Chapter 9

552 25 1
                                    

VALERIE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

VALERIE

"Tama ba 'tong ginagawa ko, Jun?" tanong ko at ipinakita sa kanya ang sinundan kong instructions kung paano lutuin ang Italian Food na nagustuhan ko. Balak ko kasing paglutuan ang mga bata bago kami umalis. Mapupungay ang mga matang tumango si Jun at bumalik sa pagkakayuko sa lamesa.

Tinapos ko na ang gawain at saktong dumating si Sister Mia para tulungan ako. Tahimik kaming naghanda dahil nakaidlip na si Jun.

"Hindi na rin po kami magtatagal. Salamat po," aniko at iniwan na ako ni Sister Mia kasama si Jun sa kusina.

"Jun, kain ka na muna bago tayo umalis," paggising ko rito at tinapik-tapik ang braso nito. Napanguso ako nang hindi man lang ito sumagot kaya tatapikin ko pa ulit ito nang mahuli ng kamay nito ang palad ko at inangat ang ulo nito.

Nanlaki ang mata ko at sdyang napaawang ang bibig sa gulat. "I'm fine. You eat first, I'll wait," sagot nito at binitawan na ang kamay ko. Pinanood ko itong tumayo at magstretch ng katawan.

"Kung hindi ka kakain hindi na rin ako kakain," aniko at napatigil ito at hinarap ako.

"Fine. Let's eat." Napangiti ako sa naging sagot nito at sabay na kumain kami sa lamesa. Bago kami umalis ng bahay ampunan ay binisita ko muna sa kwarto ang mga bata at humihikab na lumabas ng bahay.

Naabutan ko si Jun na sinalubong ako kasama na ng motor nito at tumigil muna para iabot ang helmet nito para sa akin. Agad ko naman itong isinuot bago umangkas sa likod.

"Mabilis akong magmaneho kaya kumapit ka nang mabuti," rinig kong banggit nito kaya wala akong nagawa kundi ang yumakap sa kanya.

Nakarating kaming ligtas sa apartment at pagkarating namin ay bumagsak agad ang katawan ko sa sofa.

"Pumunta ka na sa kwarto mo," rinig kong sambit ni Jun at ibinaba sa center table ang susi na hawak nito at napaupo sa isang sofa. I groaned in reponse. Hindi ko na iginalaw ang katawan ko para tumayo at dumiretso sa kwarto kusang pumikit ang mga mata ko at nakatulog sa pagod.

Nagising ako sa malambot na kama kaya napabalikwas ako ng bangon nang maalala na natulog ako sa sofa. Napakagat ako ng labi nang maimagine kung paano buhatin ni Jun ako.

Napahawak ako ng magkabila kong pisngi na ngayon ay mukhang nangangamatis na sa pula. Ang bigat ko pa naman baka nahirapan siyang buahatin ako kagabi. Nakakatakot tuloy lumabas at masalubong siya ngayong umaga.

"Valerie, lalamig na breakfast mo. Gumising ka na d'yan."

Wala akong nagawa kundi ang bumaba at salubungin si Jun na kumakain ng mansanas sa living room at nanonood ng action movie.

Sniper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon