VALERIE
"Ate Rie, what's the answer for this?" tanong ni Xyra sa 'kin at tinuro ang question na ibinigay ko sa kanya.
Napangiti naman ako at disappointed na tumingin kay Xyra. "Tinuro ko na kung pa'no pero nakatutok ka sa tablet mo. Papagalitan ka talaga ng Kuya mo kapag hindi mo natutunan 'yang simpleng tanong na 'yan," sagot ko at nagulat ng paiyak na ito kaya napa-bungtonghininga ako at tinap ang likod nito.
"Xyra, hindi mo naman pwedeng pilitin ang sarili mo na magpatutor kung hindi mo kaya. Pero kung may katanungan ka message mo lang ako o tawagan mo 'ko, okay?" tanong ko at ngumiti naman ito at niyakap ako.
Nakarinig ako ng pagbukas at sarado ng pinto kaya kumalas agad.kami ng yakap at tumingin sa pintuan kung saan pumasok si Joaquin na nakangiting lumapit sa 'min.
"Akala ko nagloloko ka lang," sambit nito na ikinairap ko. May deal kasi kaming ngayong araw at bilang kapalit ng ginawa ko may hihiramin ako sa kanya na kailangan ko ring ibalik sa susunod na araw.
"Nasa dugo ko ang hindi pwedeng basagin ang bagay na ipinangako ko," sagot ko at tumayo na para ligpitin ang gamit ko at mag-iwan ng guide book para sa mga question na iniwan ko kay Xyra.
"It's a guide book. You can fine how did I get the answer for that question. That's yours now," sambit ko at nagsalita naman ng Thank you si Xyra sa akin na pabulong at tumango naman ako.
"So Mr. Joaquin Miller," sambit ko naman at humarap kay Waky na tatawa-tawang pumunta sa iaang computer table at kinuha ang susi na hinahanap ko at hinagis sa akin na agad ko naman nasalo.
"H'wag kang mag-alala ibabalik ko rin ng maaga ang motor na pinakamamahal mo. Babalik ulit ako bukas dito para turuan si Xyra at maibalik na ang motor," paliwanag ko at may kinuha sa bag ko na agad kong hinagis kay Waky na agad nitong nasalo.
"What's this?" tanong nito.
"A Book," sagot ko at nang bigyan ako ng masamang tingin ni Waky ay natawa ako at sinenyasan itong italikod ang libro na agad nitong ginawa.
May sticky note ito nakita at binasa ito. Dahil alam kong mahilig ito sa libro ay bumili na ako ng libro na matagal na nitong nilista sa bucket list at bayad ko na rin para sa pagpapahiram ng motor niya.
"Thanks for this. May pirma pa talaga ng author ah," sambit nito na hindi mapigilan na matuwa dahil nakasulat doon ang pangalan niya na hiniling ko sa author na isulat.
"You only have 5 minutes, Ate Rie. Magsisimula na klase mo," rinig kong banggit ni Xyra na naglalaro ng games sa tablet nito. Natawa naman si Waky at sinenyasan ako na umalis na. Sa sobrang taranta ko hindi na ako nakapagpaalam at mabilis na umalis sa bahay nito.
BINABASA MO ANG
Sniper (Completed)
Teen FictionAn anonymous guy working under Special Mission Unit or SMU. No one knows what his real name even his partner. And He is back again after his past mission and been assigned to another assignment; to protect another gem with his partner Bullet, a pro...