LOUIE'S POV
1 WEEK LATER
Linggo ngayon kaya nandito ako sa bahay gumagawa ng report para bukas, mukhang wala akong aasahan sa mga kagrupo ko. Ayoko namang madamay sa katamaran nila kaya ako na lang ang gagawa, bahala sila bukas. 😠😈
Habang nakatutok ako sa laptop, biglang dumating si Nathan galing school.
"Hey, lil' bro! Musta school?" Grade 4 na kasi si Nathan at Grade 11 naman ako (okay, share ko lang).
"Okay lang naman, Ate. Ikaw, kamusta school mo? Maganda ba? Anong hitsura? Malaki ba? Kamusta naman mga kaklase mo? Mababait ba sila sayo? Magaganda ba mga gamit nila?" mahabang litanya naman ng kapatid ko.
"Hindi naman halatang interesado ka sa school ko, diba?" sabi ko sabay ngisi sa kanya. Obvious naman kasi sakanya na gusto niya ring mag-aral dun. Nakita ko ngang nag-twinkle yung mata niya habang nagtatanong eh.
"Well, hindi naman maganda...sobrang ganda! Pero hindi ko pa nalilibot yung buong school eh, sobrang laki kasi. Tapos ang sasarap ng pagkain, pero ang mamahal naman!" naaawa ako sa kapatid ko. Kitang kita sa mga mata niya ang kagustuhang mag-aral doon kaya puro kwento na lang ang maibibigay ko sa kanya.
"Eh may kaibigan ka na ba dun, Ate?" kaibigan? Ah! Si...si...shemay! Nakalimutan ko pa pangalan nun! Naalala ko tuloy kanina, nung tinanong niya ko na pwede ba kami maging magkaibigan. Sa totoo lang, nagulat ako sa tanong niyang yun, weird nga siya, pero nakakatuwa siya. 😀😊
"Uyy, si Ate, nakangiti! May crush ka na, noh?" tukso niya sakin habang tinutusok ang tagiliran ko.
"Sira! Anong crush ka dyan? Kaibigan ko lang yun!" Sira talaga to. Si...si...basta siya! Crush ko?! Hindi naman sa hindi ko siya type pero...hindi ko siya type. 😒
Mga ilang minuto pa kaming nag-usap ni Nathan at tinulungan ko na siya sa assignment niya.
10:37 p.m na at wala parin si Mama. Naglalako kasi siya ng mga penoy at balot sa gabi at sa umaga naman ay nasa palengke siya, nagtitinda ng mga gulay.
Hindi ko alam kung pano niya nagagawa lahat ng yun. Kaya bilib na bilib ako sa kanya. Kung papipiliin man ako ng nanay, si Mama parin ang pipiliin ko kahit na mahirap ang buhay namin.
11:20 p.m na, medyo inaantok na rin ako pero hindi pa tapos tong bwisit na report na to.
Pinipilit kong dumilat pero parang ang bigat na ng talukap ng mata ko at gusto ng pumikit. Hanggang sa unti-unti nang pumipikit ang mga mata ko.
Nagising ako sa mga kaluskos na naririnig ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa lamesa at...at...boom! Hindi pa tapos ang report ko!
Bigla naman akong napa-upo ng ayos at nag-type. Tignan ko muna yung oras at...boom! 6:28 a.m na! Dapat kanina pa ko naligo! 7:00 a.m ang pasok ko! Hindi ko na alam ang gagwin ko!
Nagmamadali akong nag-type nang mapansin ako ni Mama. "oh, anak. Ba't di ka pa naliligo? 6:30 na ah"
"Eto na po" sa school ko na lang to tatapusin. After ng recess pa naman to eh.
Naligo na lang ako at nagbihis na. Habang nililigpit ang gamit ko ay kinausap ko si Mama.
"Ma, anong oras ka na nakauwi kagabi?" kagabi o kanina? "ahh, mga 12:00 na, anak" 12:00?! Masyado na atang gabi yun?
"12:00?! Tapos ang aga niyong nagising?! Pagkatapos mo kaming asikasuhin, pupunta ka na ng palengke. Magpahinga ka kaya muna, Ma?" ayoko namang may mangyaring hindi maganda sa kanya. Siya na lang ang meron kami ni Nathan, hindi ko na alam kung san kami pupulutin kapag nagkasakit pa siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/77027746-288-k368344.jpg)
BINABASA MO ANG
Paid to love you
Teen FictionSi Louie ang tipo ng babae na puno ng pangarap. Lahat gagawin niya para matupad ang mga yun. Hanggang sa umabot sa puntong binayaran siya para mapaibig ang isang Neo Salvador, cold-hearted, hard-headed, hot-tempered womanizer at saktan sa huli. Maga...