Chapter 10

565 22 0
                                    

VALERIE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

VALERIE

Tulalang kumain ako ng breakfast mag-isa. Nakakapagtaka na hindi umuwi kagabi si Jun. Wala rin ang motor nito nang tignan ko ito sa parking lot. Naalala ko pa ang sinabi nitong may emergency call siyang natanggap kaya mukhang hindi ito pumasok dahil do'n.

Bumalik lang ako sa realidad nang marinig ang pagdoorbell kaya agad akong tumayo at inaasahan na baka si Jun na iyon.

"Ma'am, are you Miss Valerie Madison?" tanong nito at tumango naman ako. Bumagsak ang balikat ko nang hindi si Jun ang nakita ko.

"Your delivery is here. We'll just put this inside," sambit nito na ikinakunot ng noo ko. Delivery?

"Ah, mukhang nagkakamali lang po yata kayo, Sir. Wala po akong matandaan na nagpadeliver ako ng gamit na ganyan kalalaki," banggit ko sa mga box na buhat-buhat ng tauhan nito.

"You already confirmed that you're Valerie Madison. Don't worry, Ma'am. It's paid already," sagot nito.

Baka si Jun ang nag-order ng mga ito.

Wala akong nagawa kundi ang tumango para sumang-ayon at binigyan sila ng daan para mailagay ang gamit sa loob. Umalis na sila matapos hingiin ang signature ko at halos manlaki ang mata ko nang makita kung gaano kamahal ang gamit.

"Pwede naman normal na vacuum cleaner lang. Pinasosyal pa," aniko at inilagay na ang baso ko na ininuman ng kape sa lababo at umakyat para magbihis. Sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang phone ko. Nagbabasakaling tumawag ang taong inaantay ko. Halos hindi na ako nakapag part time kagabi dahil kay Jun buti nalang at nahiraman ako ng pera ng kasama ko sa pagpart time para mag taxi.

Nilakad ko lang papuntang school na naging exercise ko biglaan malapit na ako sa gate nang harangin ni Fatima ang daan ko. Isa siya sa mga kaklase ko at kaibigan ng President.

"Alam mo ba kung bakit biglaan ang paglipat ni Jun sa ibang school?" tanong nito na ikinakunot ko ng noo. Paglipat ng school?

"Nagkakamali ka lang yata ng pagkakarinig," naiiling kong saad at pinilit na ngumiti.

"Alam kong alam mo dahil nakita ko na kayo ni Jun na magkasamang pumasok sa apartment mo. Alam kong siya ang bahong roommate mo kaya h'wag mo nang ipagkait kung anong dahilan ba't biglaan ang paglipat niya," dire-diretso nitong sambit kaya napaatras ako.

"Hindi pwede," saad ko at mabilis na tumakbo paalis.

HINIHINGAL na nakarating ako sa apartment at mabilis na binuksan ang pinto. Muntik pa akong madulas s hagdan buti nalang nakahawak ako ng pangsuporta at mabilis na binuksan ang pinto ng kwarto ni Jun.

Sniper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon