CHAPTER 17: Night and shining armor

12 3 0
                                    

LOUIE'S POV

Hindi ako nakatulog kagabi nang dahil sa nangyari kahapon. Bwisit! Bakit ko ba kasi iniisip yun?! Kumakaway tuloy eyebags ko ngayon!

"Hi, Louie"

"Hello, Louie"

Kilala nila ako? Aba! Famous na pala ako ngayon! Kaya lang ang pa-plastik ng tao, eh parang nung isang araw lang kung makapanglait at makapanghusga sila kala mo sila lang ang anak ng Diyos! Hmp! Sarap nilang pagdu-dunggulin!

"Uy! Nandyan na si Louie!"

"Louie, dito ka na!"

Pati ba naman dito sa classroom?! Ayoko ng ganito! Hindi ko na alam kung sino pa ang totoo sakin. Baka mamaya, nakangiti sa harap ko tapos gusto na pala akong sumpain.

"Ah, hindi na. Dun na lang ako" at dumiretso na lang ako sa upuan sa tabi ni Ethan.

"H-hi" bati niya sakin at nginitian ko naman siya pabalik.

Hindi naman kami ganung nagkausap ni Ethan dahil parehas lang kaming nakinig ng discussion.

Madalas naman ganito lang kami, pero bakit parang may mali? Parang iba yung pagkatahimik niya? May nangyari kaya?

Nang mag-bell na ay hindi na ko nagsayang pa ng oras para makausap siya. Alam kong may mali, at ayoko ng ganito.

ETHAN'S POV

Palabas na sana ako ng classroom nang bigla akong harangin ni Louie.

"Ethan, pwede ba tayong mag-usap?" ano namang pag-uusapan namin?

Sa totoo lang, balak ko sanang iwasan na si Louie. Ito na lang kasi ang paraan para mabawasan yung sakit na nararamdaman ko.

Masakit para saking makita silang magkasama, pero kung yun talaga ang makapagpapaligaya sa kanya, titiisin ko na lang ang sakit para makita siyang masaya.

"May problema ba? Parang may iba kasi sayo eh." napayuko lang ako sa tanong niya.

"Uy, Ethan, magsalita ka naman oh. Ayoko ng ganyan ka. Kala mo! Ang bigat kaya sa pakiramdam ng wala kang sinasabi sakin! Ikaw na lang ang kaibigan ko, ayokong pati tayo magkagalit" kaibigan. Dapat ba kong matuwa dahil MAGKAIBIGAN kami...o dapat akong malungkot dahil alam kong hanggang dun lang kami?

"H-hindi kita i-iiwan. K-kahit a-anong m-mangyari"

LOUIE'S POV

Ngayon na yung first day namin sa club. Mabuti nga't hindi ako nagkamali sa pagpili.

Maaga kami idinismis dahil wala pa naman daw gagawin dahil nga opening pa lang ng mga clubs. Ewan ko ba, dapat nga may ginagawa kami kasi nga first day!

Nandito ako ngayon sa cafeteria dahil wala naman akong ibang pupuntahan, may klase pa kasi sina Ethan, pati si Neo. Bigla ko tuloy na-miss sina Leslie at Lexie.

Napaigtad ako sa gulat nang may kumalampag sa lamesa ko. Teka, ito yung mga babaeng pinag-usapan ako sa bleachers ah! Ano na naman kaya ang problema ng mga to?

"You little rat!" tss, napairap lang ako sa tawag nila sakin. Itong mukhang to, mukhang daga?! Aba, eh ano pa sila?!

"Neo doesn't deserve you! Hindi kayo bagay!" sabi nung babaeng tinawag akong daga.

"Yeah, right. Hindi nga namin alam why Neo likes you eh. You look like a bubwit naman!" aba, sumosobra na tong mga lintang to ah!

Binitawan ko ang hawak kong kutsara't tinidor at tumayo ng nakapamewang "hoy mga lintang nilagyan ng make-up! Ano bang problema niyo at pati ako pinagdidiskitahan niyo?! Kung mga wala kayong magawa sa mga buhay niyo, paghiwa-hiwalayin niyo yung kape, creamer at tsaka asukal sa 3in1! Kung ayaw niyo naman nun, edi bilangin niyo yung bawat hibla ng buhok niyo tapos i-divide niyo sa 0!" ka-banas tong mga to eh! Nase-stress tuloy beauty ko!

Paid to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon