Chapter 5

657 25 1
                                    

VALERIE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

VALERIE

Nagising ako sa patuloy na pagdoorbell sa apartment ko at napagtanto ko rin na nakatulog ako sa lamesa habang ginagawa ang mga project ko na mukhang natapos ko na rin.

Agad akong tumayo at pagewang-gewang na lumabas ng kwarto at bumaba ng hakdan para alamin kung sino ang nanggulo sa mahimbing kong pagtulog.

"Sino 'yan?" sigaw kong tanong at binuksan ang pinto. Napanguso naman ako ng makita na wala man lang tao sa labas at mukhang pinagti-tripan na naman ako ng mga bata kaya isasara ko na ang pinto ng may humarang na paa rito na ikinagulat ko.

"Good morning, Miss Madison."

Nanlaki ang mata ko ng bumungad sa akin ang preskong si Juniper sa harap ko.

"Anong ginagawa mo rito? Pa'no mo nalaman ang apart-"

"Shhh," pagpapatahimik nito sa akin at timingin sa suot nitong wristwatch. "You only have 20 minutes left and I'm here to drive you to school. It's my fault why you didn't bring your motor and I don't want you to get late so 20 minutes."

"Pumasok ka nalang at antayin mo ako rito. Maliligo lang ako," mabilis kong saad at lakad-takbong tinungo ang kwarto ko para hanapin ang uniform ko at ilipit ang gamit ko at ilagay sa bag. Matapos kong gawin 'yun ay nagmamadali akong pumunta ng cr para maligo. Muntik na tuloy akong madulas sa loob ng cr buti nalang ay nakahawak agad ako.

Hindi na ako nagtagal sa cr dahil may taong nag-aantay sa akin sa labas. Nang matapos ako magbihis ay kumuha muna ako ng sweater sa closet ko bago bumaba dahil napakalamig ng classroom namin.

"Let's go?" tanong ko nang makita ko si Jun na tulalang nakaupo sa sofa. Nang maramdaman naman nito ang presensya ko ay tumayo na ito at naunang lumabas sa apartment. Hindi ko na sasayangin ang aportunity kong matipid ang pera ko sa simpleng sakay sa sasakyan ng lalaking 'to. Tutal magkaklase naman kami at kung may masamang balak naman ito sa akin dapat una palang ginawa na niya ang balak niya nung sumama ako sa cab niya.

Nakalock na ang pinto ng apartment ko nang lumabas at lalakad na ako nang may humila sa 'kin sa likod at hinarap ako nito. Wala itong sinabi at inayos ang collar ng suot ko. Nang matapos siya ay nauna na siyang bumaba at sumunod naman ako.

"Hindi mo na dapat ginawa 'yun," sagot ko at kinuha sa kanya ang extra na helmet na inabot nito.

"'Yung alin?" takhang tanong nito na parang nagkaroon ng amnesia at kinalimutan ang ginawa nito kanina.

Napairap nalang ako. "Wala, kalimutan mo na," sagot ko at sumakay na sa likod ng sasakyan at nagdadalawang-isip kung saan ako hahawak, sa balikat ba o sa baywang?

Sniper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon