CHAPTER 10: Stick with the plan

4 3 0
                                    

LOUIE'S POV

Ilang araw na ang nakakalipas simula nung huling pagkikita namin ni Neo sa rooftop. Oo, aaminin ko, iniiwasan ko siya para na rin makapag-isip ako ng maayos. Pero na-realize ko, kailangan kong ituloy to. Kailangan kong mas mapalapit pa sa kanya. Wala akong pakealam kung magalit man siya sakin sa huli. Sana lang hindi ko to pagsisihan...sana.

Kasama ko ngayon sina Ethan, Lexie at Leslie sa cafeteria. Medyo komportable na kaming kasama si Leslie. Mabait naman siya kaya lang masungit minsan. Malapit lang ang table namin kina Neo. Madalas ay nagkakasabay kami ng tingin at ngumingiti siya sakin, ako na agad ang nag-iiwas ng tingin dahil baka sa isang ngiti niya lang ay biglang magbago ang isip ko.

"Guys, CR lang ako." paalam ko sa kanila sabay punta ng CR. Kanina pa kasi ako nagpipigil. Naji-jingle na talaga ako.

Pagkarating ko ng CR ay agad akong pumunta sa pinakahuling cubicle. May tao kasi dun sa iba.

Pagkalabas ko ng cubicle ay laking gulat ko nang makita ko si Neo ma nakasandal sa nakasaradong pinto at nakapamulsa. Anong ginagawa nito dito?!

"Anong ginagawa mo dito?! Pangbabae to ah! Pag nahuli tayo ditong dalawa baka kung anong isipin nila!"

Itinagilid niya lang ang ulo niya na parang pinag-aaralan ang mukha ko. "Are you avoiding me?"

"N-no..." I lied.

"You're not good at lying" hindi nga ba?

"I-I'm not...I just gave myself some time to think"

"To think what?" to think if I should still continue my plan...

"None of your business, playboy!" naka-ngising singhal ko sa kanya sabay irap. I need to lighten up the mood, medyo awkward na rin kasi.

"Oh, really, stubborn?" anong tinawag niya sakin? Stubborn?

"Anong stubborn?! Matigas ba ulo ko?!"

"The fact that you denied avoiding me is one of the reasons why do I call you stubborn." at lumapit siya sakin ng kaunti at sumandal naman sa may sink habang naka-pamulsa pa rin. -_-

"Tss, pag sinabi ko ba sayo, may mababago ba?" sorry, kailangan ko tong gawin...

"What?" nagtatakang tanong niya.

"Wala. Sige na, baka may makakita pa satin." lalabas na sana ako nang bigla niya kong hinila paharap sa kanya.

"Walang lalabas dito hangga't hindi mo sinasabi sakin kung bakit mo ko iniiwasan" ma-awtoridad niyang sabi.

"GUSTO KITA!!! Ayan, pwede na ba kong lumabas?" halatang hindi niya inaasahan amg sinabi ko. Medyo lumuwag na rin ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Huli na rin nang ma-realize ko ang sinabi ko. Putek! Dapat di pa ngayon yun! Shongabells...

Long silence...

"N-Neo, y-yung k-kamay ko" mahina kong usal. Tignan mo, pati ako nahiya sa sinabi ko. Galing ko kasi eh. -_-

Agad niya namang binitawan ang pagkakahawak sa kamay ko. Pagkabitaw niya ay agad na kong lumabas ng CR nang hindi siya nililingon. Lintek! Ngayon palang parang di ko na kaya...

ETHAN'S POV

M-magkasama sila? A-anong ginawa nila sa CR? Pagkalabas ni Louie ng CR ay lumabas na rin si Neo. Ano bang nangyari? Kaya ba parang ganun lang ang trato niya sakin...Hanggang kaibigan lang? Tss! Aasa pa ba ko?! Sa itsura kong to malamang hindi niya ko magugustuhan. Ano namang panama ko sa Neo na yun?

Mag-isa lang akong naglalakad papuntang classroom. Masakit. Sobrang sakit. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng sakit. Dapat matagal ko na tong pinaghandaan. Hindi kami bagay ni Louie, maganda siya at matalino, ano naman ako? Matalino lang?

"Ethan! Dito ka!" hindi ko na namalayan na nakapasok na pala ako ng classroom. Ganito pala talaga noh, pag nakita mo yung taong mahal mo na may kasamang iba, wala ka nang ibang mararamdaman kundi sakit...oo, tingin ko mahal ko na siya. Hindi naman ako masasaktan ng ganito kung hindi, diba?

Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Louie na tinuturo yung katabi niyang upuan. Nginitian ko lang siya at tumabi na sa kanya. Mukhang nahalata naman niya na pekeng ngiti lang ang binigay ko sa kanya dahil biglang kumunot ang noo niya.

"May problema?" oo, meron. Manhid ka, yun yung problema ko. Nandito na nga ako sa tabi mo, lumayo ka pa. "w-wala naman"

"Sigurado ka?" tanong niya ulit.

"S-san ka nga p-pala g-galing k-kanina" takte! Hanggang ngayon nauutal parin ako sayo!

"H-ha? A-ahh, sa l-locker room lang, o-oo, d-dun nga" locker room. Pero ang paalam niya samin kanina ay ji-jingle lang daw siya.

Hindi naman na ko kumibo pa at dumating na rin naman si Ms. Gabo. Tinignan ko siya mula sa peripheral vision ko, parang ang lalim ng iniisip niya. Ano kayang iniisip niya?...O baka sino?

NEO'S POV

D*mn! Nangyari ba talaga yun?! It's actually not my first time that someone confesses her feelings for me, but...D*mn again! Bakit ganito ang reaksyon ko?! Bakit ganito ang nararamdaman ko?!

"Bro! You okay?" untag sa akin ni Warren. "Yeah, just thinking something" abnormal na nga ata ako. Hindi naman ako ganito dati eh. Dapat nga sanay na ko na may umaamin sakin pero pakiramdam ko ito ang unang pagkakataon.

"Something...or someone?" asar naman sakin ni James. "None of your f*cking business, Xu!"

"Easy! Chill, dre. Chill! High blood ka agad eh. Nagjo-joke lang ako"

"Not a good joke -_-" I really don't know what's going on with me? Dati naman willing akong ikwento sa kanila lahat ang mga babaeng nagco-confess sakin pero ngayon parang gusto ko na lang sarilinin.

"Ang mabuti pa pumasok na lang tayo ngayon para may magawa naman tayong matino" Luke said.

Pumasok na lang kami and as usual nagulat sila nang makita kami. Well, I can't blame them, minsan lang talaga kami pumasok eh.

"Oh, mabuti naisipan niyong pumasok. Akala ko sa basketball lang kayo magaling eh." Mr. Yu said. Our math freak teacher.

Pumwesto kami sa likod at nagkanya-kanya na. Habang nagle-lecture si Mr. Yu ay hindi ko pa rin mapigilan na maisip yung nangyari kanina.

D*mn! Ano bang gagawin ko para mawala ka sa utak ko?! Argh!

Nag-heads down na lang ako para matulog at hindi na siya isipin.

LOUIE'S POV

Argh! Bakit ko ba sinabi yun?! Pati tuloy ako naba-bothered sa sinabi ko! Hindi pa dapat ngayon yun eh! Argh!

*Beep beep

Nagulat ako sa bumusina sa tabi ko. Pauwi na kasi ako pero hindi pa naman ganun kalayo mula sa school.

Nakita ko ang nakaparadang sasakyan ni Elisse. Inutusan niya kong pumasok kaya agad ko naman siyang sinunod.

"So, what's up?" bungad niya sakin.

"o-okay n-naman" hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Kalma lang, Louie. Itutuloy mo naman, diba?

"Anong 'okay naman'? Ano ng balita? Are you close with him now? Kayo na ba?" nagmamadali ba to? Baka akala niya madali ang pinagagawa niya?

"Hindi naman ganun kadali yun. Pero tingin ko medyo close na rin kami, nakapag-open up na rin naman siya sakin" totoo yun. Tingin ko nga nakuha ko na yung tiwala niya kahit na sandali pa lamang kami magkakilala.

"That's good. Just keep doing your job well. Alam ko namang magagawa mo ang pinagagawa ko sayo." nakangiting sabi niya. Sana nga, magawa ko...

"Hmm, sige, gabi na rin eh. Una na ko" paalam ko sa kanya.

"Okay. Ingat ka. Thanks anyway" hmm, maganda naman siya. Bakit di na lang kaya siya ang gumawa, malamang magugustuhan agad siya ni Neo.

"Ikaw din. Salamat din" at lumabas na ko ng sasakyan niya. Hinintay ko munang mawala ang kotse niya sa paningin ko bago ulit ako maglakad palayo.

"Louie?" napalingon ako sa tumawag sa kin.

O.O...

A-anong ginagawa n-niya dito?...

Paid to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon