CHAPTER 24: Time's up

11 2 0
                                    

LOUIE'S POV

Ilang araw na ang lumipas simula nung araw na huli kaming mag-usap ni Neo. Aaminin ko, namimiss ko na siya. Yung tawa niya, yung ngiti niya, yung halik niya, lahat sa kanya namimiss ko. Siguro nga, huli na ang lahat para sakin. Lunod na lunod na ko sa kanya at alam kong hindi na ko makakabangon pa.

Lagi na niya kong sinusundan kapag uuwi ako. Lagi niya kong tinetext kahit na hindi naman ako nagrereply. Lagi na rin akong nakakatanggap ng lunch sa desk ko na may kasamang sticky note.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, kahit isang beses, hindi ko nakalimutan yung playboy na yun. Sinubukan kong i-divert ang atensiyon ko sa nalalapit na intrams at periodical exam pero hindi talaga siya mawala sa isip ko. Pakiramdam ko mababaliw na ko. Normal pa ba to?

Wala yung teacher namin sa last subject at wala ring magsa-subsitute dahil may emergency meeting daw. Kaya kesa naman tumunganga lang ako dito at isipin yung playboy na yun, pumunta na lang ako sa pool at nag-ensayo.

Lumipas ang apat na oras na siya pa rin ang iniisip ko. Pati tuloy trabaho ko, naaapektuhan na.

"Louie, ayos ka lang? Pansin ko kasi kanina ka pa tulala eh. Gusto mo ako muna dito, magpahinga ka na lang muna" suhestiyon ng kasamahan ko dito sa coffee shop na si Carmella.

"Naku, wag na, ayos lang ako. Tulog lang katapat nito mamaya." Sabi ko na lang para hindi na mag-alala pa ang kasamahan ko.

Maya-maya ay may costumer na lumapit sakin at um-oreder.

"One Americano latté and one slice of chocolate mousse" biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang boses niya. Hindi. Baka kaboses lang. Hindi lang naman siya ang may ganitong boses sa mundo.

"Name, sir."

"Neo"

"Sir Ne--" bigla akong natigilan ng sabihin niya ang pangalan niya. Bwisit! Napalingon ako sa kanya ng wala sa oras.

Ilang araw kong iniiwasan ang mukhang yan, pero ngayon nasa harap ko na.

Bakit parang puyat ka? Hindi ka ba natutulog? Parang nangayayat ka din. Kumakain ka pa ba?

Napapikit na lang ako dahil hindi ko magawang itanong sa kanya ang mga gumugulo sa isipan ko.

"T-tataw-wagin ko na kang po kayo, s-sir." Ngumiti muna siya bago umalis. God! How I wish to hold his face! Pakiramdam ko bibigay na ko. Hindi pwede. Pigilan mo, Louie, pigilan mo.

Ilang minuto ang lumipas at gawa na ang inoreder niya kanina. Eto na, tatawagin ko na siya. Bumuga muna ako ng hangin bago ko siya tawagin. "Sir N-neo" napaangat naman siya ng tingin at agad na dumeretso sakin...sa counter pala. Bakit ba 'sakin' ako ng 'sakin'?

"O-one Americano and a-a s-slice of c-chocolate mousse" bwisit na dila to! Bakit ngayon ka pa bumaluktot?!

Pagkakuha sa order niya ay aksidenteng nahawakan niya ang kamay ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko kaya biglang naghuramentado ang puso ko.

Ngumiti lang siya sakin at agad na siyang lumakad palabas ng coffe e shop.

Bawat hakbang niya palayo, parang unti-unting dinudurog ang puso ko. Tila bumigat ang pakiramdam ko. Neo, anong ginawa mo sakin?! Hindi ko na kaya! Hay! Bahala na!

Hinabol ko si Neo at naabutan ko siyang pasakay na sa sasakyan niya. "Neo, sandali!" Hinawakan ko ang braso niya paharap sakin. Nakita ko naman ang pigil niyang ngiti. Tss, natuwa ka pa!

Tumikhim siya at umayos ng tayo at umaktong tila walang pakialam sa nangyayari.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Neo...may gusto sana akong sabihin sayo"

"Sorry, busy ako ngayon. Marami akong kailangang gawin" snob?!

Aalis na sana siya nang higpitan ko ang hawak sa braso niya kaya napatigil siya at umakto na namang naiirita. Tss, di bagay!

"Kahit 5 minutes lang, please" kunwaring nag-isip pa siya bago sumagot.

"Masyadong matagal ang 5 minutes" ay lintik na!

"4 minutes?"

"Matagal pa rin" kung wala talaga akong atraso sa lalakeng to, kanina ko pa to nabatukan.

"Fine! 3 minutes!"

"1 minute. Take it or leave it" hindi man lang umabot ng 2?!

"Grabe naman yung 1 minute. Ano namang masasabi ko sa loob ng--"

"54 seconds" aba't sinusubukan ako ng lalakeng to ah!

Kahit na parang wala siyang pakialam sa sasabihin ko dahil nakatingin lang siya sa relo niya ay sasabihin ko pa rin kahit anong mangyari.

" Sorry sa lahat ng nagawa ko. Pati na rin sa mga nasabi ko. Hindi ko naman talaga intensiyon na sabihin yon sayo eh. Lahat ng sinabi ko, hindi totoo. Akala ko kasi madali kitang makakalimutan. Akala ko mas madali to para sating dalawa--"

"Last 30 seconds..."

"Hindi ko alam kung tatanggapin mo parin ako pero mahal pa rin kita--"

"20 seconds"

"Hindi ko pala kaya ng wala ka...hindi, kaya ko naman pero mahirap. Wala kang ginawa kundi ang mahalin ako pero sinaktan lang kita--"

"10 seconds left..." Nakikinig ba to?

"Huy! Nakikinig ka ba?! Eh para pala akong tanga dito, salita ng salita eh hindi ka naman pala nakikinig! Alam mo ba na nilunok ko na ang pride ko para sayo?! Tapos hindi ka na--" tumingin siya sakin at saka nagsalita.

"Time's up. My turn" hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Naka drugs ba to? Parang nasiraan na ng ul--

Natigilan ako nang hawakan niya bigla ang bewang at pisngi ko. Parang gumuho ang namumuong inis sa katawan ko nang bigla niya kong halikan.

Ayoko munang mag-isip. Gusto ko munang samantalahin ang pagkakataong ito.

At sa oras na to. Alam kong ako pa rin at siya pa rin. Simula ngayon, ipaglalaban ko na siya hanggang sa siya na mismo ang sumuko.

*****
This chap is for you MC_Radcliffe. Miss you, my MOO! 사랑해! ,🐷😍

Paid to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon