Chapter 18

492 29 9
                                    

SNIPER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SNIPER

Pagkatapak na pagkatapak ko sa lupa bumungad sa akin ang malakas na hangin ng gabi. Tinanaw ko ang bintana ng apartment ni Valerie at napansin na wala man lang itong iniwan na ilaw na bukas kaya mukhang tulog na ito.

Maaga akong umalis kaninang umaga dahil kinuha ko pa sa Headquarters ang gamit ko at tinulungan naman ako ni Levi para maibalik ang papers ko sa University. Buti nalang nasa akin ibinigay ng may ari ng apartment ang duplicate key ng apartment ni Valerie kaya makakapasok ako ng hindi ito ginigising.

Pagkapasok ko sa apartment ay napakunot ako ng makita ang liwanag sa kwarto ni Valerie na nakaawang ng kaunti ang pintuan nito kaya naibagsak ko ang bag ko na dala sa sofa at mabilis na tinungo ang kwarto nito. Binuksan ko ito at napakapit ng mahigpit nang makita na walang natutulog dito.

Mabilis kong itinipa ang number ni Levi sa phone para tawagin ito pero napatigil ako ng mahagip ng mata ko sang isang larawan na nakadikit sa pader ng kwarto ni Valerie. Humakbang pa ako palapit dito at nanlaki ang mata ng makitang ako ang nasa picture.

Biglang naalala ko ang unang pagkikita namin ni Valerie bilang Sniper at naalala ko ang tinawag niya sa akin. Mr. Knight. Pero ang nakakapagtaka saan niya nakuha ang ganitong letrato?

"Miss mo na agad ako, Sniper. Ba't biglaan ang pagtawag mo?" rinig kong pagsagot ni Levi sa call ko pero sasagot na ako ng marinig ang isang malakas na hilik na nanggagaling sa kabilang kwarto, ang kwarto ko.

Hindi na ako nakasagot at biglaang pinatay ang tawag.

Maingat akong humakbang palapit sa pinto at binuksan ang pinto at doon nakahinga ako ng makitang natutulog si Valerie sa higaan ko pero ang nakakapagtaka bakit sa kwarto ko? Lasing pa rin ba ito?

Lumapit ako dito at sinarado ang bukas na bintana at binuksan ang fan para hindi ito mainitan. Inayos ko rin ang kumot nito at napatigil nang makita ang maamong mukha ni Valerie. Inayos ko ang buhok nitong tumatabon sa mukha at napailing nalang sa naisip at tumayo ng tuwid.

"This isn't the right time for everything, Valerie. Medyo matatagalan pa ako na mahanap ang Mama mo," bulong ko at sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko ulit ang natutulog nitong mukha at ngumiti. "Sweet dream."

VALERIE

"Hmm... hm-ouch!" daing ko nang bumagsak ang katawan ko sa sahig matapos umikot sa higaan na panlalaki ang amoy. "Aww!"

Nang maidilat ko na ang mata ko na tanging liwanag lang ng araw ang nagbibigay liwanag nakita ko na sa ibang kwarto ako nakatulog. Sapu-sapo ko ang pwetan ko nang lumabas sa kwarto ni Jun at napanguso nang makita na wala ring natutulog na Jun sa kwarto ko kaya ibig sabihin hindi pa rin siya bumabalik.

"Morning."

Nanlaki ang mata ko sa narinig at lumingon sa ibaba ng hagdan kung saan nakita ko ang nakasandong si Jun at nakasuot ng jeans na sinamahan ng apron kaya mukhang may ginagawa ito sa kusina. Nang wala akong naitugon ay naglakad na ito patungo sa kusina at halos magkandarapa ako sa pagbaba ng hagdan at silipin ang pagkain na hinanda sa lamesa.

Sniper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon