LOUIE'S POV
Sobrang bilis tumakbo ng oras. Hindi ko nga namalayan na 5th monthsary na pala namin ni Neo.
Nandito ako sa may tapat ng 7-11 hinihintay yung lalakeng yun. Nasabi ko na bang mabilis tumakbo ang oras? Sa sobrang bilis, hindi ko namalayang 30 minutes na pala akong naghihintay dito. I swear, pag ako inindyan nun, bukas makakapatay ako ng gwapong playboy jerk.
Ilang minuto pa ulit ang lumipas nang isang hiace ang tumigil sa harap ko. Bigla akong napatayo nang lumabas ang dalawang lalaki na naka-maskara. Sinubukan kong mag-pumiglas pero sadyang mas malalakas sila.
"Sino kayo?! San niyo ko dadalin?!" tanong ko ng puwersahan nila akong ipinasok sa hiace.
"Hoy! Kinakausap ko kayo! San niyo ba ko dadalin?! Kapag tinatanong kayo, sumagot kayo! Hindi ba kayo naturuan ng mga magulang niyo ng tamang asal?! Alin ba ang wala kayo, tenga o bibig?! Alam niyo bang--!"
"ALAM MO BANG KAPAG HINDI KA TUMIGIL, MAY MASAMANG MANGYAYARI SAYO?!"
"Sabi ko nga tatahimik na ko, hmm" sabay akto ko na tila zipper ang bibig ko.
Umakto ulit ako na binuksan ang zipper at humirit ng isa pang tanong "di nga, san niyo talaga ako dadalin?" tinignan naman nila ang ng masama, pati yung tao sa passenger seat, tumingin rin. Sinara ko na ulit ang 'zipper' at nanahimik na lang. Shatap na ko, promise!
"Hoy, gising!" naramdaman ko na lang na may tumutusok na stick sa kanang braso ko. Pagmulat ko ng mata, nakita kong ginigising ako ng katabi kong kidnapper gamit ang isang...stick?! Diring-diri ba to sakin? Anong feeling niya, may virus ako?! Huwaw lang ah! Kung alam ko lang, mas makinis pa yung tuhod ko kesa sa mukha niya!
"Oo! Gising na ko!" singhal ko sa kanya.
"We're here" sabi ng isang kidnapper. Lima pala sila. Ngayon ko lang napansin.
"Woah, tol! Nagsalita ka ba?!" sabi naman ng kidnapper na nagda-drive kanina.
"Dapat pala ni-record ko yun eh. Buti naman naisipan mong magsalita, tol. Kala ko pipi ka eh"
"Ano? Wala na kayong balak bumaba? Dito na lang tayo?" sabi nung lalake sa passenger seat.
"Sorry naman, tol. Atat masyado?"
Binuksan ng isang kidnapper ang pinto at pinababa ako. Nandito kami sa isang madilim at bakanteng gusali. Pagkaapak na pagkaapak ko pa lang saka ko lang naramdaman ang kakaibang kaba na dapat kanina ko pa naramdanan. Ewan ko ba, pero hindi talaga ako nakaramdam ng kaba kanina sa sasakyan.
"Diretso lang" sabi ng lalaki sa likod ko. Sa totoo lang, wala akong makita ngayon dahil nakatakip ang mata ko. Pano ko nalaman kung nasan kami? Narinig ko kasing nag-uusup yung dalawang lalaking kumuha sakin.
Kidnapper 1: Tol, ba't ang dilim?
Kidnapper 2: Tss, kahit kailan ka talaga, napaka-bobo mo, eto lang hindi mo alam?! Bakit madilim?! Tss, kasi hindi maliwanag! Bobo!
Kidnapper 1: Oo nga noh? Galing mo, tol. Di ko naisip yun.
Kidnapper 2: Malamang, di mo maiisip yun, wala ka namang isip eh.
Kidnapper 3: Hoy, ano pang hinihintay niyo? Tara na!
Kidnapper 1: Tol, ayokong pumasok.
Kidnapper 2: Bakit?
Kidnapper 1: Mukha kasi siyang abandunadong building.
Kidnapper 2: Wag kang tanga! Hindi to abandunadong building, wala pa lang may ari!
Oh diba? Ang talino mag-usap! Narinig ko na lang na nag-paalam ang iba at parang umalis na.
"Maupo ka" ma-awtoridad niyang sabi kaya napa-upo na lang ako.
Tinanggal niya ang naka-piring sa mata ko pero wala pa rin akong makita. Madilim nga talaga.
"Hoy, san niyo ba ko dinala?" tanong ko sa kidnapper na naiwan sakin.
Ba't ayaw ba nitong sumagot? "Huy, kuya! San niyo ba ko dinala?" ulit ko sa tanong ko. Aba't ayaw akong kausapin?
Bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla kong marinig ang isang boses na kanina ko pa hinahanap.
Biglang nagbukas ang mga christmas light at nakita ko sa pinakasulok ng kwartong ito ang lalaking nagpapatibok ng puso ko, ang lalaking pinakamamahal ko.
🎵I remeber what you wore on the first day
You came into my life and I thought 'hey you know this could be something'🎵
Hindi ko na lamang pinansin ang mga luhang nagbabadyang bumagsak mula sa mga mata ko habang naglalakad siya palapit sa akin.
🎵'Cause everything you do and words you say
You know that it all takes my breathe away and now I'm left with nothing🎵
Nang makalapit na siya ay hinawakan niya ang kamay ko at diretsong nakatingin sa mga mata ko. Mga matang nagsisilbing bibig na nagsasabi kung gaano ko siya ka-mahal.
🎵So maybe it's true
That I can't live without you
Maybe two is better than one
But there's so much time
To figure out the rest of my life
And you've already got me coming undone
And I'm thinking two is better than one🎵
Pakiramdam ko babagsak na ang mga luha ko kaya yumuko na lamang ako. Hinawakan niya naman ang chin ko at inangat ang ulo ko. Mas lalo niya pa kong tinitigan ngayon.
"Ano ba yan! Balak mo ba kong tunawin?!" singhal ko sa kanya.
"Tsk. Don't move. I'm trying to concentrate here."
"Concentrate? Saan?"
"Sa pagkabisado sa mukha mo. Para kapag namatay tayo, hahanapin kita sa pangalawa nating buhay" pakiramdam ko, umakyat lahat ng dugo sa mukha ko.
"Eh pano kapag iba na itsura ko? Mahahanap mo pa kaya ako?"
"If that happens, I'll let my heart decides kasi ikaw lang naman nagpapatibok nito" promise, wala na talaga akong dugo sa lower body ko. Napunta na lahat sa mukha ko.
"Eh pano kapag naging lalake ako?"
"Edi magbabakla ako para sayo" pinilit kong itago ang ngiti ko sa sobrang kilig.
"Eh pano kung hindi na tayo ang itinakada para sa isa't isa?" sa tanong kong yun, mas lalo niyang nilapit ang mukha niya sakin. 5 buwan na ang nakalipas pero ganun parin ang epekto niya sakin, mas lumakas pa ata.
"Edi tatakutin ko si kupido, panain niya lang tayong dalawa" sa pagkakataong ito, hindi ko na talaga mapigilan ang ngiting kanina ko pa gustong ipakita.
"Always remember this, mahal kita hindi dahil sa itsura mo o sa ugali mo. Mahal kita kasi ikaw si Louie Natividad." I feel so happy. I feel so contented. I feel so satisfied. But I know I shouldn't
And the last thing I knew...We were kissing. Not because of desire, but because of our love for each other.
BINABASA MO ANG
Paid to love you
Teen FictionSi Louie ang tipo ng babae na puno ng pangarap. Lahat gagawin niya para matupad ang mga yun. Hanggang sa umabot sa puntong binayaran siya para mapaibig ang isang Neo Salvador, cold-hearted, hard-headed, hot-tempered womanizer at saktan sa huli. Maga...
