LOUIE'S POV
Maaga akong gumising dahil...hindi ko din alam eh samantalang gabi na kong nakauwi kagabi.
Naalala ko yung pag-uusap namin kagabi. Pagkatapos nung drama segment namin ay siya na rin ang nagsabi na umuwi na ko, bait niya noh, di man lang ako pinakain o kaya inihatid pauwi. Gentledog talaga! Hmp!
Nandito ako ngayon sa library para maghanap ng bagong libro na babasahin. Natapos ko na kasi yung huling Harry Potter dito sa lib kaya naghahanap ako nga iba.
Hmmm...last week may naki-- "Hey, what's up?" napaigtad ako sa gulat ng may marinig ako sa gilid ko. Nakita ko ang isang perpektong lalaki na nakasandal sa book shelf kung saan naghahanap ako ng libro at nakapamulsa pa.
"Problema mo?" sabay hanap ulit ng libro. Kung The Chronicles of Narnia na lang kaya?
"Sungit. Meron ka ba?" tanong niya habang nakangisi. Bwisit talaga to eh. Kita ngang ayaw ko pa siyang makita dahil nga gentledog siya!
"Anong 'meron'?" kinuha ko na yung hihiramin ko. The Chronicles of Narnia, The Lion, The Witch and The Wardrobe ang una kong hiniram at pumunta na sa counter.
"Regla! May regla ka ba?!" afghjk--! Napalingon lahat ng tao sa sinabi niya...ay mali, sa SINIGAW niya. Langya talaga tong playboy na to!
"Lower your voices" sita sa amin ng librarian. Yumuko lang ako para humingi ng paumanhin.
"Hina-hinaan mo nga yang boses mo. Tsaka anong regla? Wala akong regla. Di ka na nahiya" I said with gritted teeth.
"Eh ikaw kasi eh, ang sungit mo" tatawa-tawang sabi niya.
"Bahala ka sa buhay mo" sabay irap ko sa kanya at nauna ng lumabas ng lib.
Habang naglalakad ako papuntang classroom ay nakarinig ako ng isang babaeng umiiyak. Hindi naman ako tsismosa kaya lunapit ako ng konti sa kanila.
"Huhuhu, ayoko na talaga! Why did they have to do this?! Huhuhu! I really do hate them! Huhuhu" sabi ni girl 1. Hinahagod naman ni girl 2 yung likod niya.
"I'm sorry. I'm not good at comforting someone. Pero bakit kailangan ka pa nilang ipakasal sa iba?" -girl 2.
Napanganga naman ako sa narinig ko. Ipakasal sa iba? Parang si Neo lang. Naalala ko tuloy siya. Dapat pala di ko nalang siya sinungitan. Malungkot nga rin pala yung buhay ng playboy na yun.
"It's because of their freaking business! Hindi ba nila maintindihan na si Neo lang ang gusto kong pakasalan?!" Anak ng palakang labas ang bituka!! Nadamay pa si Neo!
Hindi ko na tinapos pa ang pakikinig dahil nabwisit ako. Feeling naman nun! Sabagay, maganda naman siya at mayaman...pero kahit na!
Mabilis natapos ang dalawang oras at lunch break na. Sinabi ko kina Ethan na may tatapusin lang ako pero sa totoo lang ay pupuntahan ko si Neo.
Pumunta ako sa boys' locker room at laking gulat ko ng may mga tao.
"Uy, miss! Bawal ka dito!"
"May hinahanap ka ba? Gusto mo samahan kita?"
"Wow! Chicks!"
Wah! Pwe! Reglahin sana bibig nila sa mga pinagsasasabi nila!
Nagdire-deretso lang ako hanggang sa makarating ang sa locker ni Neo. Nilusot ko sa butas ang isang papel at mabilis na nilisan ang locker room na yun. Baka kung ano pang mangyari kung magtatagal pa ko dun.
Pumunta na ko sa rooftop kahit bawal. Wala namang makakaalam eh. Ewan ko ba kung bakit bawal eh ang hangin nga dun.
Nang makarating na ko sa rooftop ay naglatag lang ako ng dalawang manila paper at nilabas ko na ang baon ko. Oo, nagbabaon na ko, ang mamahal kasi ng pagkain dito, kala mo naman magiging kamukha mo si Liza Soberano pag nakain mo, eh ije-jebs mo rin naman!
After 5 minutes at dumating narin ang hinihintay ko "kupad..." asar ko sa kanya.
"Oh, bakit?" sabay lapit niya at umupo sa may harap ko.
"Wala lang. Peace offering kasi sinungitan kita kanina. Kaya, ayan! Hati tayo sa baon ko" nakangiting alok ko. Sa totoo lang, may naisip na kong plano...OPERATION: MAKE NEO LAUGH. Sana tumalab...
"No need. Alam ko namang nahihiya ka lang umamin na meron ka" kalma lang, Louie. Kailangan mo siyang patawanin.
"Basta, saluhan mo na lang ako dito!" Binuksan ko na ang baunan ko. Shems! Tuyo nga pala ulam ko.
"He he he, sorry. Nakalimutan kong tuyo pala ulam ko" kakamot-kamot kong sabi. Palpak! Mayaman to kaya malamang di yan kumakain ng tuyo.
"It's okay. I haven't tasted that before. Baka naman masarap yan"
"Oo naman! Ako kaya nagluto niyan! Oh, kain na!" abot ko sa kanya ng tuyo at kanin. Kinuha niya naman yun at akmang susubo na.
"How about you?" okay lang, makita ko lang busog ka, busog na rin ako...char! Feeling din pala ako!
"Kaya nga share, diba?"
"Even with your spoon?" Ay shonga! Isa nga lang palang kutsara ang dala ko. Balak ko pa atang malasahan ang laway ng playboy na to.
"Magkakamay na lang ako"
"Madumi yang kamay mo. Tss, share na lang tayo" O.O... A-ano daw?
"H-huh? H-hin--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinubuan na niya ko ng kanin at tuyo. Pero mas nagulat ako nang nakita kong sumubo rin siya sa kutsarang yun.
*Choke Choke
Ano ba naman tong playboy ba to! Seryoso talaga siya sa sinabi niya kanina!? Sira ba siya!? Naka-drugs ba siya?! Adik siya ah!!
Inabutan niya ko ng bottled water habang naka-ngising aso. Ininom ko to at kinuha niya naman sakin yung tubig at...at...wapak! Ininom niya rin?!
"Loko ka ah!" hindi ko na napigilan ang magkahalong gulat at inis na nararamdama ko.
"Bakit?" natatawang tanong niya. Ha! At may gana pa siyang tumawa ah!
"Wag ka ngang magmaang-maangan! Iniinis mo ba talaga ako?!"
"Hindi ah! Bakit? Naiinis ka na ba?"
"OO!"
"Pfft...hahahahahahahahahahahaha!"
O.o Anyare dito? Parang sasabog na sa kakatawa? Hawak pa ang sikmura habang naka-pikit. Tss, abnong playboy. -_-
"E-enough! P-please, pfft...hahahahaha!" la! Anong ginawa ko dito?
"Huy! Ano ba?! Ano bang nakakatawa?!" bulyaw ko sa kanya.
"I-ikaw k-kasi...pfft...you're s-so cute w-when y-you're pissed. Pfft...Hahahaha!" -_- ge. Tama yan eh. Pagtawanan ako pag naiinis.
1...2...3...4...5...a-ano d-daw?! C-cute daw a-ako?! Tama ba rinig ko? Waah! Magdiwang! ^_^
"S-sorry, I can't h-help it" nagpipigil ng tawa na sabi niya.
"Nakakainis ka. Kundi mo lang sinabi na cute ako, kanina pa kita binatukan."
"You can hurt me?" natigilan ako sa tanong niya. Kaya ko nga ba siyang saktan?
Make him fall in love with you, then if he's already inlove with you, break up with him.
Naalala ko lahat. Yung dahilan kung bakit kami magkasama ngayon. Kaya ko ba talaga?
"Huy! Natigilan ka?" nanahimik muna ako ng saglit bago muling magsalita ng nakatingin sa mga mata niya.
"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung kaya kitang saktan."
Nagtitigan lang kami hanggang sa may narinig kaming nagbukas ng pinto. "Anong ginagawa niyo dito? Bawal kayo dito ah! Gusto niyo bang isumbong ko kayo? Magsi-alis na nga kayo!" sabi ng isang janitor.
Tumayo na ko at niligpit na lamang sabay labas. Phew! Awkward yun ah! Nakagat ko na lamang ang labi ko at inisip ang nangyari kanina. Kung iisipin kong mabuti, hindi ko gustong saktan siya...pero kailangan. Hay! Ang hirap!
Hindi ko na siya hinintay pa at bumaba na lamang ako.
Oo nga't hindi ko gustong saktan siya, pero kailangan kong ituloy ang nasimulan ko. Pinasok ko to para sa pamilya ko. Hindi naman ako mahirap kalimutan eh, kaya panigurado hindi na siya mahihirapan.
Hay! Tama na nga ang drama! Napaka-emo ko na! Hmmm, ano kayang gagawin ko dito sa kutsara at sa bote?
BINABASA MO ANG
Paid to love you
Novela JuvenilSi Louie ang tipo ng babae na puno ng pangarap. Lahat gagawin niya para matupad ang mga yun. Hanggang sa umabot sa puntong binayaran siya para mapaibig ang isang Neo Salvador, cold-hearted, hard-headed, hot-tempered womanizer at saktan sa huli. Maga...
