Chapter 21

157 9 7
                                    

VALERIE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

VALERIE

Three. Two. One.

"Valerie, lalamig na breakfast mo!" sigaw ni Jun mula sa kusina. See? Kahit walang pasok ginigising ako nito at halos araw-araw siyang nagluluto ng breakfast sa amin. Kapag gumising naman ako ng napakaaga naabutan ko itong gising kaya kunware nalang ako nag-CR at bumalik ng tulog. Pero ang pinakamasarap kapag siya ang nagluluto iba-ibang breakfast ang handa nito. Para tuloy kaming mag-asawa dahil sa ginagawa niya.

Naligo na ako lahat-lahat at inaantay ko lang talaga ang paggising ni Jun sa akin. Bakit? Trip ko lang. Nahihiya akong lumabas matapos nang nangyari kagabi. Hindi ako nakapasok ng Cygnus dahil pumunta kami ng tuktok ng building at pinanood ang fireworks na nangyari sa hindi kalayuan.

"Tandaan mo na kapag kailangan mo ng taong tutulong sa 'yo, ako ang una mong hahanapin."

Napailing ako at mahinang sinampal ang sarili ko para makalimutan ko ang sinabi ni Jun.

Nang makakuha na ako ng lakas ay tuluyan na akong lumabas at napatalon pa ako sa gulat nang makita si Jun na kakatok palang ng pinto ng kwarto ko.

"You're wearing my shirt?" tanong nito at bumaba naman ang tingin ko sa suot ko at napakagat ng ibabang labi. Kaya pala hindi ko maalala kung saan ko nakuha ang shirt na ito dahil ito pala 'yung binigay sa akin ni Jun nang malunod ako sa pool nakaraang buwan. Hindi ko na naibalik sa sobrang busy.

"Balik ko nalang sa 'yo bukas, lalabhan ko nalang pagkatapos," sagot ko at nilagpasan ito pero bago ako tuluyang makababa sa hagdan narinig ko ang sagot nito.

"No need, bagay naman sa 'yo," sagot nito kaya napahawak ako ng pisngi ko dahil mukhang umakyat ang lahat ng dugo ko sa pisngi ko. Once in a blue moon lang 'yang mga papuring salita ni Jun pero iba ang dating sa akin. Buti nalang at nakatalikod ako kaya hindi ako napansin ni Jun.

"Para na tuloy kitang asawa niyan kasi lagi mo akong nilulutuan ng breakfast," sagot ko nang maramdaman ang presensya sa likod ko at dahil walang sumagot ay tumalikod ako at napatigil nang magtama ang tingin namin ng isang babae. Tinaasan ako nito ng kilay at napaangat ang tingin kay Jun na kakababa lang ng hagdan.

"What is she doing here and why are you wearing a guy's shirt?" tanong nito at binigyan ako ng masamang tingin.

Siya na siguro ang girlfriend ni Jun. Kung ikukumpara ako sa kanya lamang siya ng ganda sa akin dahil halatang may fashion ito sa sarili at may kaya lalo na ang suot nitong damit ay mamahalin at mamahaling brand pa ang dala nitong phone. Kahit siguro hindi ito magsuot ng make-up maganda na ito.

Nakaramdam ako ng kirot nang nginitian nito sa Jun. Parang baliw naman itong puso ko, ba't kumikirot?

"Khim, bakit ka nandito at paano mo nalaman na nandito ako nakatira?" tanong ni Jun sa nagngangalang Khim. Kahit siguro anong pangalan bagay na bagay sa kaniya.

Sniper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon