Chapter 14

488 25 9
                                    

VALERIE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

VALERIE

Namumugto ang mata ko paggising. Halos magdamag akong umiyak dahil nang subukan kong tawagin ang kaibigan ko gamit ang phone number nito ay hindi ko siya matawagan and I almost forgot that her number is different.

Pareho kaming walang social media accounts kaya malabong makausap ko ulit ito. Kamusta ka na kaya, Fire?

Buti nalang at may dalawang oras akong tulog at wala masyadong gagawin ngayon dahil malapit na ang exams. Naghanda na ako ng sarili ko at saktong naghahanda ako ng sandwich nang dumating si Waki para sunduin ako.

"I just got a call this morning. Pinapapunta na tayo after ng klase para sa training," bungad ni Waki nang pagbuksan ko ito ng pinto. Tumango naman ako at inabot sa kanya ang extra na sandwich na ginawa ko.

"Let's meet outside the campus after dismissal," sagot ko at tumango rin ito habang nasunod sa akin.

Pagkarinig ko ng bell ay napaunat ako ng katawan at itiniklop na ang librong kanina ko pa paulit-ulit na binabasa para maintindihan pero walang pumapasok sa utak ko. Pinagawa kami ng reviewer o kaya matulog pero hindi ko alam ang gagawin ko. Nagreview ako kaunti lang ang pumapasok siguro sa tahimik na lugar lang talaga ako nakakapagreview.

Umalis na ako ng classroom bago pa ako maunahan ng mga class officers at ipaubaya na naman sa akin ang paglilinis ng room at dumiretso sa CR para mag-ayos ng sarili. Pumasok ako sa isang cubicle at saktong nakarinig ako ng pagbukas at sarado ng pinto senyas na may bagong dating na gagamit din ng CR.

"Ka-building kaya natin s'ya. Tahimik kung titignan pero haliparot din 'no?" Pagkarinig kong sinabi ng isang studyante na nagpakunot ng noo ko sunod naman ay tumawa ang kasama nito. Dalawa lang sila.

Normal naman talaga ang mga tsismosa't tsismoso sa mga studyante pero iba talaga ang feeling kapag nakakarinig ka na sa harap mo talaga.

"Yeah, right! What's her name again? Val... ah! Valerie Madison, kaya pala close sila ni Joaquin Miller kasi may plano itong agawin si Joaquin sa gf nito para sila magkatuluyan. Nakita ko pa nga sila sa parking lot na bumaba sa iisang motor. Oo, bestfriends sila pero ang tindi ng sign na siya ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa," komento ng isa at mahigpit akong napakapit ng palda ko at kinagat ang labi ko.

So ako pala, ako pala ang pinag-uusapan nilang dalawa. Walang ingay akong hindi makapaniwalang tumawa at mabilis na tumayo at lumabas ng cubicle.

"Akala mo kung sino-" napatigil ang isa sa kanilang magsasalita palang tungkol sa 'kin nang makita akong lumabas at mabilis ding lumingon ang kasama nito.

Binigyan ko sila ng simpleng ngiti at naghugas ng kamay at kumuha ng tissue para magpunas. "Kung 'yun ang iniisip niyo pwede na kayong mag tayo ng broadcast station dito sa school. I won't mind hindi naman ako iiyak at maglulumpasay sa isang kasinungalingan na ikinakalat niyo," sambit ko habang nakatingin sa reflection ng dalawa sa salamin.

Sniper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon