna at magpahangin malayo sa HQ. Nakakasawa rin kasing palagi nalang kisame ng kwarto at paligid ng headquarters ang nakikita ko.

"I guess his schedule is really busy right now. Why would you just go back to your past mission? It's really weird to leave without a word," sambit ni Levi at napahilot naman ako ng sentido.

"Levi, I won't go back without the Boss permission. Besides, Valerie is already safe and her life gets better with our help. Alam ko naman na hindi na magrerequest ang client dahil ligtas naman si Valerie," sagot ko at kinuha ang susi ng motor ko at lumabas ng kwarto. Tulog pa si Rocky habang si Russel naman ay nasa training.

"Maybe I already know the reason why you need to keep an eye for Valerie," saad ni Levi na nagpabagal ng paglalakad ko. "The client wants you to help her."

Napakunot naman ako sa sinabi nito.

"Help with what, Levi?" tanong ko at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa parking lot. Hindi ko alam kung saan ang final destination ko pero sana maging maayos ang araw ko.

"It's Valerie's request already. Find her family if they're still alive or not."

"I guess that is my mission. Sent an e-mail to Boss and tell him that I will go back to continue my previous mission," sagot ko at in-off muna ang linya namin ni Levi at mabilis na nagmaneho.

Napatigil ako sa isang coffee shop at pumasok para mag-order. Habang nag-aantay sa table ko, napatingin ako sa labas ng glass wall at tinanaw ang mga studyanteng kakaalis lang sa school nila.

"Here's your order, Mr. Pogi," saad ng waiter at nilapag ang coffee na in-order ko. Umupo ito sa upuan na vacant na paharap sa 'kin at sinenyas ang suot kong earpiece.

"Doing mission, e?" tanong nito na nagpatigil sa akin sa pagsimsim. "I'm also a trainee but I failed. I fear guns so I failed the test when it comes to shooting range," paliwanag nito. Hindi ko alam na trainee pala ito ng SMU. He is a guy but base on his gestures he's not straight.

"Goodluck on your mission and by the way, I'm a huge fan of yours," sambit nito nang hindi ako nagsalita at akmang aalis na nang sabihin ko ang pangalan nito.

"Albert," sambit ko kaya tumigil ito at humarap sa akin.

"How did you know my name? Are you a stalker?" gulat nitong tanong at tinignan ko naman ang name pin nito na nakalagay sa dibdib at doon niya nakuha ang sagot sa tanong nito.

"Why did you gave up?" tanong ko rito at inubos ang laman ng coffee na in-order ko. Napaayos ito ng buhok at inilapag ang tray na hawak nito sa table at bumalik sa pagkakaupo.

"I became a trainee to find my sister but since I fear guns mukhang pag-asa ko nalang na maghire ng Black House member to find my sister pinag-iipunan ko na hanggang ngayon," sambit nito at napatango naman ako.

"You really want to find your sister?" tanong ko at tumango naman ito habang napapakagat ng labi.

"Send a request already," sagot ko at nanlaki ang mata nito at napaangat ng ulo. A simple smile flash on my lips and checks my phone.

"Ako bahala sa natitira," sambit ko at napansin ko ang pagpipigil nito ng pag-iyak sa tuwa. "You know, I lost my sister because of my stupid decisions so I want to help you to find your sister before it's too late, Albert," sambit ko at tumayo na. Tinapik ko ang balikat nito at umalis na nang coffee shop.

Bago ko pa mabuksan ang engine ng motor ko nakatanggap ako ng call galing sa hindi ko inaasahan na taong tatawag ngayon.

Valerie Madison calling...

Sinagot ko ang tawag at napakunot ang noo ng marinig ang ingay sa kabilang linya.

"Hello? Juniper?"

"Where the hell are you, Valerie Madison?" tanong ko.

"I miss you."

"Valerie, I asked you, where the hell are you?" tanong ko at hase sa boses nito ay lasing na ito.

"Bakit ka bigla-biglang nawala nang walang pasabi ha? Hindi kaya ako nakatulo-ano ba! Hindi nga ako lasing, Waki!"

Dahil sa narinig ko iisang lugar lang ang pumasok sa isip ko. Cygnus Zagreus. Mahinang napamura ako at mabilis na nagmaneho patungo sa Cygnus at nasalubong ko pa si Cyla na gulat sa presensya ko. Pinatay na ni Valerie ang tawag na hindi ko na pinansin.

Magsasalita pa ito nang lagpasan ko ito at dumiretso sa pinto patungo ng sa ground floor at doon nakita ko agad si Valerie na tumatawa habang kausap ang bartender. My jaw clenched to what I saw.

Diretso lang ang tingin ko at hindi pinansin ang mga taong kilala ako na agad na nagbow sa harap ko. They know me as Kennex Hyner. Pansamantala muna sa akin pinahawak ang Cygnus Royale ni Boss nang mawalan kami ng connection kay Kennex. Some of the workers here are from SMU trainees.

"Ken-" Nang makita ako ni Jiroh tatawagin na nito ang pangalan ko bilang Kennex nang lagpasan ko ito at lapitan si Valerie. Mabilis kong inagaw ang hawak nitong bote ng beer at hinagis sa kung saan dahilan para magbigay ito ng ingay at ikinatahimik ng paligid.

"Juniper?" tanong ni Joaquin sa akin. Inilahad ko ang palad ko sa harap ni Jiroh mukhang hindi naman nito nagets ang gusto kong makuha sa kanya.

"VIP," sambit ko at agad nitong inabot sa akin ang susi ng VIP room at tinapik ang braso ko bago lapitan si Joaquin at senyasan na buhatin si Valerie papuntang VIP room.

Pero mukhang lasing na rin si Joaquin dahil pa-gaywang-gaywang ang lakad nito kaya sinenyasan ko naman si Cyla na kanina ay nakatulala na tulungan ang boyfriend nito at tumango naman agad ito at mabilis na gumalaw sa pwesto nito.

Anong klaseng boyfriend ito? Hinahayaan na malasing ang girlfriend niya at gano'n din ang sarili niya sa loob ng bar.

Nilapitan ko si Jiroh at tinapik ang braso nito. "Ikaw na ang mag-open ng dalawang room," sambit ko at inabot sa kanya pabalik ang hawak kong susi at binuhat si Valerie na papikit na ang mga mata.

Sniper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon