VALERIE
It's already 5 PM. Nauna si Jun na pumunta ng parking lot ng University dahil pinatawag pa ako sa office at nang makarating ako sa parking lot bigla akong napatago sa isang malaking sasakyan dahil nakita ko si Jun na may kaharap na magandang babae. Alam kong maganda ito dahil mamahalin ang suot nito, gano'n din ay malayo palang tindig model na ang dating. Nakaside-view silang dalawa kaya hindi ko masyado makita ang kabuuang mukha ng babae.
Napakapit ako ng mahigpit sa strap ng bag ko sa nakita. Nakaluhod kasi si Jun nang makita ko at nang tumayo ito ay niyakap siya ng babae. Kuminang ang isang bagay na hindi ko inaasahan na makita, isang singsing. Did he just propose to someone?
Naluluhang tumalikod ako ro'n at pumara ng taxi papuntang Cygnus. Kinuha ko ang phone ko at minessage si Jun.
To: Jun
Nakarating na ako ng Cygnus. Pinilit ako ng kaibigan kong babae. Sorry.
Inis na tumawa ako, at ako pa talaga ang magsosorry? Relax, Valerie. Wala namang kayo ni Jun.
Nang makarating ako ng Cygnus inis na hinagis ko ang bayad sa driver at pumasok ng Cygnus Royale. Pati tuloy galit ko ay naibuntong ko sa driver. Nainis tuloy ako sa sarili ko dahil do'n.
Nagdidilim ang mundo ko sa galit na kahit 'yung mga kaclose kong katrabaho sa Cygnus na bumabati sa akin ay hindi ko nagawang batiin. Dire-diretso ako sa ground at nag-order ng hard drink.
"Hey, Valerie! Easy lang," saway ni Jiroh nang mapansin ako. Katabi ko lang pala ito at hindi ko napansin buti nalang ay napalingon siya sa direksyon ko. "Ang aga mo naman, a. Hinatid ka ni Jun?"
Ayan na naman ang pangalan na 'yan. Napahigpit ang hawak ko sa baso at hindi makaisip ng maisasagot kay Jiroh.
"Valerie," tawag nito ulit sa pangalan ko kaya inis na napalingon ako rito. Kanina pa nito ako kinukulit pero hindi ko pinapansin. "May problema ka ba? Sabihin mo sa 'kin para matulungan kita."
Bago pa man ako makapagsalita nauna na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
SNIPER
"Bro, aalis na kami." Napadilat ako ng marinig ang sinabi ni Liam. Nang maidilat ko ang mga mata ko nakita ko na itong nakabihis at kaakbay ang mapapangasawa nitong si Ate Veronica.
"Hey, ingat," sambit ko. Nagkaroon ng inuman sa condo ko dahil nabalitaan kong buntis si Ate Veronica kaya inimbitahan ko itong magstay muna sa condo ko na malapit sa airport para hindi sila magmadali sa pag-alis.
"We'll be back, Sniper. Ingat ka rin sa mga mission mo." Napatango ako sa sinabi ni Ate Veronica. She's a trainee of SMU at si Liam naman ay nakilala niya sa isang mission. They fall inlove to each other then here's their story together na magkakaroon na sila ng anak.
"Enjoy, Ate Veronica. Kapag matatanggal ulit ang sintas ng sapatos mo tawagin mo lang si Liam, on the way kaagad 'yan." Tumawa ito sa sinabi ko gano'n din si Liam.
BINABASA MO ANG
Sniper (Completed)
Ficção AdolescenteAn anonymous guy working under Special Mission Unit or SMU. No one knows what his real name even his partner. And He is back again after his past mission and been assigned to another assignment; to protect another gem with his partner Bullet, a pro...