Chapter 26

197 8 8
                                    

SNIPER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SNIPER

Country: California, Los Angeles
Location: Miller Hotel

"For Mr. Levi Stanford hotel number 320." Nagtinginan kami ni Levi pero nagkibit-balikat ito na hindi inaasahan na sasabihin iyon ng babae na nag-a-assist sa mga magche-check-in.

Nang maibigay ang susi kaagad kami nagtungo sa elevator papuntang last floor. Dulong kwarto pa ang sa amin at mukhang VIP 'to.

Alam kaya ni Jiroh na kasama ko si Levi papunta sa hotel nito?

Nang malapit na kami biglang tumunog ang phone ni Levi. Nang itutok niya ito sa room 319 naggreen ang screen nito na ang ibig sabihin ay nakita na namin ang target.

"Her phone is inside so meaning nandito talaga siya," sambit ni Levi at pag-angat ko ng tingin ay tanging magkabilang dulo lang ang CCTV.

"Alam ko na ang sasabihin mo." Umiling ito sa akin matapos sundan nito kung ano ang tinitignan ko. "You're tired, Jun. Pumasok na muna tayo at ako bahala magbantay sa kanya sa CCTV," sambit ni Levi sa akin at tinap ako sa braso. Binuksan na nito ang pinto ng room at ipinasok ang dala naming bagahe at pumasok na rin ako bago matagal na titigan ang room ni Valerie.

-AFTER 3 DAYS-

Kasama ko si Levi, lumabas kami ng hotel ng mas maaga. Ganitong oras alam naming hindi pa gising si Valerie. It's already 3 AM at lumabas kami dahil may pupuntahan. Aabutin ng isang oras ang byahe namin dahil may bibisitahin kami.

"Would she like this?" tanong ni Levi nang ituro ang binayaran nitong bouquet na iba't ibang bulaklak ang nakalagay. A smile plastered on my face and nod my head.

Hindi rin nagtagal ay umalis na kami sa flower shop at dahil nag-arkila ng kotse si Levi, kotse ang gamit namin papunta sa lugar na gusto kong puntahan. Ako ang nagmamaneho habang si Levi ay nakatanaw sa labas ng bintana.

"Tatlong araw na, Sniper. Wala ka pa rin bang balak na lapitan at kausapin siya para bumalik sa Pilipinas?" Levi asked out of know where. Nanatili itong nakadungaw sa bintana at sinasalubong ang malamig na hangin ng California.

Napabuga ako sa hangin. "She needs time atsaka buong buhay niya lagi itong sinasakal ng oras, hayaan natin siyang magpahinga at mag-enjoy kahit ngayong linggo lang," sagot ko at hindi magawang tignan si Levi dahil nakafocus ako sa pagmamaneho.

Dahil hindi traffic ngayong umaga nakarating kami sa destinasyon namin na maaga pa sa isang oras na byaheng inaasahan ko. Nang naipark ko na ang sasakyan kaagad akong bumaba at kinuha ang bouquet sa shotgun seat habang si Levi naman ay nagbigay ng sign na hanggang ngayon ay tulog pa rin ito at hindi pa siya nakakalabas ng hotel.

Tumango ako at sinenyasan naman itong mauna na kami sa loob. Nandito kami sa cemetery at hahanapin ko ang kinuha kong space para sa kapatid ko na hanggang ngayon ay wala pang laman ang loob ng isang urn at tanging picture lang nito ang nando'n at mga medal nito sa school.

Sniper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon