CHAPTER 15: Harana

5 3 0
                                    

LOUIE'S POV

"Hey Trish, did you see what's posted on the bulletin board?" umagang-umaga chumi-chika na naman tong mga babaeng to!

Nandito ako ngayon sa may bench para sana makapag-pahinga saglit. Napuyat kasi ako sa pinapagawa ni Mr. Martinez, kala mo siya lang yung teacher namin! Tapos pag siya nabi-beastmode, okay lang! Pero kapag kami hindi?! Asan ang hustisya?!

"Nope. What is it?" -girl2. Pumikit na lang ako para sana umidlip kahit konti. Antok na antok na talaga ako.

"Someone confesses to that Louie Natividad" O.O nagising ako dun ah!

"Louie what?!" ako ba yun?! Bakit ako? Wala namang nagco-confess sakin ngayon ah!

"I don't know and I don't care! She's just a nobody! Nakakapagtaka ngang may nagkakagusto sa mga losers eh." huwaw! Wala daw siyang pakealam pero pinagkukwentuhan nila ako. Galing eh noh?...ako ba talag yun?

"Well, I must admit, losers are for losers. If I know, loser din ang nag-confess sa kanya!"

"Yeah, right!" gggrrr! Nakakagigil na tong mga babaeng piluka na to ah! Anong gusto nila, away, gulo?! Away, gulo?! Pagbibigyan ko sila!

Nang malapit nang mag-time para sa first subject ko ay nilisan ko na ang bench at pumunta na lang sa classroom namin. Hindi ako nakatulog sa dalawang bruhildang yun ah! Pag ako talaga di nakapag-consentrate at nakatulog sa klase, ikukulot ko ang buhok nila sa ilong!

Habang naglalakad papunta sa classroom namin ay napansin ko ang pimagkakaguluhan nila sa may bulletin board. Oo nga pala, may nag-confess nga daw. Kaya lang ilang minuto na lang, time na. Eeehh! Saglit lang naman to eh! Gusto ko lang malaman kung ako talaga yung pinaguusapan ng dalawang bruhildang yun!

Nakipagsiksikan ako sa kanila para lang makita kung ako talaga. Pero laking gulat ko nang makita ang buong pangalan ko na binuo ng iba't ibang kulay at klase ng mga bulaklak sa bulletin board.

"Shocks! Ang lucky naman nung girl!"

"Sinabi mo pa!"

"Sana may gumawa din sakin niyan!" wow! I'm so flattered! 😳 Hindi naman sa nag-aassume ako pero parang siya lang ang gagawa nun. Ganito pala yung pakiramdam ng ganun.

"Uy, Louie! Ganda ng ngiti ah!"

"Ayyiiie! Ikaw ah! May hindi ka pala sinasabi samin ah!"

"Sino yun, Louie?" pang-aalaska ng mga kaklase ko sakin.

Naupo na lang ako sa pwesto ko at sina Leslie naman ang kumausap sakin. "Uy! Sino yun?! Ba't di mo sinabing nanliligaw na pala sayo si Neo?!" O.O natakpan ko ng wala sa oras ang bibig nitong si Leslie. Ang daldal naman! Agad niya namang tinaggal ang pagkakatakip ko sa kanya "Ang baho ng kamay mo!" arte nito.

"Ang ingay mo, baka may makarinig sayo" tinignan ko naman ang mga kaklase ko pero salamat naman at lahat sila ay busy na.

"Pakelam ko sa kanila!" taray talaga nito kahit kailan!

"Mind explaining something, Ms. Natividad?" tanong ni Lexie habang nakapamewang sa harap ko.

"Wala naman akong dapat na ipaliwanag ah" pagmamaang-maangan ko.

"Hala, ang arte! Hoy! Sabihin mo nga samin, itutuloy mo pa rin ba yang kay Neo?!" at sa pagkakataong ito ay napalingon na samin ang lahat. Hay! Ang sarap lang tahiin ni Leslie sa bibig!

"N-Neo! Ne-yo! Y-yung singer! O-oo! I-itutuloy ko parin ang pagpunta sa CONCERT niya!" buti nakahanap ako ng lusot. Bwisit talaga tong si Leslie.

"Concert?! He has a concert here?! When?! Where?!" isa pa tong si Lexie eh. Pag-untugin ko kaya tong dalawa!

Paid to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon